Kabanata 1

1.1K 29 7
                                    

Matapos niya akong tanungin ng mga masasakit na salita ay agad siyang umalis, at kahit pa ganoon ay paulit-ulit ako nitong minulto. That's the first time I received those words from a customer which I think know me. It's still a puzzle for me kung sino ba siya, at bakit ganoon ang trato niya sa'kin?

It's as if I'm some important woman na hinanap niya para lang sabihan na umalis sa trabaho ko. I somehow felt more empty tonight than any other nights I cried because of this work.

I feel... hopeless, helpless, and unloved. Nawaglit lamang ang pag-iisip ko nang tinawag ako ni Ayesa, ang nakababata kong kapatid. Agad kong pinalis ang mga luha, at mabilis na nag-ayos ng sarili.

"Paabot naman ng mga gamit ko, ate! Naiwan ko kasi, salamat!" Tawag nito mula sa banyo kaya agad akong tumayo, at kinuha ang mga gamit niya. Maliit lang ang bahay na naiwan sa amin pero ayos na rin, sisiguraduhin kong makakapagtapos ako para mabigyan ng maayos na bahay si Ayesa.

Kami na lang dalawa ang magkasangga ngayon kaya dapat ko pang mas tibayan ang loob. I shouldn't be threatened with that asshole!

"Ito na!" Tawag ko, at agad niya namang binuksan ang kurtina ng buo. Madalas ko na siyang sinasaway tungkol doon, at baka mamaya ay hindi na pala ako ang taong kasama niya. Instances lang naman pero baka mangyari.

Habang inaabot ko ang gamit niya ay nangunot ang noo ko nang may mapansin sa pagkababae niya. Maputi si Ayesa dahil foreigner daw ang ama nito, at sigurado akong hindi ganyan ang dapat na kulay n'yan!

"Bakit namumula 'yan?" May bahid ng inis kong tanong, at mas lalo lang akong nainis nang tila inosente pa siyang tumingin sa akin.

"A-alin po, ate?" Halata ang kaba sa boses nito kaya tuluyang naputol ang pasensyang natitira sa akin. Hindi ako nag-boyfriend, at iniiwasan kong gawin ang bagay na 'yan! Tapos ganito ang mangyayari sa kapatid ko?

"Tang ina naman, Ayesa! Patingin ng panty mo!" Siguradong namumula na ako ngayon sa galit, at mas lalo akong naiinis hindi sa kapatid ko, kung hindi sa lalaking may gawa nito! Nanginginig ang kamay na inabot niya sa akin ito, at nang may makita akong mantsa na sigurado akong galing sa isang lalaki, mariin na lamang akong napapapikit.

"Did he force you? O pumayag ka rin na gawin niyo? 'Yong boyfriend mo ba?" Sunod-sunod kong tanong ngunit nanatili lamang itong tahimik at umiiyak.

"Sumagot ka, Ayesa!" Pagalit kong sigaw habang niyuyugyog ang kanyang balikat. Galit ang tumatakbo sa buong sistema ko, at lahat ng problema ko'y mas bumigat pa lalo't sa mantsang nakita ko, siguradong hindi sila gumamit ng condom!

"Pumayag po ako, ate. Sorry po! Please, 'wag mo po akong palayasin!" Pagmamakaawa nito, at naiyak na rin ako nang lumuhod ito sa harapan ko. Hinahatak ko siya patayo ngunit hindi ako nagtatagumpay dahil nakayakap siyang mabuti sa hita ko.

"Ang dami na nating problema, Ayesa! Paano kapag nabuntis ka, papanagutan ka ba n'yan? Hindi man lang marunong gumamit ng condom! Iharap mo sa'kin 'yang boyfriend mo! Nagpakahirap ako galing sa trabaho, tapos kaya pala iniiwasan mo ako dahil d'yan? Itatago mo pa talaga sa'kin, Ayesa?" Garalgal ang boses na sermon ko, at patuloy pa rin siyang pinapatayo.

"Please, ate, 'wag ka na pong magalit! Napag-usapan na po namin ni Xavier 'to! Please, ate, sorry po talaga! Nangako siya na papanagutan niya kapag nabuntis ako." She pleaded kaya wala na akong magawa kung hindi marahas na tanggalin ang kamay niya, at tuluyang umalis sa harap niya.

"Kaya wala talaga akong tiwala sa Xavier na 'yan eh! You're just a grade 9 student, and he's eighteen years old! Ang bilis ka lang n'yan papaikutin, at hindi nga ako nagkamali!" Hindi ko mapigilan ang patuloy na pagtulo ng mga luha ko habang sinasabi 'yon. Ka-batch ko si Xavier, at ka-schoolmate na rin noong shs. I don't know how he found my sister pero nalaman ko na lang isang araw, nililigawan niya si Ayesa.

Isang taon na rin silang mag-syota, at ito ang kinakatakutan ko. I know how a man can manipulate such innocent mind. Alam ko na ang mga galawan nila lalo na ang tulad ni Xavier. Mga kilos at panglalandi pa lang ay alam mo na kung paano sila magpapaikot. Sa lahat ng mga naging customers ko, halos lahat sa kanila ay magaling mambola. That's when I promised na hinding-hindi ako magmamahal ng isang lalaking katulad nang tarantadong lalaki kanina.

Datingan palang ay siguradong mapagmanipula, at isang daang porsyento na kakayanin kang lokohin. I'm afraid that I might also get caught by a trap, kaya mas lalo ko pang tataasan at patitibayin ang mga pader ko sa mga lalaki. It's just that pagdating sa kapatid ko, hindi ko siya kayang pigilan.

Nang lumabas siya ng banyo ay agad niya akong niyakap, at umiwas lamang ako ng tingin. Doon ko lang din napagtanto na kapag nalaman niya ang trabaho ko, baka siya naman ang magalit sa akin. Baka lahat ng mga sinabi ko sa kanya ngayon ay ibalik niya sa mas masasakit na salita. I may not be having sex with boys, but it won't change the fact that I'm in the industry of giving pleasure to them.

"Ate, sorry na, please? Hindi na namin uulitin, hindi na ako papayag. N-na-curious kasi ako t-tapos sabi niya, gawin daw namin para malaman ko. Pumayag ako dahil nga curious ako, pero wala na po talaga akong balak ulitin. Lalo na ngayong galit na galit ka po sa'kin." Mahina niyang sabi kaya marahas akong napabuga ng hangin.

"Lumang kasabihan na 'to pero sana tumatak sa isipan mo, curiosity kills the cat. 'Yang isang beses na kapusukan mo, kahit hindi man masundan, may posibilidad na magpabago ng buong buhay mo. Nangako kang mag-aaral kang mabuti pero sa tingin mo, kakayanin mo pa ba 'yon kapag nabuntis ka? Nagtiwala ako sa'yo, Ayesa, pero anong ginawa mo?" I said with a tone of frustration.

"Magtatrabaho ako, ate, tapos isasabay ko sa pag-aaral. Mamamasukan din ako sa trabaho mo, ate." Sa sinabi niya ay agad nagpantig ang tenga ko. I'm sure that right now, madilim na ang tingin ko sa kanya, at ramdam kong natakot siya sa ginawad kong tingin.

"That's one of those things I won't allow! Kaya nga pinag-aaral na lang kitang mabuti, Ayesa! Para hindi mo maranasan ang hirap na pinagdadaanan ko ngayon! Matulog ka na!" Galit kong sigaw, at padabog na lumayo sa kanya. Frustration clouded my mind, at hindi ko na malaman kung ano pa ang gagawin ko. Dagdag pa sa iisipin ko kapag nabuntis si Ayesa, at tumakbo si Xavier sa responsibilidad.

Ruined DignityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon