Kabanata 11: Tabing-ilog

93 24 66
                                    

|| Erika's POV ||

"Shuta."

Hindi maalis ang tingin ko sa kalabaw na itinago nya malapit sa mansyon. Seriously? Anong trip ng lalaking 'to?

"Sya si Makisig. Hiniram kasi sya ng kapatid ni Tatay Emiliano na nakatira rito sa Ciudad Sagrada. Kaninang hapon ko pa dapat sya naiuwi kaso ang tagal mong bumalik sa kwarto mo."

"Sasakay tayo... s-sa kanya?"

"Oo. Bakit? Natatakot ka?"

Napalunok ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong ma-excite dahil makakasakay ako sa kalabaw. Ang laki kasi nito at never pa akong nakapag-ride sa kahit anong hayop.

"H-Hindi ka naman marunong sumakay sa kalabaw."

"Anong hindi. Sinakyan ko na nga 'yan kanina. Tara na. Sayang ang oras."

Lumapit na sya kay Makisig at halos nakanganga lang ako habang sumasampa sya sa likod nito. Sobrang yabang ng ngiti nya. Edi sya na ang marunong sumakay.

"Dito ka na sa harap ko umupo para maalalayan kita," sabi nya sabay lahad ng palad.

Tumingin muna ako sa mukha ni Makisig. Mukhang payag naman sya na sakyan ko sya. Inabot ko na ang kamay ni Rhys at dahan-dahang tumuntong sa bato. Successful naman akong nakasakay pero nakakalula at hindi ko maiwasang mapatili.

Bigla kong naramdaman ang pagyakap nya sa baywang ko at hinigit ako palapit sa kanya. Medyo nawala ang kaba ko dahil ramdam ko sya sa likod ko.

"Ready ka na?"

"O-Oo," sabay lunok.

Napapikit na lang ako at napahawak sa laylayan ng damit ni Rhys nang magsimula nang maglakad si Makisig. Marami akong naging kasalanan pero 'wag naman sanang pagkatusok sa sungay ng kalabaw ang ikamatay ko.

"Relax. Hindi ka mahuhulog," bulong nya sa tapat ng tainga ko at para akong nakuryente sa init ng hininga nya.

Nag-inhale-exhale muna ako ng ilang beses bago unti-unting iminulat ang mga mata. Tinatahak namin ngayon ang malawak na lupain palayo na sa kalsada at kabahayan. Medyo malago at mahaba ang mga damo rito at kung hindi kami nakasakay sa kalabaw ay siguradong mangangati kami.

"Saan ba talaga tayo pupunta?"

"Surprise."

"Dinamay mo pa talaga si Makisig sa masama mong balak."

"At least hindi magsusumbong ang kalabaw. Rawr!"

"Geez. Scary."

Pareho na lang kaming natawa sa mapusok naming landian. Tumingala ako at ipinatong ang ulo sa balikat nya. Ang clear ng langit. Sinasalubong kami ng malamig na hangin at humahampas sa mga damo na lumilikha ng magiliw na tunog.

Patuloy na lumalakas ang liwanag ng buwan habang patuloy na nauubos ang oras namin sa panahong ito. Kung pwede lang sanang matapos namin ang misyon ng ganito kapayapa.

Halos kalahating oras na kaming naglalakbay nang mapansin ko ang pag-reflect ng liwanag ng langit sa ibaba. Nilingon ko si Rhys at nakitang nakatingin din sya sa akin habang nakangiti ng maluwang.

Patungo kami ngayon sa ilog. Sa kabilang bahagi nito ay matatanaw ang malawak na sakahan ng palay. Habang unti-unti kaming lumalapit doon ay unti-unti ring lumalaki ang mga mata ko. Shuta ang ganda.

Pinahinto na nya si Makisig nang makarating kami sa tabing-ilog. Itinali nya ito sa isang malaking bato at hinayaang uminom. Inilibot ko ang paningin sa malinis at malinaw na tubig nito. Napahawak ako sa dibdib nang bigla akong makaramdam ng kirot. May gusto bang sabihin si Ysabella?

A Vivir Mi Vida ContigoWhere stories live. Discover now