Kabanata 9

458 20 0
                                    

I can still feel the awkward ambiance dahil sa napag-usapan kagabi habang kumakain kami ng almusal. Paminsan-minsan ay nahuhuli ko siyang nakatitig sa'kin na nginingitian niya lang. Kung hindi lang ako nakipagkasundo sa lalaking 'yon ay baka na-eenjoy ko na ang makasama si Jacob.

"Sorry kagabi, I didn't mean to make things awkward. Kalimutan mo na lang mga bastos na lumabas sa bibig ko." Pagbasag niya sa katahimikan na sinundan naman ng pag-ubo ni Ayesa.

"Sa labas na lang ako kakain, medyo mainit ngayon dito. Pasensya na pala kuya Jacob, pancit canton lang nakayanan ngayong iluto." She excused at akmang pipigilan ko siya nang hawakan ni Jacob ang isang kamay ko. Mariin akong napapikit bago siya nilingon ngunit hindi ko nakayanan ang paraan ng pagtitig niya. Hiyang-hiya akong tumingin sa kamay niyang hawak ang kamay ko.

"Ngayon ko lang nakita ang lalaking 'yon. If he's a well-known man, then that's a big problem for us. Paano mo ba siya nakilala?" Ang kanina'y nakapatong lang na kamay ay hinawakan na ng mabuti ang akin. Shivers run through my system as our fingers slowly intertwined.

"I don't know if I should tell you the real reasons. One thing's for sure, I barely know him." Tipid kong sagot.

"Kung hindi mo naman siya mahal, gumawa tayo ng paraan para bitiwan ka niya. We can make us work while destroying the connection between you and him." Mahina niyang sabi habang dahan-dahan niyang inaangat ang kamay ko, at halos mangisay na ako sa labis na emosyon nang halikan niya ang likod ng aking kamay.

"Jacob." Iyon na lamang nasambit ko dahil 'di ko alam kung ang dapat kong sabihin. Kaya ko lang naman siya iniiwasan ay baka layuan niya lang ako. Hindi naman mahirap mahalin si Jacob, natatakot lang ako noong sinusuyo niya ako na baka mandiri siya kapag nalaman ang trabaho ko. Now that he knew everything, I just feel like I should give him a try.

"Let's take this slowly kung gusto mo. I'm willing to wait kahit ilang buwan pa ang abutin. It's like a win-win situation, mapapalayo natin ang lalaking 'yon habang sinusubukan nating buuin ang tayo." Nakangiti niyang sabi habang sinserong nakatitig sa aking mga mata.

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko habang dahan-dahang lumalapit ang mukha niya sa akin. Kita ko ang pagdadalawang-isip niya habang paminsang tumitingin sa aking labi.

"Tayo na, Jacob. I don't care what will happen next, basta tayo na." Emosyonal kong sabi at nang nangilid na ang luha ko'y ako na mismo ang lumapit sa kanyang mga labi. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko habang ang mga labi namin ay tila ba itinadhanang maglapat.

Sa bawat paglalim ng aming halik ay siya ring pagbalik sa akin ng mga ala-ala kung bakit natakot akong magtiwala sa mga lalaki. Mga ala-alalang pinilit kong kalimutan at pilit ding itinatatak sa isipan ko ang mga kasinungalingan.

I don't want to be my mother but I ended up being a sex worker. There's nothing to lose dahil nawala naman na sa'in ang lahat bago pa ako pumasok sa trabahong 'yon. Palagi na lamang akong napapagsamantalahan ng mga lalaki pero ngayon, ramdam kong hindi 'yon magagawa ni Jacob. Ngunit paano naman si Azariel?

Pakiramdam ko'y pamilyar siya sa akin na para bang may nakaraan kaming hindi nabigyan ng maayos na pagtatapos. Pamiramdam ko'y kilala niya talaga ako ngunit sa paglimot ko sa nakaraan ko'y nadamay ang ala-ala ko sa kanya. This is cheating pero paano ako iiwas kung nakaramdam ako ng pag-aaruga sa bawat galaw ng aming mga labi.

"Mahal kita, Crisanta Aesha Monsanto. Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang pagmamahal ko pero noong unang araw palang ay gusto na talaga kita. It's a love at first sight but then, I came to know you more na kahit pa galit ako sa mga kaparehas mo ng trabaho... pipiliin ko pa ring makasama ka." He confessed bago muling siilin ang labi ko ng mainit na halik.

Nagsimulang maglakbay ang kamay niya mula sa aking hita paalyat sa aking bewang. Unti-unting nadadarang ang aking sistema sa init ngunit nang lumabas ang imahe ni Azariel sa aking isip ay wala sa sarili kong naitulak palayo si Jacob.

"We shouldn't do this yet, Jacob. I'm sorry, I hope you'll understand." Hingi ko ng paumanhin at wala sa sariling tumakbo palayo sa bahay. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa habang ang mga luha ko'y patuloy na pumapatak. Bakit nga ba ako umiiyak? Dahil ba ito sa pagbalik sa akin ng nakaraan ko o baka dahil harap-harapan kong nakikita ang panlalandi ni mama noon?

Pakiramdam ko'y wala na akong pinagkaiba sa ina ko na labis kong kinasuklaman. Kinainisan ko siya sa mga pagkakamali niya noon ngunit ako mismo ay ginagawa ang mga iyon ngayon. I hated her for being a sex worker and I ended up being a sex worker. I hated her for cheating on different men while having relationships with a lot of men, but I ended up cheating on a deal with Azariel through having a relationship with Jacob.

I always hated her but now I ended up hating myself for being like her. Natatakot ako na baka dumating ang oras na may mangyari ring masama kay Ayesa. Baka makaranas siya ng abuso at pananakit mula sa lalaki ngunit hindi ako makikinig. Nagawa ni mama 'yon sa akin kaya natatakot akong baka magawa ko rin 'yon kay Ayesa.

Patuloy lamang akong tumakbo hanggang sa hindi ko na marinig ang boses ni Jacob at Ayesa na tinatawag ako. Kasabay ng mga luha ko ay siya ring pagbuhos ng malakas na ulan. Sa bawat patak na dumadampi sa akin ay siya ring bilis ng pagbalik ng mga ala-alang binaon ko na.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa natulala na lamang ako nang may makita akong kotse na papalapit sa akin. Inaasahan kong mabubunggo ako nito ngunit sa kasawiang-palad ay tumigil ito bago pa dumampi sa akin ang kahit kaunting parte nito.

"What are you doing here? Magpapakamatay ka ba? Damn, pumasok ka sa kotse ko baka magkasakit ka pa." Nag-aalalang sabi ng isang panilyar na boses at nang kilalanin ko ang mukha niya ay nakumpirma kong si Azariel nga siya.

"Pinababa mo nga ako kahapon pero ngayon ay papapasukin mo ako? Baka naman may masama kang balik sa akin kaya kunwari ay nag-aalala ka." Patuloy pa rin ang pag-iyak ko at habang sinasabi ko 'yon ay pinaghahampas ko ang kanyang dibdib.

"Hindi mo ba talaga ko natatandaan? Sorry nga rin pala sa nangyari kagabi, masyado akong nakain ng selos ko sa lalaking 'yon. Nang malaman ko sa informer ko na sa inyo nakitulog ang lalaking 'yon ay 'di ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Tapos ngayon muntik na kitang masagasaan habang wala ka sa sariling tumatakbo palayo." Malambing niyang sabi ngunit patuloy lamang ako sa paghampas sa kanyang dibdib.

"Sino ka ba talaga? Bakit ba gustong-gusto mo na tumigil ako sa trabaho? Bakit ka nagseselos kay Jacob? Ano ba ang plano mo sa'kin? Sino ka ba sa buhay ko, Azariel?" Sunid-sunod kong tanong at laking pasasalamat ko sa ulan dahil hindi niya nakikita ang pagluha ko.

"Sorry, kuya Azariel. Mahal kita pero masyado pa akong bata sa ngayon. Hindi ko pa alam kung paano ko i-hahandle ang mga bagay-bagay. Pangako, kapag nagkita ulit tayo ay magmamahalan tayo at ikakasal." Nagtataka ko siyang tinignan sa mga mata ngunit seryoso niya lamang akong tinitigan. Inisip ko pang mabuti hanggang sa unti-unti ay bumalik lahat ng mga binaon kong ala-ala na kasama ng aking mapait na nakaraan.

Ruined DignityWhere stories live. Discover now