Kabanata 2: Misyon

304 34 136
                                    

|| Erika's POV ||

Bigla akong bumalikwas ng upo sa higaan. Nandito na ulit ako sa kwarto namin. Kabang-kaba kong kinapa-kapa ang mukha ko sabay kuha sa salamin sa mini table at... hindi naman nagbago ang mukha ko. Ha! Panaginip lang... parang totoo talaga.

Napahilamos ako ng palad. Babalik na sana ulit ako sa paghiga nang biglang nag-vibrate ang phone ko. Tumatawag si Rhys.

"Bakit?" bulong ko, baka kasi magising si Ate Sam.

"Panget, nanaginip ako. N-Nasa gubat daw tayo tapos... b-biglang nagbago yung mukha mo. Parang totoo yung pakiramdam, pramis." Biglang namanhid ang mukha ko sa narinig.

"Ha? Napanaginipan mo rin?" Lumakas ng bahagya ang boses ko.

"P-Pati ikaw?"

"O-Oo. Bakit pareho tayo ng panaginip?"

Ikinwento ko ang lahat ng nangyari sa panaginip ko at ganoon din daw ang sa kanya. Gusto kong magwala nang ikwento nya pa ang tungkol sa paghalik ko. Shuta! Ibig sabihin ay alam nya rin 'yon?!

Hindi naman nya ako tinukso dahil kahit siya ay naguguluhan. Ang teorya nya ay baka nag-shared lucid dream kami o astral project tapos nag-teleport kami sa gubat. Sa huli ay sumakit lang ang ulo ko dahil napaka-imposible naman ng sinasabi nya.

* * *

"Hindi kayo nananaginip."

Bumalik na kami sa pagtulog at ngayon ay nandito na naman kami sa bahay-kubo, kaharap si Lola. Iba na talaga ang mga itsura namin pero alam kong si Rhys ang lalaking kasama ko.

Anong sinasabi ni Lola na hindi kami nananaginip? Totoong nangyayari ito?

"Sino ka po ba? B-Bakit ganito ang itsura namin?" Sa pagkakataong ito, hindi ko na napigilang magsalita.

Kakaiba ang mga suot namin. Para kaming galing sa past at naka-traditional clothes pa kami. Naka-blue and yellow na baro't saya ako habang puting kamiso at brown na pantalon naman ang suot ni Rhys. Hindi ko na alam kung totoo ito o panaginip dahil hindi ganito ang pakiramdam ng nananaginip lang.

"Ako si Lola Esperanza, Ysabella."

"Erika po ang pangalan ko. Erika Flores, h-hindi Ysabella."

"Alam ko... pero ikaw ay nasa katauhan ngayon ni Ysabella Madriñan. At ikaw..." Inilipat nya ang tingin kay Rhys. "Nagngangalan kang Alejandro Tangonan. Kayong dalawa ay nasa taong 1891."

Para akong naestatwa dahil sa mga narinig ko. 1891? Ibig sabihin ay nag-time travel kami sa past? Hindi lang basta nag-teleport sa gubat? Pero ang sabi ni Lola Esperanza ay nasa ibang katauhan kami. Sumapi kami sa katawan ng iba na nabuhay sa ibang time period. Kalokohan. Nababaliw na yata ako.

"Naaalala nyo ba ito?" Naglabas si Lola Esperanza ng isang card, katulad nung card na nakuha namin sa Calle Crisologo.

"Shuta."

Tinitigan nya ako ng nakakatakot. Napakagat ako sa ibabang labi at para makaiwas ay ibinaling ko na lang ang tingin doon sa card. Bakit nasa kanya 'yon?

"Kayong dalawa ang napili ng barahang ito para sa isang misyon. Misyon nyong baguhin ang kapalaran nina Alejandro at Ysabella."

Misyon? Inalala ko ang mga nakasulat doon sa card. Isang pagkakataon para ibangon, buhay ng kanilang panahon. Kapalit ay dalawang tao. Sa sandaling humimlay ang katawan, makatahan sa kanilang katauhan. Labing-apat na araw at gabi. Napatakip ako ng bibig. Ibig sabihin, isa nga iyong... orasyon?

A Vivir Mi Vida ContigoWhere stories live. Discover now