Kabanata 31

299 10 0
                                    

Lumipas ang mga araw at naging routine namin ni Azariel na susunduin niya ako sa university tapos iuuwi sa bahay ko. Natigil lang 'yon nang magsimula na ang hristmas break namin. Halos hindi ko na nga napansin na malapit na pala mag-pasko lalo't sariwa pa rin sa'kin ang pagkamatay ni Ayesa noong December 1.

Ayoko na rin munang i-open up ang tungkol sa past namin at hayaan na lang na kusa niyang sabihin sa akin ang mga rason niya noon. Masaya naman na kami ng ganito kaya mas mabuting sumabay na lang muna kami sa agos. Agad kong tinignan ang phone ko nang tumunog ito.

Azariel:  Malapit na ako, dumaan lang saglit ng grocery para sa ice cream mo habang bumabyahe papunta sa bahay ni mom.

Mom... tatanggapin kaya ako ng mama niya after what happened? Last time I checked, hinusgahan ako ng mommy niya at hindi ko alam kung hanggang ngayon ay ganon pa rin ang mangyayari.

Habang naghihintay ay naisipan kong tignan ang mga larawan namin ni Ayesa noong nakaraang pasko. Masaya kaming apat sa picture habang kumakain ng Noche Buena. Baby pa talaga si Arvi noon kaya pambatang pagkain lang ang pinapakain sa kanya ni Xavier. Maliit man ang bahay at hindi kami mayaman ay masaya na kami.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko habang bumabalik sa ala-ala ko ang mga ngiti at tawa ni Ayesa at Xavier. Pamilya ko sila, at ang sakit... sobrang sakit na sabay pa silang nawala. Hindi ko pa rin talaga matanggap na nawala sila kaagad sa akin. Bakit? Bakit nga ba kailangang mawala ang mga mahal sa buhay?

Hindi ko na napigilang mapahagulgol nang dumako ako sa larawan kung saan magkayakap kami ni Ayesa habang nakangiti sa camera. The warmth of her body was now gone and can never be felt again. Naalala ko pa ang lamig ng katawan niya habang umiiyak ako at yakap-yakap siya matapos ang aksidente.

Ang kapatid ko na tinuring kong matalik na kaibigan at anak ay kinuha sa akin ilang linggo bago sumapit ang pasko. Sana pala ay sinulit ko na ang pasko namin noong nakaraan kung alam ko lang na mangyayari ito. I should've just hugged her the whole day and say that I love her.

Agad kong pinalis ang luha ko nang dali-daling pumasok si Azariel para yakapin ako. Akala ko'y mapipigil ko ang mga luha sa pagpatak ngunit nagkamali ako, mas lalo lamang itong umagos at ang puso ko'y tila namamanhid na sa sakit.

"Ang daya naman kasi, Azariel. Bakit kailangan Niya pang kunin ang kapatid ko? Bakit hindi niya man lang pinaabot hanggang pasko bilang regalo sa'kin? Bakit ganito, Azariel? Ang sakit-sakit! Sobrang sakit na mawala sila sa akin. Bakit, Azariel? Bakit? Bakit ganito? Bakit kailangang gawin Niya 'to sa natitirang pamilya ko? Bakit? Bakit?" Iyak ko sa kanyang dibdib at hindi ko na malaman kung ilang beses pinipiga ang puso ko tuwing nakikita ko sa isip ko ang mukha ni Ayesa.

"Sorry." 'Yon lang ang sinabi niya na mas nagpalakas pa ng iyak ko hanggang sa manlambot na ang tuhod ko. Mabuti na lang ay mahigpit ang yakap niya sa akin kaya hindi ako bumagsak sa sahig. Ito na ang pinakamasakit at pinakamalungkot na December 24 ko. Sana ay wala ng mas malala pang mangyari dahil 'di ko na kakayanin pa. I would rather die than to experience a bigger stab on my heart.

Ilang minuto pa kaming nanatiling tahimik hanggang sa kumalma na ang paghinga ko. Wala na akong magagawa, hindi ko naman maibabalik ang buhay ni Ayesa. Wala na eh, nawala na siya, wala na.

"Salamat at palagi kang nand'yan ngayon kailangan ko ng makakasama. Baka wala na ako ngayon kung hindi mo ako dinaluhan noong lamay ni Ayesa. Kahit kailan ay hindi ko 'ata malilimutan ang sakit ng pagkawala niya." Nanginginig ang boses ko at napabuntong-hininga na lamang ako. Kaya nakuha niya rin ang loob ko dahil nandoon siya noong kailangan ko ng maiiyakan. He offered comfort, sumugal siya noon kung pagbibigyan ko ba siya.

"I'm sorry, I failed you before. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman lalo noong hinayaan mo akong aluin ka. I'm sorry, naipit lang kasi talaga ako noon. Hindi ko kayang makitang nasasaktan ka dahil nasasaktan din ako. Karamay mo ako, Crisanta. Mahal na mahal kita at tanggap ko kung hindi mo pa ako lubusang matanggap ngayon. I'm more than willing to spend my lifetime with you." Ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa magkabilang pisngi ko habang ang mga mata'y nakatitig sa akin.

Tila hinaplos ang puso ko nang dumikit ang labi niya sa noo ko. It was too surreal, and I can't even fathom what I am feeling right now. He just hugged me tight, and right there and then, I found my comfort zone. Ang daming mabibigat na bagay ang naranasan ko, at hindi ko na alam kung paano ko nakaya ang lahat ng 'yon.

Ngunit nang matagpuan ko ang comfort zone ko, ang lalaking nakayakap sa'kin ngayon, I felt so weak and vulnerable. Tila ba pinakita ko sa kanya ang mga sugat ko upang hilumin niya.

"Maya-maya na tayo pumunta sa bahay, magpahinga muna tayo. Kainin natin 'tong ice cream na binili ko." Putol niya sa namamayaning katahimikan at agad ko namang tinanggap ang inaabot niyang ice cream. Kumuha siya ng dalawang kutsara at pinagsaluhan namin ang binili niya.

Hindi ko mapigilan nag mapangiti lalo kapag tinitignan niya ako at ngingiti siya kapag nahuhuli ko siyang nakatingin. Paminsan ay magbabato siya ng mga jokes niya para siguro mapagaan ang loob ko.

"Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya tuwing ngumingiti ka, baka hindi ka magsawang ngitian ako." Nakangiti niyang sabi habang abala ang kamay niya upang punasan ang bibig ko gamit ang tissue. Mariin kong hinawakang kamay niya at dinala iyon sa kaliwang dibdib ko.

"Kung alam mo lang din kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko tuwing nandyan ka. You'll always have a space in my heart kaya hindi ganon kadali na maghilom ang sugat noong nasaksihan ko 'yon." Lumungkot ang mga mata niya sa huli kong sinabi kaya agad ko siyang nginitian at marahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya.

"Mahal pa rin talaga kita, Azariel. As long as valid ang rason mo, papatawarin kita at handa akong magpakatanga kasi mahal na mahal kita." Mahina kong sabi bago dinampian ng halik ang labi niya. I'll give him this chance, I'll give him again my heart.

Ruined DignityWhere stories live. Discover now