Kabanata 21

274 11 0
                                    

I don't know in what place we are exactly right now dahil hindi naman ako masyadong pumupunta sa ganitong lugar. Tsaka hindi ito 'yong mga bar na malapit sa lugar namin, I think nasa pang-high class na bar kami ngayon kung hindi ako nagkakamali. It's weird for PUPians to be here pero mapera naman ang tatlong 'to kahit sa state university nag-aaral. Sabi nila ay alma mater ng parents nila kaya roon sila nag-aral.

It's my first time sa bar na 'to dahil hindi naman ako dumadayo rito, at kami ang dinadayo sa mga meet up place ng management namin.

Apat kaming babae sa grupo namin at hindi ko alam kung normal pa ba itong ginagawa naming pag-inom ng alak. Hindi pa naman ako sanay uminom pero kasi ngayon lang ako sumama sa kanila kaya sumabay na lang din ako sa kanila.

"Look at that guy, ayon oh." Turo sa amin ni Mary kaya sabay-sabay kaming lumingon sa kung sino man ang tinuro niya. Gosh, mahilig talaga ang isang 'to na maghanap ng lalaki.

"Geez, he's so handsome." Tila baliw na ngumiti pa si Jen habang tinitigan ang lalaki habang ako ay pinipilit pa rin tignan kung sino man 'yon. Medyo nanlalabo at nahihilo na rin kasi ako sa dami ng nainom namin

"Uyy Crisha, 'di mo ba nakikita? Gusto mo lapitan natin?" Agad akong umiling sa suhestyon ni Leisha lalo nang maaninag ko nang mabuti ang suot ng lalaki. I'm sure that he's from UST dahil sa suot nitong jacket. I think I had some customers na galing USTe but nevermind, baka hindi naman siya isa sa mga 'yon.

Sabay-sabay kaming umiwas ng tingin nang may nagturo sa lalaking 'yon sa pwesto namin, at tila nanigas kami pare-pareho nang lumapit ang lalaki. Agad siyang umupo sa tabi ni Leisha at umakbay, sa gulat ay hindi na nakaimik si Leisha.

"Oh my God! Ang daya naman, bakit kay Leisha lumalapit ang mga gwapo?" Naka ngusong reklamo ni Jen na katabi ko.

"Hi, girls!" Bati nito at sumenyas sa mga tropa niya kaya may dalawa pang lumapit. Laking pasasalamat ko na walang umakbay sa akin. Nanahimik na lamang ako habang umiikot ang tagay sa aming pito, at kahit pa anong kantyaw ng mga kaibigan ko na maghanap ako ng makakasama ay umiiling agad ako.

Hindi ko maatim gawin 'yon dahil ayokong nakakapanlamang sa kapwa ko. I mean, I have a boyfriend tapos magpapakbay ako sa lalaking hindi ko naman kilala? I swear, I can kill someone if I caught Azariel flirting with another woman. Gosh, babalatan ko ng buhay ang babae na 'yon kung meron man.

"Truth or dare tayo." Aya ng isa sa tatlong lalaki at dahil game ang mga kabigan ko ay nagsimula silang magpaikot ng bote. Paikot kasi ang mesa namin at pang-apatan lang talaga pero may tatlong epal na sumingit sa eksena. Kinabahan ako ng tumapat sa katabi ni Leisha ang pwet ng bote at sa akin naman kabilang dulo.

"Truth." Agad kong sagot dahil nakakatakot ang dare.

"May boyfriend ka na?" Pagkatapos niyang magtanong ay walang pag-aatubili akong tumango-tango.

"Hmm kaya pala ayaw may tumabi sa kanya." Komento ng lalaki bago umikot muli ang bote. This time, ang nasa pwet ng bote ay si Jen at ang kabilang dulo ay sa lalaking katabi ni Mary.

"Dare." Matapang na sagot ng lalaki at nakitaan ko ng malaking ngisi sa labi si Jen. Nako, mukhang alam ko na ang madilim na balak ng babaitang 'to.

"She haven't got her first kiss yet so iparanas mo na lang sa kanya na... mahalikan sa leeg. Ten seconds." Nanlaki ang mata ni Mary ngunit agad ding napapikit nang halikan na ito nung lalaki, at muntik na akong matawa sa pagkagat-labi niya na tila nabitin pa sa sampung segundo.

"Huy sismars, kumalma ka." Hindi ko na napigilan ang tawa ko lalo nang mamula ang mukha ni Mary. She's a virgin sa lahat, hindi tulad nitong si Jen at Leisha na umabot na raw sa second base. May binulong ang lalaki sa tenga niya dahilan upang manlaki ang mga mata at mas lalo pang namula. Oh I guess that's something erotic.

"Game paikutin na ulit." Pinaikot ko na ang bote hanggang sa nakailang rounds ba kami sa laro. Mukhang lasing na lasing na kaming lahat dahil palala na ng pala ang mga dares nila sa kanya-kanyang partner. Ang boring ko pa nga raw dahil puro truth ako, nauubusan na sila ng itatanong.

Ilang ikot pa ng tagay ay kanya-kanya na silang lampungan, at sigurado akong pagkatapos ng gabi na 'to ay ubos na ang virgin sa grupo namin. I care for them but I can't do anything sa sitwasyon na 'to. They were all heated up at kanya-kanya na rin silang umalis kaya naiwan ako sa table. Oh great, ang saya-saya.

Hilo man ay pinilit kong lumakad nh matiwasay hanggang sa makarating na ako sa building ng condo ni Azariel. Hindi ko na alam ang oras at hindi ko na rin masyadong tanda kung paano ako nakauwi. Basta ang alam ko ay sumakay ako sa iba't ibang jeep hanggang makarating na ako rito.

"Gosh, buti nadala ko ang susi." Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba nang makita kong ala-una na pala ng umaga. Baka tulog na ngayon si Azariel at ayoko namang gisingin pa siya kaya hindi na rin ako nag-text na pauwi na ako. Gosh, siguradong sobrang sakit ng ulo ko nito bukas.

Nang makarating sa tapat ng pinto ay agad ko 'yong binuksan at tila nagpantig ang tenga ko ng makarinig ng isang malakas na ungol. Kinakabahan at natatakot na ako sa makikita ko ngunit buong lakas pa rin akong nagtungo sa kwarto namin ni Azariel. Tuluyang nawala ang pagkalasing ko nang magtama ang mga mata namin ni Azariel habang may babaeng abala sa pagtaas-baba sa pagkalalaki niya.

"What the hell, Azariel?" Agad bumuhos ang mga luha ko dahilan upang maalarma si Azariel at maitulak ang babae. Nang dahan-dahan siyang lumalapit sa akin ay ganoon din naman ang paglayo ko sa kanya.

"Saan ako nagkulang? Ahh oo nga pala, gets ko na. Salamat na lang." Mapait akong ngumiti habang ang mga mata niya ay tila nagmamakaawa ngunit ang bibig niya ay tikom lamang. Kahit isang lalaki ay wala akong hinayaan na landiin ako tapos ganito?

Nagpatuloy ako sa pag-atras at tanging pag-angat na lang ng kamay ang nagawa niya bago ako tuluyang tumakbo palabas ng unit niya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I want to kill him and that woman but I won't waste my energy.

Oo nga pala, bayaran nga pala ako noon at baka nakahanap siya ng mas masarap na parausan. Kailan niya pa ako niloloko? Siguro ay naisip niya na hindi ako makakauwi sa bahay o kaya naman ay magtetext ako para mapaalis niya ang babaeng 'yon.

Dapat talaga ay hindi na lang ako nagtiwala muli sa lalaki.

Sa huli ay natagpuan ko ang mga paa ko sa harap ng bahay namin ni Ayesa. Nahihiya man ay kumatok na ako sa pinto, at mabuti na lang ay si Ayesa ang nagbukas. Niyakap ko siya nang mahigpit at doon ako humagulgol ng sobrang lakas.

"Manloloko siya, Ayesa." Iyon na lamang ang nasabi ko bago nandilim ang paningin ko.

Ruined DignityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon