Kabanata 8

495 18 0
                                    

"Bakit mo siya sinuntok? Bakit mo ipinagsigawan sa mga tao na fiancee mo ako?" Inis na sabi ko nang makasakay ba kami parehas sa kotse niya.

"It's all over the social media, wala ka bang facebook? I'll create one for you kung wala ka pa." Mas lalo lamang akong dinapuan ng inis sa tono ng pananalita niya. Bakit ba ganito ang ibang mayayaman? I can't even find an exact word to define their attitude.

"Alam mo, ang yabang mo pala. Kung hindi lang ako takot sa pwede mong gawin kapag tumanggi ako, baka sinampal pa kita ng tsinelas ko habang tinatanggihan ang offer mo. Ano ba 'to public announcement na pagmamay-ari mo ang kepyas ko? Sabagay, bayaran lang naman talaga ako." Hindi ko na alam ang mga lumabas sa bibig ko dahil sa sobrang inis na nararamdaman ko.

He remained silent as if he's thinking of something that he can answer. Ang tagal naghari ng katahimikan kaya inis ngunit may diin akong nagsalita.

"Problema lang naman ang pinasok ko rito. Ahh teka, gusto mo lang din naman na pasukin ako 'di ba? Go on, marry me and fck me hanggang magsawa ka na at iwan ako. Hindi ko nga alam kung makakaya ko bang gawin 'yon kasama ka. Mga pesteng lalaki, naninira ng mapayapang buhay." Sa inis ko ay walbg pagdadalawang-isip kong ibinato sa mukha niya ang cellphone ko.

Agad naman akong dinapuan ng konsensya nang sinapo niya ang labi na natamaan ng cellphone. Nagdugo iyong ngunit kahit isang salita o daing sa sakit man lang ay wala pa rin.

"Manhid ka ba o nagtatanga-tangahan ka lang? Hindi mo man lang ba naisip na nagselos ako sa lalaking 'yon? Pumayag ka sa offer ko pero makikipagyakap at landian ka sa ibang lalaki. I was about to invest feelings on you dahil hinanap pa nga kita 'di ba? Pero ngayon, nakaya mo pa akong saktan." Kalmado ngunit may diin niyang sabi.

"So ano ang gusto mong iparating?" Taas ang isang kilay kong tanong sa kanya.

"That you proved to me na bayaran nga lang ang antas mo. Wala kang pinagkaiba sa babaeng kilala kong lumalandi sa iba kahit pa kasal na." Nakangising sabi niya at mahina pang umiiling-iling. Tulad noong gabing nagkita kami ay muli niya na namang naparamdam sa akin kung ano nga ba ang antas ng pamumuhay ko.

Tears began to flow as thousands of knives thrusts unto my melancholic heart. Dapat talaga nagsikap na lang ako sa ibang trabaho kaysa ganito ang maramdaman ko. Mas malala pa ito sa bawat gabing umiiyak ako dahil sa trabaho ko. Bakit nga ba pinili ko pa ang landas na 'to?

I hated my mother because of her work but I ended up doing the same things. I even surpassed her and sold myself para lang sa pera at sa takot ko na baka may mangyaring masama sa amin ni Ayesa. I, myself, chose this path so I should face the truths and consequences that will slap me hard.

"Get out of my car, baka magmarka pa ang amoy ng lalaki na 'yon." Walang emosyon niyang sabi kaya agad akong napalingon sa paligid habang pinupunasan ang luha sa aking pisngi. Wala pa kami sa kalagitnaan ng pag-uwi sa bahay ko, at madilim na rin sa labas.

Lito akong tumingin sa kanya ngunit nanatili lamang siyang nakatingin sa daan. Bakas pa rin ang dugo sa labi niya ngunit hindi na tumagal pa ang titig ko roon dahil lumingon na siya sa'kin. Sa mga sandaling ito'y naramdaman ko ang kakaibang sakit at paninikip ng dibdib ko sa paraan ng pagtitig niya.

Seryoso at mapait siyang ngumiti sa akin na para bang senyas na lumabas na ako ng sasakyan niya. Gusto kong magprotesta ngunit pakiramdam ko'y wala akong karapatan dahil binayaran niya ako. Panibagong sampal na naman sa'kin na bayaran lang ako. Isang babaeng mababa ang lipad na ayos lang iwanan sa kung saan kapag pinagsawaan.

"Thank you for the ride." Mahina kong sabi at agad kinuha ang bag ko na nasa likurang upuan. Saglit akong tumingin sa kanya bago tuluyang lumabas ng sasakyan. Saktong pagsara ko ng pinto ay agad niyang pinaharurot ang sasakyan palayo sa akin.

Ruined DignityWhere stories live. Discover now