Note

228 25 1
                                    

Kung nababasa mo ito ngayon, marahil ay nakarating ka na sa Wakas ng istorya. Kung oo, maraming maraming salamat dahil tinapos mo hahaha! Ito po ang unang nobelang naisulat at natapos ko.

Hindi perpekto ang aking akda, kahit sa panukat ko ay hindi ito pasado. Ito ay nasa dyanra / kategorya ng Historical Fiction pero aminado ako na hindi ko iyon nabigyan ng hustisya. Ang nasa isip ko lang kasi talaga ay ang ideya ng dalawang magkasintahan na mapupunta sa nakaraan. Nagsagawa ako ng kaunting research patungkol sa kasaysayan para kahit papaano ay mapanindigan ko ang dyanrang pinasok ko. Salamat din sa pag-aaral namin ng kasaysayan noong high school.

Ang orihinal na takbo ng kwento sa isip ko ay mapupunta sina Rhys at Erika sa nakaraan habang sina Alejandro at Ysabella naman ay mapupunta sa hinaharap. Wow magic! Iyan ang storyline ko way back 2015 at hanggang sa nabago ng nabago ng nabago.

Ilang beses akong nagtangka na isulat ang A Vivir Mi Vida Contigo, ngunit noong mga panahong iyon ay nagsusunog ako ng kilay sa kolehiyo. Iyon din ang mga panahon na pabago-bago ang plot na naiisip ko para sa istorya. Hanggang sa naka-graduate na ako, doon lamang ako nagkaroon ng pagkakataon na bumuo ng kongkretong outline at naituloy na ang pagsusulat.

Wala na dapat akong balak na ituloy ito dahil nag-aalala ako na baka walang pumansin at marami na rin ang nagsusulat sa ganitong dyanra. Pero naisip ko, sa lahat naman ng kategorya ay maraming nagsusulat. At haler! Higit 4 years kong binuo ang kwento tapos hindi ko itutuloy? Ano naman kung walang magbasa? Pa-famous lang? Hahaha! Magsusulat na lang ako dahil gusto ko.

So ayon, natapos ko pa rin kahit papaano. Isa na iyong achievement para sa akin. Maikli at mabilis ang pacing ng istorya. Natakot kasi ako na baka hindi ko matapos kapag sumobrang haba eh.

Marahil ay nagtataka ka kung bakit ako dumadada rito. Wala lang, gusto ko lang magkwento. Gagawin ko kung ano ang gusto ko at walang makakapigil sa akin hahaha! Ang ikli ng kwento pero ang haba gumawa ng Author's Note, ano? Hanggang dito na lang. Salamat kung tiniis mo ang kadaldalan ko. Bye!

A Vivir Mi Vida ContigoOnde histórias criam vida. Descubra agora