Kabanata 6

565 20 0
                                    

"May klase ako ngayon." I stated as a matter of fact na nagpasimangot sa kanya. No, 'wag kang magpapaapekto sa charms niya. Sex lang ang habol sa'yo ng mga lalaki lalo't sa trabaho ka niya nakilala. Kapitan mong mabuti ang panty mo, Crisanta. Don't let things fall for him, bayaran ka lang naman niya.

"Oh, maybe sa ibang araw na lang? Kapag hindi ka na busy." Tila napahiya nitong sabi.

"Sa totoo lang tayo, hindi mo naman 'to kailangang gawin. Tumutupad ako sa mga bagay na pumayag ako kaya don't push yourself too hard." Tipid akong ngumiti at kinuha na ang mga gamit ko para sa klase ngayon. Maaga pa naman pero kailangan kong layuan ang lalaking 'to. Masyadong nakakatukso ang ka-gwapuhan, delikado ako rito.

"Come on, 'wag ka namang ganyan. Gusto ko lang naman na magkaayos tayo." Gulat ako ng hilahin niya ako ng malakas papalapit sa kanya. Sinubukan kong kumawala sa mahigpit niyang hawak ngunit nagsasayang lang ako ng lakas.

"Wala ka namang dapat ayusin sa pagitan nating dalawa. I don't even know your name." Pabulong kong sabi nang mahagip ng paningin ko si Ayesa. Mariin na lamang akong napapikit sa inis dito sa lalaking kahatap ko ngayon.

"Azariel Mikhail Delgado." Mahina niyang sabi malapit sa aking tenga at pigil-hininga ko siyang tinulak nang lumapat ang ilong niya sa aking panga.

"Don't seduce me in front of my sister." Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha nang mapagtanto kong iba ang dating ng sinabi ko. Mas lalo lamang akong nakaramdam ng hiya ng ngumiti siya ng nakakaloko.

"Saan mo ba gusto?" He said with a low tone as his hand slowly caressed mine. Dahan-dahan itong umakyat mula sa aking palapulsuhan patungo sa aking braso na nagdulot ng kakaibang elektrisidad sa aking sistema.

"You misunderstood me. P-papasok na ako, umuwi ka na sa inyo." Halos hindi na ako makatingin sa kanya habang sinasabi 'yon. Sa sobrang hiya ay mabilis akong tumakbo palayo sa kanya.

"Marami ka na rin namang nakitang gwapong lalaki sa trabaho mo. 'Wag kang magpapaapekto sa kanya." Pagpapakalma ko sa sarili habang nasa loob ako ng jeep papuntang university.

Madami na rin namang akong nahawakan na lalaki pero ngayon pa ako nagpapadala sa mga ganoon? May mas gwapo pa sa kanya sa trabaho pero sa kanya pa ako bibigay? Marupok lang, Crisanta? I should always put in my mind na bayaran lang ako ng lalaking 'yon.

May mali ba sa'kin? Bakit ba lagi kong iniisip ang mokong na 'yon? Siguro ginayuma niya ako pero imposible namang gawin niya 'yon. He can pay whenever he wants to! Baka naman nadadala lang ako ng sitwasyon kaya ako nagkakaganito. Mas mabuti pa noong hindi siya nagpapakita, nasa pag-aaral lang ang lahat ng atensyon ko.

Speaking of pag-aaral, mabuti na rin siguro itong nangyari sa akin. I can at least focus on studying and I don't need to exhaust myself from pleasuring different men. I can at least save some dignity except for the fact na pag-aari na ako ng lalaking 'yon. Siguro naman pagtatapusin niya muna ako ng pag-aaral bago mapag-isipang lagyan ng bata ang sinapupunan ko.

Mariin akong napapikit sa mga naiisip ko. Why am I even thinking of those things? And why wouldn't I think of it? Buhay at katawan ko ang binenta ko kaya dapat ko 'tong pag-isipang mabuti. Gosh, saan na ba napupunta ang tamang pag-iisip ko?

Tulala akong nakaupo sa waiting area ng university dahil mamaya pa magsisimula ang unang klase. Isang oras akong nauna dahil sa bwisitang dumating sa bahay.

"Asensado ka na, 'di ka na pumapasok." Agad nakuha ng nagsalitang babae ang atensyon ko, at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Sheena na umuupo sa tabi ko.

"What are you doing here?" Pabulong kong tanong na agad naman niyang tinawanan.

"Sinamahan ko lang 'yong pinsan ko na nag-take ng entrance exam sa main campus niyo. Nabalitaan kong may pasok daw rito kaya pinuntahan kita. Gwapo ang isang 'yon baka trip mo." Kumindat pa ito bago yumakap sa'kin ng mahigpit na sinuklian ko rin naman.

"Na-miss kita ng sobra, Sheena." Mahina kong sabi sa pinakamatalik kong kaibigan. Mas kapatid pa nga ang turing ko sa kanya kaysa kay Ayesa but it shouldn't be taken wrong, kapatid din naman ang turing ko kay Ayesa pero mas higit lang si Sheena.

"Ikaw naman kasi ang hindi bumalik. Sobrang-sobra ang pag-aalala ko sa'yo dahil wala naman akong natatanggap na balita kay manager. Ano na ba kasi ang nangyari?" Nagtataka niyang tanong sa mahinang boses kaya pasimple akong lumingon sa paligid. Nang walang makitang malapit na tao ay nabuo na ang loob kong sabihin sa kanya ang detalye.

"May bumili sa'kin, five hundred thousand worth of cash. 'Wag ka maingay pero babalitaan kita sa mga susunod pang mangyayari. Turuan mo rin ako sa mga dapat gawin sa kama, siguradong aabot kami roon." Walang gana kong sabi ngunit tila natuwa pa si Sheena sa narinig niya. Mukhang gusto niya pa 'atang magtatalon pero agad ko siyang pinigilan sa balak na pagtayo.

"Promise, 'di ka magsisisi tsaka ano ka ba, malaking pera rin 'yon. Buti hindi ka tumanggi, I mean, don't get me wrong. Ayaw ko talagang mapasubo ka sa ganyang set-up pero ano pa bang magagawa natin kung ganito ang tadhana ng trabaho natin? As long as hindi tayo magiging kabit, gora lang." Pagpapalakas niya ng loob ko ngunit mas lalo lamang akong pinanghinaan ng loob.

"Para kasing hindi ko kaya ang ganon pero hayaan na, napasok ko na. Mahirap ng makalabas lalo't mayaman ang lalaking bumili sa'kin. Nakakatakot na ma-expose pa ako sa publiko, alam mo naman na malayo ang agwat ng mayaman at mahirap. Kung bibigyan ako ng pagkakataong mabuhay ulit, hindi ko na pipiliin ang trabahong 'to. Bakit kasi sa lahat ng pwedeng manahin kay mama ay ito pa ang nakuha ko." Paiyak ko nang sabi ngunit pinigilan kong tumulo ang mga luha lalo nang mahagip ng paningin ko si Jacob.

"Jacob." Tawag ko nang makitang papalapit na siya ngunit iniwasan niya lamang ako at umupo malayo sa akin.

"Puntahan ko lang muna ang kaibigan ko." Paalam ko kay Sheena.

"Aalis na rin ako. Sana magkita pa ulit tayo." Tugon niya at binigyan ako ng halik sa pisngi bago nagmamadaling umalis na ipinagtaka ko. Lalo akong nagtaka nang magkatinginan sila ni Jacob ng masama na tila ba may atraso sa isa't isa. Umirap muna si Sheena bago tuluyang nawala sa paningin namin.

"Bakit kasama mo ang pokpok na 'yon?" Agad akong umalma nang hawakan niya ng mariin ang palapulsuhan ko.

"Jacob, nasasaktan ako." Angal ko na dahilan upang gulat siyang binitiwan ako.

"Sorry, may nakaraan lang kasi kami ng babae na 'yon." Puno ng kahulugan niyang pahayag na mas nagpalala ng kuryosidad ko. Something smells fishy between Sheena and Jacob.

Ruined DignityWhere stories live. Discover now