Kabanata 18: Tayo

71 22 0
                                    

|| Erika's POV ||

"Anong ginagawa mo rito?"

Gulat na gulat akong makita si Rhys sa mansyon pagkagising ko. Nakatayo sya sa dulo ng hagdan habang may hawak na orchids para salubungin ako sa pagbaba. Nang hindi ko kunin ay sapilitan na nyang ipinahawak sa akin. Paano ba sya nakapasok dito?

"Sabay na kayong mag-agahan. Hay, tirik na ang araw kung magising ang señorita," biglang sumulpot si Ama na galing sa kusina at may bitbit na kape.

Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Teka. Pumayag sya na makapasok si Rhys dito? Sumunod na dumating sila Ina at Ate Estella na nanggaling din sa kusina. Binigyan ako ni Ate Estella ng nakakalokong tingin. Tumingin naman sila Don Joaquin at Donya Eleanor at bahagyang ngumiti pagkaupo nila sa salas.

Gosh. Ito ang kauna-kaunahang beses na pumayag silang makaapak si Alejandro rito sa mansyon. Tanggap na talaga nila ang pakikipagrelasyon ko sa kanya.

Nakasakay na kami ng kalesa papunta sa plaza. Kanina pa ako atat na atat na marinig ang kwento nya pero hindi ako makapagsalita sa bahay. Halos dalawang oras din kami sa mansyon dahil pagkatapos kumain ay gumayak pa ako at kinwentuhan kami nina Ama at Ina. Sa Laguna pala sila nagkakilala kung saan tubo si Ama at si Ina ang talagang taga-Las Tierras.

Kasunduan lang ang pagkakasal sa kanila pero mabilis naman silang nahulog sa isa't isa. Dito nila piniling manirahan. Ang minanang lupain sa mga magulang ay mabilis nilang napalawak at napalago dahil na rin sa galing ni Don Joaquin sa pagpapatakbo ng negosyo. Naging isa ang mga Madriñan sa mga tanyag at pinakamayayamang pamilya sa Probinsya ng Las Tierras.

"Pumunta lang ako. Nagpaalam ako kung pwede ba tayong maglibot and... boom."

Tumango na lang ako. Grabe. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nagaganap. Hindi lang namin nagawa ang misyon na pigilin ang kasal, higit sa lahat ay nagawa nang tanggapin si Alejandro ng mga magulang ni Ysabella. Babalik silang ibang-iba na ang lahat.

Pagkarating sa plaza ay nagtungo kami sa pwesto ni Francisco na mag-isang nagbabantay doon. Bibili lang kami ng pagkain sa kanya pagkatapos ay pupunta na kami sa ilog kung saan daw kami magdadate ni Rhys.

"Ano ang inyong sadya, mga mahal na kaibigan?" bibong-bibo nyang pagbati.

"Naks naman. Saya mo ah," tukso ni Rhys.

"Oo nga. Beke nemen pwedeng libre na yung bibingkang kanin," banat ko pa.

"Alam mo, Ysabella, ang yaman mo pero napakasiba mo."

"Ah ginaganyan mo na ako." Dali-dali akong pumasok sa tindahan at sinakal sya sa batok. "Baka po nakakalimutan mo na kaibigan ko yung jowa mo."

"Oo na! Dahil lodi ko kayo, kalahati na lang ang bayaran nyo."

Nanlaki ang mga mata ko. Ano raw? Lodi? Tumingin ako kay panget na tuwang-tuwa sa amin sabay taas-baba ng kilay. Hay. Kung anu-ano rin ang itinuturo ng lalaki na 'to kay Francisco.

After makipagbangayan ay sinimulan na namin ang paglalakad patungong ilog. Wala kasing daanan ng kalesa papunta roon kaya heto, wala kaming choice kundi ang maglakad. Halos kalahating oras kaming babad sa sikat ng araw. Mabuti na lang dahil hindi ganoon kainit.

Pagkarating sa ilog ay umupo kami sa parehong spot kung saan kami nakapwesto last time. Napangiti ako nang makita ang gitara ni Alejandro na naghihintay sa amin at nakasandal ito sa puno ng mangga. Omg enebe!

"Masakit ang alaala nila Alejandro at Ysabella sa ilog na 'to. Dito sila pareho namatay. Gusto kong mapalitan ang simbolo nito... ng pag-asa," itirada ko habang pinagmamasdan ang agos ng tubig.

A Vivir Mi Vida ContigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon