Kabanata 35

490 14 0
                                    

Thank you for reaching up to the end of this story! It's been a long road for Crisanta but finally, we're at the end of it! Thank you, Jesters! I hope you'll still be there on the new stories!

...

Habang nagbibihis para sa surprise raw sa akin ni Azariel ay hindi ako magkandamayaw sa pagtingin sa orasan. Thirty minutes na lang ang hinihintay ko para sa sinabi nilang release ng mga nakapasa. Hindi ako sure sa mga naging sagot at ramdam ko pa rin hanggang ngayon ang pressure noong nag-eexam ako.

"Kalma, pumasa o hindi ay maganda ka. Oo, tama, maganda ka kahit anong results. 'Yong exam pwede mong ulitin pero ang mukha wala ng magagawa." Pagpapakalma ko sa sarili at kahit nakabukas ang aircon sa kwarto ay tumatagaktak ang pawis ko sa kaba. This is too much pressure, gosh!

Halos atakahin ako sa puso nang biglang may kumatok sa kwarto. Jusko naman, mamamatay ata ako na hindi nalalaman ang results ng exam.

"Ready ka na?" Tanong ni Azariel kaya nagmamadali akong lumapit sa pinto para pagbuksan siya.

"Sa surprise mo, ready na ako pero sa results ng board exam, hindi pa. Gosh!" Natawa na lang siya sa naging reaksyon ko at siya na ang nag-open ng laptop para hintayin ang results. Hindi ako mapakali at paikot-ikot na ako sa kwarto habang mabagal na tumatakbo ang oras.

"Ano ba 'yan, bakit ang tagal ng oras?" Reklamo ko na tinawanan lang ulit ni Azariel.

"Umupo ka lang dito, walang mangyayari sa pag-ikot mo riyan. Mahihilo ka lang." Biro niya dahilan para padabog akong umupo sa kama. Pinikit na lang ang mga mata ko hanggang sa tinapik na ako ni Azariel. I felt my heart skipped a beat when I looked at my wristwatch, at agad naman akong nakabawi ngunit bumilis naman ang tibok nito sa mga bigong mata ni Azariel.

"Hindi ako nakapasa?" Mangiyak-ngiyak kong tanong at mas lalo lang akong naiyak nang hindi siya sumagot at inabot sa akin ang laptop.

"Ayokong ma-"

"Tignan mo kasi! Pasado ka, Crisanta!" Pagputol niya sa sasabihin ko kaya agad kong tinignan ang laptop at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang pangalan ko.

"I passed! Gosh, I passed!" Hindi pa rin ako makapaniwalang pasado ako kaya paulit-ulit ko pang tinignan kung pangalan ko ba ang nakalagay.

"Eh bakit ka bigo kanina? Pinapakaba mo ako eh! Nakakainis ka!" Sinamaan ko ng tingin si Azariel at malakas siyang hinampas sa braso.

"What? Baka guni-guni mo lang 'yon dahil kinakabahan ka. Hindi kita kinakaya, Crisanta." Muli ko siyang hinampas sa braso nang tumawa siya ng malakas.

"Nakakasakit ka na ha." Reklamo niya kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata.

"Nagrereklamo ka? Nagrereklamo ka?" Mapanghamon kong tanong pero mukhang 'di siya lalaban dahil tinaas niya agad ang mga kamay niya.

"Sabi ko nga, dadalhin na lang kita sa surprise ko sa'yo." Natatawa pa rin niyang sabi kaya inirapan ko na lang siya, at tumayo upang mag-final touch. Nagulo kasi kanina ang suot kong damit pati ang buhok ko.

"Let's go." Aya ko nang all set na ako, at walang pag-aatubili siyang tumayo.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko dahil hindi na ako pamilyar sa tinatahak naming daan.

"Surprise nga, 'di ba?" Sarkastiko niyang sabi dahilan para manahimik na lang ako. Kumonekta na lamang ako sa speaker ng kotse niya para magpatugtog ng favorite kong playlist.

"Nagandahan ka sa boses konung kinanta ko 'yon 'no?" Pagyayabang niya nang tumugtog ang I won't give up ni Jason Mraz.

"Maganda 'yong kanta, 'wag kang assumero." Pagtataray ko na tinawanan niya lang.

Ruined DignityWhere stories live. Discover now