Kabanata 13

334 13 0
                                    

"Hindi ko 'yan kilala, promise." Tila nandidiri niyang sabi habang tinitignan ang babaeng kakaalis lang. Muntik ko na ngang mahila ang buhok dahil may pahabol pang irap bago umalis.

"Ahh kaya pala nakayakap sa'yo tapos nakita kong nakangiti ka. Galing eh." Sarkastikong sabi at sinabayan pa ng mahinang pagpalakpak ng kamay. Mahina pa akong umiling-iling habang pumapalakpak.

"Lagi naman akong nakangiti kapag may fan na lumalapit." Pagdepensa niya pa habang nakangiti at nag-flex pa nga ng muscle.

"Ang kapal mo rin talaga 'no? Sige ipagpatuloy mo lang ang paglusot, mister congeniality. Payakap ka na rin sa mga babaeng 'yon." Sabay turo ko sa grupo ng mga babaeng nakatitig kay Azariel na agad nag-iwasan nang makita ang pagturo ko.

"Selos ka?" May halong panunuya niyang tanong.

"Selos ka?" Paggaya ko sa kanya na tinawanan niya lang.

"Nagseselos ang bebe ko. Ikaw lang naman ang nagpapatibok ng puso ko." Patuloy niyang asar dahilan upang tuluyan akong mapikon.

"Ulol, sa babaeng 'yon nagpapayakap ka at baka sa iba pa. Ako 'tong nagpahawak na ng tahong eh tinanggihan mo pa. Sinasayang mo lang oras ko, makipaglandian ka na lang." I burst out at akmang babalik na ako sa building ng hilahin niya ang kamay ko. Mabilis siyang naglakad papunta sa isang kainan kaya wala akong nagawa kung hindi magpatangay na lang sa kanya.

Tahimik lang kami nang makarating, at tanging pag-order lang namain ang saglit na bumasag sa katahimikan. Tinitigan ko lang siya ng masama habang naghihintay kami, at siya naman 'tong panay ang iwas tuwing titingin sa'kin.

"Hindi naman kasi 'yon ang habol ko sa'yo." Muli niyang pagdedepensa ngunit hindi ko pa rin tinigil ang pagtitig sa kanya ng masama. I know it's bad to hurt women pero hindi man lang kasi niya talaga pinapalayo. Nakangiti lang siyang nagsasalita sa babaeng 'yon.

He sighed in surrender pero hindi pa rin nawawala ang selos at inis na naramdaman ko. Kapag nakita ko talaga ang malanding 'yon ay uupakan ko kaaagad. Gosh, bakit ba ako nagkakaganito?

"Hindi mo habol sa'kin kaya sa iba mo na lang hahabulin." Parang-bata kong pahayag at mukhang doon na tuluyang nawala ang pasensya niya. Alam kong immature 'tong ginagawa ko pero nakakainis lang kasi talaga.

"Itigil na lang natin 'to kung ganyan ka mag-isip. Sinusubukan kong tiisin pero hindi ko pala kaya. Kinaya naman kita dati pero naisip ko kasi na nag-mature ka na." Inis na niyang sabi dahilan upang mangilid ang luha ko ngunit agad ko 'yong pinunasan.

"Fine, kunin mo na lang 'yong nilagay mong pera sa account ko. Babalik na lang ako roon, at 'wag kang mag-alala dahil babayaran ko ang mga nagastos ko." Mahina ngunit may diin kong sabi at walang pagdadalawang-isip na tumayo't umalis.

Damn, why am I acting so immature? Well, I guess it's better than having an affair habang may kontrata kami. I should rejoice by now dahil sa sinabi niya pero parang kabaliktaran ang nararamdaman ko. Is it because we have an unfinished past? Or is it because of something else that even I don't  have an idea.

Wala sa sarili akong pumusok sa building at nagtungo sa 4th floor library.

"Mukhang malungkot ka ngayon. May problema ba sa studies?" Bungad ng librarian na ka-close ka na, at pinili ko na lamang ngitian siya. Gutom at walang gana akong umupo sa dati kong pinupuwestuhan tuwing may plates na pinapagawa sa engineering drawing.

Nilagay ko sa silent mode ang phone bago naglagay ng earphones at nagpatugtog. I really like this song by Beatles which was entitled, Yesterday. Kahit gutom ay agad akong dinalaw ng antok hanggang sa tuluyan akong nakatulog.

Nagising ako sa isang kalabit at nang maalala kong may klase pa ay agad akong napatingin sa phone ko. Laking ginhawa ko nang makitang alas tres y media palang ngunit napawi 'yon sa dalawampung missed calls at trentang texts ni Azariel.

Tungkol lang siguro sa kontrata namin na ipapatigil namin kaya hindi ko na lang pinansin. Niyaya na ako ng mga kaibigan kong mag-abang sa harap ng room kaya sumama na lang ako.

Habang naghihintay sa prof namin ay dumating na rin ang grupo ni Jacob. Agad naupo sa tabi ko si Jacob at nagkalikot ng mga gamit niya sa bag. Napukaw ng isang tupperware na may lamang pagkain ang mga mata ko, at mas lalo ko lang naramdmaan ang gutom nang iabot niya sa'kin 'yon.

"Salamat." Buong giliw kong sabi at agad kinain ang binigay niya. Nanatili lamang siyang tahimik at tulala sa kawalan habang mabilis naman ang bawat pagsubo ko. Gosh, bakit kasi ang dami ko pang arte kanina? Well, siguro ay nakatatak na sa'kin na dapat matigil ang kontratang 'yon kaya ganoon na lang ako ka-immature kanina.

"Mabuti na lang 'di ko sinabi pangalan nung nagpaabot. Gutom na gutom ka pala." Nakangisi niyang sabi habang inaabutan ako ng tubig.

"Sino ba?" Tanong ko bago uminom ng tubig ngunit halos masamid at maibuga ko ang tubig sa binanggit niyang pangalan.

"Si Azariel. Kairita nga't sa akin pa talaga pinaabot. Kupal din eh." Dismayado niyang sabi ngunit hindi pa rin ako nakabawi sa sinabi niyang pangalan. Kikiligin na sana ako kaso naalala kong ititigil niya na ang usapan namin. Baka huling offering niya na lang 'yon bago kami tuluyang mawalan ng communication.

Ilang minuto pa ang hinintay namin kaya ilang minuto ko ring iniiba ang laman ng isip ko. I shouldn't think about Azariel anymore dahil ito naman talaga ang gusto kong mangyari. Laking pasalamat ko nang dumating nag prof kaya tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagtuturo niya.

Nang matapos ang klase ay nagmamadali akong lumabas ng room, at dire-diretso lang ako hanggang sa makarating na sa exit door ng university. Kailangan kong makarating na sa hintayan ng jeep dahil mahirap sumakay sa may Pureza kapag Friday.

Gulat akong nasampal ang kung sino mang humatak sa'kin ngunit agad din akong nakabawi at napuno ng inis.

"Ano pang ginagawa mo rito? Akala ko ba gusto mong itigil na natin." Pagtataray ko ngunit hindi niya 'yon pinansan hanggang sa maisakay niya na ako sa kotse.

"I just realized na sinasadya mo ang mga 'yon. Sorry kung nasabi ko 'yon, nainis lang talaga ako pero ayokong itigil ang relasyon natin, kung meron man." Kumindat pa siya bago pinaandar ang kotseng sinasakyan namin.

Ruined DignityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon