Kabanata 27

257 9 0
                                    

Kaninang hapon nilibing ang mga labi ni Ayesa at Xavier, at ngayon ay niyaya ko sila Leisha para uminom sa bahay. I just want to drink until I forget the pain I felt while watching my sister being buried. Dagdag pa roon si Arvi, I want to take care of him but I know that I can't that's why it hurts me.

"Buti may ipon ka para sa alak natin. Ang bagsik mo sis, empi lights pa talaga gusto mo." Natatawang sabi ni Mary at umikot na muli ang tagay pero kanina ko pa napapansin na hindi umiinom si Leisha.

"Bakit hindi ka umiinom?" Nagtatakang tanong ko at sabay-sabay kaming napatayo para aluin siya nang bigla na lang umiyak.

"Remember the guy we met before you broke up with Azariel? It's not something I should put myself into but we became fck buddies. Now, I don't know if he'll accept his child." Mas lumakas pa ang pag-iyak niya habang hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko. Leisha isn't that kind of girl, she's so innocent but this?

"Anong ginawa niya ha? Tinakot ka ba niya kaya ka pumayag sa ganoong relasyon?" Nag-aalala kong tanong na sinegundahan naman nila Mary at Jen.

"I gave myself willingly dahil gusto ko siya kaso ang sabi niya ay ayaw niya magkaanak. We used to do protected sex kaso lasing na lasing kami non kaya nabuo 'to. Sabi na nga ba dapat nag-pills na lang ako." She looks miserable habang tulala lamang sa labas kaya imbes na uminom kami ay dinamayan na lang muna namin siya sa problema niya. Paano kaya si Azariel? Paano kung sakaling may mangyari sa'min tapos nabuntis ako?

Ah right, I shouldn't think of it dahil hindi pa naman kami maayos talaga. I still have some questions running through my mind so I shouldn't let that thing happen.

Halos isang oras kaming nagcocomfort at nagbibigay ng mga payo kay Leisha hanggang sa sa'kin na napunta ang spotlight. Kaya rin naman ako nag-aya ng inom kahit hindi ako palainom ay para ma-open up ko ang tungkol kqy Azariel.

"Katangahan ba talaga ang ginawa ko na pagbigyan si Azariel? 'Cause according to Jacob, sobrang tanga ko sa ginawa ko." Napabuga na lang ako ng hangin habang nakikita ang mga ngiti ni Jacob tuwing kasama niya ang taga-mech eng na friend niya.

I'm happy for him but I just feel guilty dahil hindi naging maganda ang pagtatapos ng tungkol sa'min. He made a point but I'm stupidly inlove with Azariel up to the point that I ate all my words before. Siguro ay ganito rin kamahal ni Angelica Buenavista ang asawa niya kaya kahit niloko siya ay nakuha niya pang patawarin. Siguro ay may mga tulad talaga naming sobrang tanga sa pagmamahal na tila wala ng lunas pa.

"It's actually stupid, Crisanta. You caught him fcking another woman tapos sumumpa ka pa na kakayanin mo siyang patayin. Ewan, ang gulo mo rin kasi talaga minsan." Napakamot ng ulo si Mary dahil sa inis kaga mahina akong natawa. Yeah right, masyado akong magulo na pati sarili ko hindi ko na maintindihan. Nakakaperfect ako ng exam pero sarili kong lovelife hindi ko maayos.

"Hindi rin natin masisisi si Jacob lalo't halata namang mahal na mahal ka niya. Nako kapag 'yang putang inang lalaki mo ay niloko lang ulit, wala na si Jacob para saluhin ka. Kami na lang sasalo sa'yo kaso wala naman kaming etits." Umirap pa si Jen na ikinatawa rin naming apat na parang mga baliw.

"Ang bulgar masyado ng bunganga mo." Natatawa ko pa ring sabi.

"Totoo naman kasi eh! Dati ay may Jacob with etits na willing to wait kaso masyadong nasaktan kaya humanap ng iba. Naku sis, sure ka 'di mo na-try etits niya?" Hinila ko ng mahina ang buhok ni Jen habang tumatawa.

"Habang tumatagal bumabastos na mga topic natin." Singit ni Leisha na agad namang binara ni Jen. Sis, hindi talaga siya magpapatalo.

"Wow ha, ikaw nga laging natutuhog ang tahong! Parang 'di ka sanay sa etits." This time ay sabay na kaming tatlo nila Mary at Leisha para sabunutan siya.

"Hoy mga gaga baka makalbo naman ako!" Natatawa niyang sabi kaya binitiwan na namin ang buhok niya. Saglit kaming natahimik ngunit pare-pareho pa rin kaming nagpipigil ng tawa. Eto talaga ang dahilan kung bakit stay strong kaming apat.

"So ano nga, hindi talaga?" Tanong na naman ni Jen.

"Si Azariel palang, okay? Kung gusto mo, ikaw na lang tumingin nung kay Jacob." Pagtataray ko.

"Ayy sis, kaibiganin ko 'yong babae niya dahil sa'yo lang naman galit. Tanong ko na lang kung malaki ba." Nag-taas baba pa ang kilay ni Jen kaya mahina siyang nabatukan ni Mary na katabi niya.

"Sis, konti na lang ay papalaklakin na kita ng holy water. Malala na 'yang bunganga mo." Sa sinabi ni Mary ay napanguso na lang si Jen at kumuha ng alak para siguro paikutin na naman.

"Chaser lang sa'yo buntis." Inabot niya ang Juice kay Leisha, at nagpatuloy ang ikot na chaser lang ang iniinom ni Leisha. Mababa lang din ang tagay ng chaser niya, parang tagay lang din nung empi lights.

Nag-usap lang kami ng nag-usap dahil linggo naman bukas, wala kaming pasok kaya pwedeng magpuyat. Napatingin ako sa phone ko nang tumunog 'yon kaya agad kong tinignan ang message.

Azariel: Pwede bang manligaw ulit?

Ako: What if I'll say no?

Binaba ko muna ang phone para tanggapin ang tagay, at muli kong kinuha nang mag-notif na naman.

Azariel: Then I'll still court you no matter what. I won't waste this chance.

Ako: Nagtanong ka pa.. attitude ka sir?

Napangiti ako sa ni-reply ko ngunit napawi ang ngiti ko nang biglang kinuha ni Jen ang phone ko.

"Hey, give me back my phone." I begged pero mapang-asar lang siyang ngumisi.

"Nakakatampo ka, nag-iinuman tayo at ikaw ang nag-aya tapos ikaw pa 'tong busy sa cellphone. Sino ba kausap mo?" Nagtatampo niyang sabi habang sinusubukang buksan ang phone ko. Napindot niya siguro ang power button noong inagaw niya sa'kin.

Tumunog ang phone ko kaya buong lakas ko na 'yong inagaw pero mukhang nabasa niya ang pangalan ng kausap ko. Madrama niyang hinawakan ang dibdib niya at umaktong hindi makapaniwala sa nalaman.

"Pinagpapalit mo na rin kami sa boylet mo?" Paiyak na niyang sabi na mukhang dala na rin ng alak.

"Hayaan mo na si sismars natin. Maging masaya na lang tayo dahil mukhang madidiligan na naman siya." Parang tangang umiyak din si Mary kaya hindi ko naiwasang matawa lalo nang tumawa rin si Leisha.

"Hayaan na natin silang dalawa mag-iyakan, lasing na lasing na 'ata ang mga weak." Nilingon naman ako ni Leisha at mukhang naintindihan niya ako.

"Napag-isipan ko na ang mga sinabi niyo kanina. I'll drop this sem for the baby but pwede bang dito muna ako? Pinapalayas kasi nila ako, at sinabing lumapit daw ako sa ama ng dinadala ko. Promise, babayaran kita kapag nanganak na ako at nakapagtapos din ng pag-aaral. Tama naman siguro 'tong gagawin ko basta ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko after giving birth." Malungkot ang mata niya habang nagsasalita kaya tinanguan ko lang siya at tumani ng mabuti sa kanya upang bigyan ng mahigpit na yakap.

I actually didn't expect na papalayasin siya sa kanila dahil nabuntis siya. Well, siguro ay panandalian lang din 'yon o baka nabigla lang sila nang malaman nila. Kahit naman kami ay nagulat dahil hindi naman talaga aakalain na magkakaganyan si Leisha.

"Kahit 'wag mo na bayaran, and about your parents mo, don't hesitate if they'll ask you to stay with them. Baka kasi nabigla lang sila kaya nila nasabi 'yon. Kausapin mo na rin ang ama ng baby mo, baka akuin naman niya ang responsibilidad niya." Tumango lang siya at nagpaalam na matutulog na kaya hinatid ko na siya sa kwarto.

Pagbalik ko sa dalawa ay nakatulog na sila na magkayakap pa. Napailing na lang ako at niligpit na ang mga ginamit namin. Nang matapos ay tsaka ko lang naalalang nag-reply nga pala si Azariel sa'kin.

Azariel: Iniinform lang kita para malaman mo.

Ako: Slr. Alangan namang ininform mo ako para hindi ko malaman?

Pagkasend ko ay natawa ako sa sarili kong kagagahan at pinatay na ang phone. Iniwan ko ang dalawa na nakahiga sa sahig dahil hindi ko naman na sila magigising. Nag-aalala ako sa kanila pero wala akong magawa kaya nahiga na lang ako sa tabi ni Leisha para matulog na rin.

Ruined DignityWhere stories live. Discover now