Kabanata 20

314 8 0
                                    

As I sit down in front my younger sister katabi ang limang taon niyang anak, at ang asawa naman niya ay abala sa pagluluto ng makakain namin ay hindi ko maiwasang maalala si Azariel.

"Bakit ba kasi kayo nagkahiwalay? Ilang taon na ang lumipas pero hindi mo pa rin nakukwento sa'kin?" Puno ng kuryosidad ang mga mata niya kaya lakas-loob kong ikukwento lahat. I haven't heard any news about him, and I don't want to receive any.

"Let's just say that he lied to me, and he's now married with another woman."

Agad akong napabangon mula sa pagkakahiga dahil sa isang nakakatakot na panaginip. Bakit ganoon ang napanaginipan ko? Wala naman sigurong ibig sabihin 'yon.

"Good morning, masyado kang nagpagod sa sheets na pinagawa ko. Hindi naman 'yon minamadali kaya pwede kang magpahinga paminsan-minsan. Dalawang linggo na lang natitira sa bakasyon mo." Nag-aalala ang mga mata niya kaya agad akong ngumiti.

"Don't worry about that, ganoon din naman kapag nakatapos na ako ng civil engineering. Iniisip ko na lang lahat as an ojt." Nakangiting tugon ko at pumwesto na sa may mesa upang makakain ng almusal. Halos dalawang buwan na kaming naninirahan sa isang bahay kasama na roon ang kwarto.

Paminsan ay umaasa siyang makakaulit pa ng sex pero that's a big no for me. Tama na 'yong maka-isa siya lalo't wala naman talagang kasiguraduhan kung hanggang dulo ba. Dagdag pa sa mga pag-iisip ko ang panaginip kong 'yon, sana ay 'wag naman mangyari.

"Nga pala, pupunta akong university bukas para makipag-meet sa mga kaibigan ko. I'll be home at night naman, para na rin makapagpahinga muna ako sa mga ginagawa kong sheets." Pagpapaalam ko at hindi rin naman siya pwedeng tumutol sa'kin. Hindi ako papayag na mangyari 'yon, that's a breach on our privacy agreement.

"Mag-ingat ka roon sa gagawin niyong bonding. Gusto mo bang sunduin kita bukas?" Agad akong tumango sa naging tanong niya na walang pagdadalawang-isip.

"I'll just text you kung saan ang location namin kapag pauwi na kami." I stated dahil hindi ko rin alam kung saan kami magpupunta ng mga kaklase ko. Ang sabi naman nila ay hindi kami masyadong lalayo sa university.

Hindi ako magaling sa lugar kaya pumayag agad ako sa offer ni Azariel na sunduin ako. Yet, I still need to know how to go home alone because Azariel might have some problem or emergency. Most probably that would happen will be urgent family meeting or whatever that might be.

Nanatili lamang kaming tahimik hanggang sa nakaupo na lamang kami sa sala. He's just watching me while I'm doing some sheets that he gave me. I can still remember the days that I'm still learning about this program. My current progress tells that Azariel is a good mentor and now, I'm trying my best to cope up with his skills.

Ang sarap sa ears kapag naririnig mo 'yong bawat tipa sa keyboard at bawat pindot sa mouse habang nag-aayos ng mga plano. Iyon pa ang isa, medyo komplikado pa sa akin noon ang mga computations pati mga pwestuhan and all, but Azariel made everything to make me learn it smooth and fast.

Abala ako sa paggawa ng gumawa siya ng ingay dahilan upang makuha ang atensyon ko.

"By the way, I shouldn't open up that thing but can I get a copy of your note regarding those shthead? I might be able to use that in the future." I can sense that he's up to something pero ayoko na siyang pakialaman pa. I'll let him do what he wants regarding those men.

"Here." Inabot ko na sa kanya ang phone na naka-open ang notepad para i-type niya na lang sa phone niya.

"Parang kilala ko ang isa rito. I think I said that the first time you let me see this, but this time, I might find out kung kilala ko ba siya." Seryoso ang tingin niya sa phone habang sinasabi 'yon na tila inaalala ang pangalan na parang kilala niya raw. Nagkibit-balikat na lang ako at pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko.

I'm almost done at medyo naiilang na ako dahil nakatingin pa rin siya sa phone kahit naka-off na 'yon. Siguro nga'y kilala niya talaga ang bumaboy sa pagkababae ko noon. Ayoko na sanang madamay pa siya ngunit sinasabi rin ng isip ko na dapat ko siyang hayaan.

There's a part of me that keeps on screaming and pleading for justice. I already achieved the love from a man which I was searching for and now, I seek for my inner peace that will completely free me from my past.

Hindi magandang pakinggan pero naghahanap talaga ko ng lalaki na magmamahal sa akin. I didn't have a father figure since my mother was working as a sex worker.

Although she's doing things to financially sustain that family, I can't forgive her for saying that I'm useless even though I'm trying all my best. Minsan pa ay sasabihin niya na kung sino bang lalaki ang tanga-tanga at nabutasan ang condom para mabuntis siya.

She'll even curse in front me saying that she should've used pills before. Sana raw ay hindi siya nagtiwala sa condom para hindi niya ako na ako ipinanganak. Nagselos pa nga ako noon kay Ayesa dahil hindi siya nagpasasabihan ni mama ng masama. Yet, I can't blame Ayesa kaya kay mama na lang ako nagalit.

I can always see her earning lots of money, at doon ko nakuha ang ideya na pumasok sa trabaho na 'yon. Ilang gabi ko pa 'yon iniiyakan noon dahil hindi ko matanggap na ganoon din pala ang sasapitin ko. I can't get that out of minds 'cause until now and in the future, that fcked up past won't ever leave me.

Ilang oras pa ang lumipas bago ko tuluyang natapos ang mga sheets. Tinapos ko na rin ang para bukas para payapa ang isip ko habang nagsasaya kasama ang mga kaibigan ko.

"Merienda na ang kakainin natin. Hindi na kita inabala pa para sa lunch at mukhang gusto mong matapos 'yan." Komento ni Azariel habang tinutulungan akong magligpit ng mga ginamit ko. Masyado akong naging abala at hindi ko na namalayan ang oras.

"You should've eaten lunch. Kanina ka pa nakatulala lang d'yan, hindi mo na dapat ako hinintay matapos." Puna ko sa ginawa niya buong oras na abala ako sa paggawa ng drawing sheets.

"It's fine. Tara kain na tayo." Hinila niya na ako patayo kaya sumunod na ako sa kanya. I was expecting him to spoil whatever he was thinking but I guess, ayaw niya talagang ipaalam sa akin.

Ruined DignityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon