Kabanata 5

610 21 0
                                    

Drawing dito, drawing doon. Problem solving dito, problem solving doon. Ganoon ko inabala ang sarili ko sa loob ng isang linggong hindi pumapasok sa trabaho, at kahit ayoko man ay napilitan akong kumuha ng kaunti sa ibinigay ng lalaking 'yon. Bakla naman 'ata 'yon, I mean hindi naman sa gusto kong gawin niya ang mga bagay-bagay pero it's weird kasi talaga.

Imagine, one week since we talked about the deal pero hindi pa siya nagpapakita ulit sa'kin kahit isang beses man lang. Why am I even concerned about him? Baka may girlfriend pala 'yon tapos nagloloko na pala! Nako, mukhang magkakaroon pa ako ng problema nito.

Mahina na lamang akong umiling habang nililigpit ang mga ginamit ko sa drafting subject. Oras na para magpahinga, at mabuti nga na hindi muna siya magparamdam sa'kin. Saglit akong napalingon kay Ayesa na ngayon ay nakanguso habang nakatitig sa akin.

"Alam kong maganda ako, 'di mo na ako kailangang titigan ng ganyan." Mapanuya kong sabi na nagpasalubong ng kilay niya.

"Wow, kapal ha! Mas maganda kaya ako!" She flipped her hair after announcing that false statement. As if naman na magpapatalo ako sa kanya.

"Excuse me, crush na crush mo kaya 'yong pumuntang lalaki sa'kin. Bakit ako ang pinili? Duh, doon ka na lang sa cheap na Xavier mo." Pataray kong sabi habang sa isip ko'y tawang-tawa na ako lalo nang umirap na siya. Ang bunso kong pikunin!

"Duh, mas cheap kaya 'yong lalaki mo! Hindi ka man lang dinala sa kwarto!" She attacked below the belt but I kept my temper as chill as possible. Asaran lang 'to kaya 'wag kang mapipikon, Crisanta. Kapatid mo 'yan kaya 'wag mong sasabunutan, kalma ka lang.

"At least, hindi siya child abuse!" Umawang ang bibig niya sa sinabi ko kaya wala sa sariling napalakas ang tawa ko ngunit agad siyang nakabawi.

"He's 5 years older than you, mas child abuse siya!" Paiyak niya ng sabi na senyales na pikon na talaga siya.

"Excuse me, paano mo na laman ang edad niya? Sinasabi na nga ba't may gusto ka sa lalaking 'yon. Sa'yo na lang, you want?" Pang-aasar ko na tuluyang nagpaiyak sa kanya. Ganyan siya kadali mapikon at walang tigil 'yang iiyak sa sobrang pagkaasar. Short-tempered masyado kaya halos lagi rin silang magkaaway nung Xavier niya.

"Don't tell Xavier about this, ate! Nakakainis ka! Lagi na lang ako ang napapikon!" She frustatedly commented kaya agad ko siyang nilapitan at inalo. Natamaan ko ang weak point niya sa asarang 'to, may gusto nga talaga siya sa lalaking who knows who na 'yon.

"Kailan ba may lumabas sa asaran nating dalawa? I'll also suggest na tigilan mo ang paghanga sa lalaking 'yon, he's not trustworthy. Kinakabahan nga ako tuwing nasa university ako, baka gahasain ka niya." Mahina kong sabi dahil wala talaga akong tiwala sa lalaking 'yon. Ang dami kong naisip tungkol sa kanya, at ito ang pinakamalala dahil damay na ang kapatid ko.

Ano kaya ang mangyayari kapag nagsama na kami? Will he abuse and hurt me? Ginagawa ko lang naman 'to para maging maayos ang buhay ni Ayesa. Ayoko talagang matulad siya sa'kin pero paano 'yon mangyayari kung hindi naman ako sigurado sa lalaki. Sinisiraan ko pa nga siya ngayon sa kapatid ko.

"Ano ka ba, ate? Maka-gahasa ka naman samantalang mukhang gustong-gusto ka nung lalaki. Mukha rin naman siyang maayos na tao, at bakit mo ba siya sinisiraan sa'kin? Ayaw mo bang magkasundo kami ng future brother-in-law ko? Tsaka crush ko lang naman 'yon, ate. Wala akong balak agawin sa'yo." Seryoso niyang pahayag kaya mahina ko siyang nabatukan.

"Fine, walang agawan ng jowa ha? About him, hindi rin kasi ako sigurado. Hindi ko pa siya kilala ng buo kaya natatakot ako." Iyon na lamang ang nasabi ko para hindi siya maghinala. Ngayon ko lang napagtanto na baka mapansin niyang hindi talaga kami magkakilala ng lalaki na 'yon. Minsan talaga tanga-tanga ako, naturingang top student.

"Pero bakit nga kaya 'di na 'yon nagparamdam dito? Nagkikita ba kayo sa ibang lugar? Nahiya 'ata sa nangyari, sa iba niyo na 'ata ginagawa." She suddenly asked dahilan upang masamid ako.

"Ang bastos na talaga ng bibig mo, at ano ka ba, virgin pa rin ako." Kalmado kong sagot ngunit tumaas lamang ang isa niyang kilay.

"Paano kung hindi ako dumating?" Pang-uusyoso niya dahilan upang mapailing ako ng mabilis.

"You misunderstood, mali ka ng iniisip sa nakita mo. Tara na nga, matulog na lang tayo. Tama na ang usapan sa lalaki na 'yan." I closed the conversation and I'm thankful that she agreed.

Morning came, at abala ako sa pag-aayos nang tumitiling pumasok si Ayesa sa kwarto namin. Kumunot naman agad ang noo ko at mahina ko siyang napalo sa braso nang pagpapaluin niya ako sa kilig niya.

"Problema mo?" Masungit kong sabi dahil ang aga-aga ay mukhang lumalandi na naman siya.

"Si kuya Azhail nasa labas ng kwarto!" Nagtaka naman ako dahil wala akong kilalang Azhail sa tanang buhay ko. I gave her a questioninh look na inirapan niya naman.

"Hindi mo ba kilala ang manliligaw mo? Ang gwapo niya today, ate! Makalaglag panty!" Parang tanga siyang nangisay sa kilig kaya napailing na lamang ako.

"Gosh, kung hindi lang kita kapatid baka matagal na kitang nilayuan." Iiling-iling kong pagsusungit sa kanya bago puntahan ang bwisitang dumating.

"Ano na naman ang pinunta mo? Akala ko na-bakla ka na kaya 'di ka nagpakita." Walang emosyon kong sabi habang palabas ng kwarto ngunit nang dumako ang paningin ko sa kanya'y 'di ko naiwasang humanga. Sa sobrang gwapo at hot ay hindi ko na alam kung paano ko pa idedepina ang ka-gwapuhan niya.

"Good morning." Shet, pakiramdam ko'y hihimatayin na ako sa paraan ng pag-ngiti niya sa akin. Na-depina pa nito ang dimples niya na naka-ukit sa kanyang pisngi. Damn that perfect jawline, a pair of alluring eyes, thick well-shaped eyebrows, and what the hell am I glorifying his features?

"Sorry kung 'di ako nagpakita, ayoko lang kasi na mabigla ka ng sobra. I gave you time to adjust. So, shall we go for a date?" Ang gwapo niya lalo nang kumindat pa siya ngunit nang luminaw sa akin ang sinabi niya'y naalala ko ang deal.

Baka parte lang ito ng pang-aakit niya sa akin. Sigurado akong pati ang nangyari kahapon ay parte ng kanyang bitag. Kailangan kong mag-ingat at alalahanin ang rule number 101, don't ever fall in love with your customer. Hindi ko alam ang plano niya, at isang maling galaw lang ay baka ma-expose ang trabaho ko sa publiko.

Ruined DignityWhere stories live. Discover now