Panimula

1.8K 44 2
                                    

"Sige pa!"

"Magkano kapag naghubad ka?"

"How much if you'll suck me? Bakit bawal?"

"Damn, virgin ka pa ba?"

"Bawal ba talaga ang sex? I'll give you thousands for that!"

"Handjob lang? Wala na talagang iba pa?"

"Malinis ka naman, 'di ba?"

Mga linya ng lalaki na paulit-ulit naglalaro sa isipan ko habang umiiyak mag-isa. Ang hirap ng trabahong ito pero lang ang kaya kong gawin para sa kapatid ko. Mahirap, nakakasuka, at ayoko sanang magaya sa trabaho ng mama ko bago niya kami iwanan. Ngunit ano ang magagawa ko?

Hindi sapat kapag nagtrabaho pa ako, mahihirapan akong pagsabayin ang pag-aaral namin ng nakababata kong kapatid. Hindi niya alam ang ginagawa ko pero mabuti na lang ay nag-aaral siyang mabuti. This is the best I can do now, tiisin ang lahat para sa kinabukasan. Kapag naka-graduate na ako, aayos din ang buhay namin.

Hindi lang ako mag-isa sa trabaho na ito, at lahat kami ay may pagkakapareho ng pait sa buhay. Masama man sa paningin ng iba pero kailangang tiisin, at mabuti na lang ay may mayayaman na uhaw sa tawag ng laman. May mga estudyanteng sobrang manyak na pipilitin kang makipag-sex o 'di kaya ay isubo 'yong ano nila. May ibang napipilitan pero ako, hinding-hindi ko 'yon gagawin.

Kailangan ko ng pera pero hindi ko ibebenta ang kabuuan ko. Magtiis sila sa kamay ko, at hindi nila ako mapipilit. Hindi ko na palalalain ang mga pagkakamali ko. Sapat na itong iniiyakan ko, sapat na 'tong kinasusuklaman kong trabaho.

The night passed by na umiiyak lang ako, at natapos na naman ang araw sa school kaya balik na naman sa trabaho.

"Ayaw mo ba talaga? 'Yong isang estudyante kasi na mayaman, grabe 'yong offer sa'kin! Try mo lang, masarap naman eh!" Pamimilit sa'kin ng kaibigan ko pero alam ko namang biro niya lang 'yon. Alam niya naman ang pinaglalaban ko pagdating sa bagay na 'to, at oo, isa siya sa mga napilitan pero na-enjoy niya naman daw. I can't imagine myself doing that thing with different guys, kahit pa sabihing may condom!

"Over my dead body, Sheena." Irap ko dahilan para matawa siya kaya natawa na lang din ako. Masking up the agonies I have to face again.

"May mga nahawakan ka na bang malaki? Hindi ka ba natutukso? O kaya ay gwapo tapos may ipagmamalaki talaga?" Malanding sabi niya kaya nailing ako.

"As much as I can, kinakalimutan ko agad ang lahat, at iniiwan sa kwartong saksi ng mga paghihirap ko. Why would I even like someone na nakasama ko sa kwarto na 'yon? Nandon sila para mambabae, at mag-aksaya ng pera. They're not worth it." Seryoso kong sabi dahilan para bumuntong-hininga siya, at mahina akong tinapik sa balikat.

"Sa tingin mo ba ay may tatanggap pa sa'tin? Nasubukan ko na ring mag-boyfriend na malinis, 'yong hindi pumapasok sa mga ganitong lugar. Alam mo ba kung ano ang nangyari? Pinipilit niya lagi akong makipag-sex dahil naging trabaho ko naman daw pala. That's when I left him, at bumalik na lang ako sa trabaho na 'to. May maniniwala ba sa'kin kapag sinabi kong ni-rape niya ako kasama ng kaibigan niya? Wala, kasi ito ang trabaho natin, at gagamitin nila 'yon kapag nalaman nila 'to. Mas pipiliin ko pa 'yong mga pumapasok dito't nagbibigay ng pera, kaysa sa lalaking akala mo malinis ang intensyon, pero halang din pala ang bituka." Walang emosyon niyang sinabi 'yon ngunit alam at ramdam ko ang sakit.

Sinubukan niya 'yon isumbong noon pero dahil na-track ang trabaho naming ito, kahit tumagal siya noon ay ginamit pa rin pang-depensa. That's how reality sucks, at ganoon ka dudurugin ng mga katotohanan na pinasok mo ang trabahong ito. Hinding-hindi ka makakaalis sa pangungutya ng ibang tao.

"I know the consequences sa labas ng mundong ito, pero hindi ako mawawalan ng pag-asa. Kahit maliit man ang posibilidad, aasa pa rin akong may lalaking tatanggap ng mga katulad natin." Determinado kong sabi kahit pa alam ko sa sarili kong mas maliit pa sa butas ng karayom ang posibilidad. Kaya ayokong malaman ito ng kapatid ko, at titiisin ko ang lahat ng ito para hindi niya na kailangang maisipang pasukin 'to.

"Tama na ang daldalan! May mga customers na!" Tawag ng manager namin kaya nag-ayos na kaming lahat. Huminga muna ako ng malalim bago lunukin ang lahat ng dignidad ko. Nang makarating na kami sa lobby ay bumungad ang isang lalaki na aaminin kong gwapo, at mukhang batak sa gym. Seryoso siyang nililibot ang tingin sa amin na tila ba may hinahanap siya. Magaganda naman kaming lahat dito, at 'yon ang ginagamit naming puhunan dito.

Sa tingin ko ay malaki ito magbigay ng tip, sa tindig palang at kasuotan ay halatang may pera na. Hindi rin siya mukhang estudyante kaya paniguradong makakaya nitong magbigay ng malaking halaga.

"Miss, saan po ba rito si Crisanta? Siya po kasi talaga ang pinunta ko rito." Magalang nitong sabi, at tila musika sa pandinig ang boses nito. Sa sobrang sarap sa pandinig ay binalot ako ng kaba. Hindi lumalabas ang pangalan namin dito, at wala akong kakilala na naging customer ko! Paano niya nalaman ang pangalan ko? Bakit ako?

"Miss Monsanto, did you break our rule?" Galit na sabi ni madam Violet, ang manager namin. Siguro ay inakala niyang nagsabi ako ng pangalan sa customer, o di kaya'y pinakalat ko ang trabaho ko.

"Madam, hindi ko rin po alam kung paano niya nalaman ang pangalan ko!" Depensa ko, at nang tignan ko ang lalaki ay agad nagtama ang mga paningin namin.

"There you go, nakita rin ulit kita." Nagtaka naman ako sa sinabi nito dahilan para madali niya lang akong mahatak patungo sa mga kwarto. Agad niya namang namataan ang kwarto na nakalagay ang pangalan ko, at binuksan 'yon. Nang makapasok ay marahas niyang isinara ang pinto, at nang harapin niya ako ng malapitan ay parang namumukhaan ko siya.

"You ruined your dignity, Crisha! Bakit mo 'to ginawa? Akala ko ba hindi mo gagayahin ang nanay mo?" Nagtaka ako sa sinabi niya, at sa isang iglap ay tumama ang kamay ko sa kanyang pisngi nang sunggaban niya ako ng halik.

"How dare you kiss me? Kilala ba kita? Malinaw naman ang rules sa ilalim ng pangalan ko! Isusumbong kita kay madam, at may karapatan akong ayawan ka dahil sa ginawa mo!" Walang pagdadalawang isip na sabi ko ngunit marahas niya akong tinulak sa kama. Nang daganan niya ako, at mahigpit na hinawakan ang mga kamay gamit ang kanya ay agad akong kinabahan. Kasabay nito ang pagtulo ng mga luha ko.

Ito na 'ata ang kinakatakutan ko sa trabaho na 'to. Ang ma-rape ng customer na walang pakialam sa mga rules.

"Damn, 'wag kang umiyak, Crisha. Magkano ba para makausap ka ng maayos? Magkano ba ang halik? Magkano ka ba?" Puno ng galit ang mga mata nito, at sa paraan ng pagkakasabi niya ng mga salitang 'yon, mas naramdaman ko ang pait ng buhay, at kung gaano kasira ang dignidad ko.

A ruined dignity in exchange of money. A ruined dignity in exchange of a good life in the future. I chose to ruin my dignity dahil ito lang ang alam at kaya kong gawin para mabuhay kami ng kapatid ko para sa pang-araw-araw na gastos pati na rin sa pag-aaral. Maging isang bayarang babae na kinasusuklaman ng lipunan.

Ruined DignityWhere stories live. Discover now