Kabanata 7

486 21 0
                                    

"Heto na ang results ng exam niyo last week. Sad to say na maraming bumagsak sa inyo." Umiiling-iling na sabi ng prof namin ngunit mas nakatutok lamang ang atensyon ko kay Jacob. Hindi niya na ako pinansin simula nang sabihin ko sa kanya na magkaibigan kami ni Sheena.

Wala naman akong pakialam sa problema nilang dalawa. Ang ayoko lang naman ay ang pakiramdam na merong hindi namamansin sa akin na kaibigan ko naman. Maiintindihan ko kung tungkol 'to sa nangyari last week pero iba ang nakikita kong rason.

"Logranes." Tawag sa apelyido niya na kabilang sa mga pumasa. Pumorma ako na makikipag-kamay sa kanya para sana purihin siya ngunit nilagpasan niya lamang ako. Hindi siya ganito kaya sigurado na akong hindi niya talaga ako pinapansin.

"Baka may ibang gusto na." Kalabit sa akin ng katabi ko kaya pahiya akong binaba ang kamay ko.

"Ibang gusto eh baliw na baliw 'yan kay Crisha." Sabat ng isa kong kaklase na nakaupo sa likuran ko na agad ko namang inilingan.

"Hayaan niyo na, baka pa-hard to get lang 'yan." Biro naman ng isa pa kaya itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa prof namin sa integral calculus. Hindi ko na lang sana sinubukan kung papansinin niya ako kung magkakaroon lang din naman ng issue.

Ilang estudyante pa ang natawag hanggang sa konti na lang kami na hindi pa nakakatanggap. Kinabahan tuloy ako na baka bumagsak ako sa exam na 'to, ito ang una kong bagsak kapag nagkataon.

"Sa sampung papel na hawak ko ay isa lamang ang pumasa. Sana ay magsilbing aral sa inyo ang exam na ito para tutukan ang pag-aaral. Ayoko rin naman dati ang mga uod na 'to pero nagsikap ako dahil kailangan kong pumasa. Failure in one exam doesn't mean that you'll fail everything." Pagbibigay niya ng payo bago nagsimulang tawagin ang aming mga pangalan.

Pinalapit niya kaming sampu sa harap at nilapag niya ang mga papel namin sa desk niya. Inayos niya iyon na pangalan lang namin ang makikita kaya mas lalo akong kinabahan sa score ko. Ayaw kong magmukhang super grade conscious pero kailangan ko kasing panatilihin ang mataas na grades para sa scholarship ko.

Others might think na may scholarship naman ako pero bakit nagtatrabaho pa ako bilang bayaran. The simplest answer I can give is that hindi sapat ang scholarship ko upang matustusan ang pangangailangan naming magkapatid. Ito na lang ang naisip kong trabaho na makakakuha agad ng pera na hindi masyadong napapagod. I won't recommend it kung tatanungin ako ng mga tao.

Halos maluha ako nang isa-isa na naming tinignan ang scores namin. Maraming dasal na yata ang naidasal ko bago ko tinignan ang score ko at muntik na akong maglupasay nang makita kong wala ako kahit isang mali.

"Let's give a round of applause kay miss Monsanto! She got the highest score among my classes!" Maligayang bati ni prof Coberi at tulala na lamang ako habang nagpapalakpakan ang mga kaklase ko. It's my first time achieving a perfect score ever since I entered this school year! Midterms exam pa ng integral calculus!

Ngunit saglit natuon ang atensyon ko sa malamig na titig ni Jacob sa akin. Ang lahat ay masaya at pumapalakpak maliban sa kanya na may makahulugang ngisi at malamig na titig sa akin.

Pinagsawalang bahala ko na lamang 'yon hanggang sa matapos na ang klase. Last na 'to kaya naghanda na ako para sa pag-uwi ngunit gulat akong napasunid kay Jacob nang hilahin niya ako patungo sa kung saan.

"Ano ang ginawa mo kay sir para magkaroon ka ng perfect score? Impluwensya ba 'yan ni Sheena?" Agad ko siyang nasampal na tinawanan lang niya. Nanlabo ang paningin ko dahil sa nagbabadyang luha na hindi ko alam kung bakit pa ito nangyayari.

"Na-kwento niya ba sa'yo ang buhay estudyante niya? Baka nga hindi niya na rin nasabi ang buhay niya bago umalis sa pag-aaral. Siguro naman ay alam mong kasing edad lang natin siya. Ano ba ang tinuro niya sa'yo? Paano niya tinuro sa'yo ang tamang pagsubo?" Pag-atake niya sa akin kaya hindi ko na napigilan ang pagdaloy ng luha't emosyon ko kasabay ng malakas na sampal ko sa kanya.

"Ganyan na kababa ang tingin mo sa akin? Ganyan kababa ang tingin mo kapag may kaibigang sabihin na nating alam mong sex worker? Kung may problema ka sa kanya ay magkaiba kami dahil ako si Crisanta at siya si Sheena. Tsaka teka nga, bakit ba ganyan kasama ang tingin mo sa mga sex worker? Hindi naman lahat ay ginusto ang trabaho na 'yon sa umpisa, napilitan lang ang iba na kinalaunan ay nakasanayan na lang. Sabagay, parausan lang naman nag tingin niya sa mga babaeng mababa ang lipad." Iyak ko habang paulit-ulit siyang hinahampas sa dibdib.

"Wala naman sanang kaso sa akin ang mga pokpok na 'yan pero masakit kasi Crisha. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko noong nakita ko siyang ganoon. Playing with our math teacher's thing para lang sa grades. Ilang beses ko siyang sinabihan na tuturuan ko siya as his boyfriend. You know what she did? Tinanggihan niya lang dahil kaya niya naman daw. Niloko niya ako, Crisha. Natanggal siya sa school dahil may kumalat siyang videos na binabayaran pala siya ng mga seniors namin. Hindi ko alam ang gagawin ko, Crisha. That's when I started hating sex workers dahil mismong nanay ko ay ganyan ang trabaho dati. Pinabayaan niya kami at marami siyang lalaki lagi, at ang pera na para sa amin ay ginagamit niya lang para lumandi." Umiiyak na rin niyang sabi.

Nang magtama ng mabuti ang aming mga titig ay doon ko tuluyang nakita ang libo-libong emosyon na kinikimkim niya. Nakaramdam ako ng konsensya dahil sa totoo lang ay hindi makikitaan si Jacob na may ganitong kwento siya. Binigyan ko siya ng isang mahigpit na yakap na sinuklian niya rin naman.

"Tell me more, Jacob. I'll listen to your problems." Pag-alo ko sa kanya.

"Please, answer me honestly. Nagtatrabaho ka rin ba bilang sex worker?" Mahina niyang tanong na nagpalambot ng aking tuhod. Pakiramdam ko'y mas mabuting tumakbo na lamang ako o 'di kaya'y magsinungaling ngunit hindi dapat. Ayokong maging isa ako sa mga taong tatraydor sa kanya.

"Paano kung pumasok nga ako sa ganoong trabaho dahil kailangan ko ng pera? Would you still respect me? Would you still like me?" Seryoso kong bulong sa kanya. Ramdam ko ang paninigas niya ngunit nang sumagat siya'y tila ba nabunutan ako ng tinik at halos lumabas na ang puso ko sa bilis ng tibok nito.

"Iba ang nararamdaman ko para sa'yo, Crisha. I'll accept and respect whoever you are, at pasensya na sa mga nasabi ko dahil may galit lang ako sa babaeng 'yon. I'm sorry if I speak ill about sex workers. It's just that hindi maganda ang karanasan ko sa mga taong minahal ko. To be specific, mga taong malapit sa puso ko na sex workers." Pag-amin niya ngunit agad din akong nalungkot nang maalala ko ang deal ko sa isang lalaki.

"Jacob, ang totoo kasi ay okay ka sana lalo ngayong nagkausap tayo. Ang problema ko ay napasubo ako sa malaking problema. Natatakot akong may mangyaring masama kapag tinakbuhan ko ang usapan namin." Malungkot kong pahayag at gulat akong napalingon sa likuran nang may mahigpit na humila sa akin palayo sa harap ni Jacob.

"Why are you flirting with my fiancee? Huli ka na ba sa balita? Open your facebook account para makilala mo kung sino ang lalaki sa buhay ng nilalandi mo. Fck off, dude." Gigil na sabi ni Azariel kaya agad kong tinitigan ng makahulugan si Jacob. Sana ay maintindihan niya ang mga titig ko.

"Mahal ka ba niya? Gusto ka ba niya? Baka naman inipit mo lang siya? As far as I know ay may namumuo na saming ugnayan. Sigurado akong may ginawa kang nagpapayag sa kanya." Matapang na tugon ni Jacob na dahilan upang mapabuga ako ng hangin. Naintindihan niya ako, at kailangan ko ng tulong niya ngunit mali 'ata ito. Wala kaming magagawa kahit magtulong pa kami kapag nagsalita na ang pera.

"Gago ka pala eh." Napatili ako nang bumulagta si Jacob sa sahig, at sunod-sunod pa ang paghingi ko ng tulong nang magsimula na silang magbalikan ng mga suntok. Naiiyak na ako sa inis at mabuti na lang ay may dumating na guards para pigilan sila. Panibagong gulo na naman!

Ruined DignityWhere stories live. Discover now