Kabanata 19: Huli

67 20 0
                                    

|| Erika's POV ||

[Taong 2020]

Malakas na hangin, tunog ng kalesang dumadaan, yapak ng nagtatakbuhang mga tao sa paligid. Unti-unti ko nang iminulat ang mga mata ko at nakitang nandito na ulit ako sa Calle Crisologo. Wala na ang baraha... at wala na rin si Rhys sa tabi ko. Kasabay ng pagluha ko ay ang malakas na pagbuhos na ng ulan. Tila iisa lang kami ng kalangitan.

"Ineng, sumilong ka rito! Nababasa ka na!" sigaw ng isang ginang at alam kong ako ang tinatawag nya.

Tumayo na ako at naglakad sa lilim ng ulan. Ang mga butil nito ay humahalo sa luhang dumadaloy sa aking mukha. Naghahatid parehong init at lamig sa aking pakiramdam. Nakatingin sa akin ang mga tao pero nawalan na yata ng puwang ang hiya sa grabeng sakit na nadarama ko. Mas mabuti nang ganito upang hindi makita na ako ay umiiyak.

Bigla akong napatigil nang isang lalaki ang humawak sa kamay ko at inabot sa akin ang isang payong. Nakabukas na ito at pinoprotektahan ako mula sa ulan. Wala akong naging pagkakataon na makita ang mukha ng lalaki dahil mabilis syang nakapaglakad palayo at may hawak na payong para sa kanya. Nanatili lang akong nakatayo at tulala habang pinagmamasdan ang unti-unti na paglaho nya sa aking paningin.

Nakaupo lang ako ngayon sa labas ng hotel. Tumila na ang ulan pero basa pa rin ang aking damit. Giniginaw na ako pero hindi ko na iyon iniisip. Seryoso lang akong nakatingala sa kalangitan na tanging paraan na alam ko upang makita at makausap si Rhys. Naluluha na naman ako. Hindi lang milya-milya at mga taon ang distansya namin sa isa't isa. Dahil ngayon ay nakapagitan din sa amin ang buhay at kamatayan.

"Erika!"

Nanlaki bigla ang mga mata ko nang marinig ang isang pamilyar na boses. Boses na matagal akong nangungulila at gustong muling mapakinggan.

"M-Mama."

Hindi ako makapaniwala na kaharap ko ngayon si Mama. Lumabas sya sa hotel at gulat nang makita ang itsura ko na parang pulubing aso. Mas lalong pang nag-alala ang mukha nya dahil sa biglaan kong pag-iyak habang may ngiti sa mga labi. Hinawakan nya ang kamay ko at nasisiguro ko na hindi ito isang panaginip. Muli kong binigkas ang salitang 'Mama' at sabik na sabik na yumakap sa kanya. Nakabalik sya.

"Erika, may nangyari ba?" Humiwalay sya sa'kin at sinuri ang katawan ko.

Maraming nangyari, Mama. Marami akong pinagdaanan simula nang iwan mo ako. Alam mo ba na nagkanobyo ako? Rhys ang pangalan nya. Sobrang buti nya at sobra nya akong mahal... pero wala na sya ngayon. Sinakripisyo nya ang buhay nya para mailigtas ako at para maibalik ka. Sya ang dahilan kaya ako nagkakaganito. Nasasaktan ako, Ma. Mahal na mahal ko rin sya.

Pumasok na kami sa hotel at hindi na ako halos makahinga dahil sa sunod kong nakita. Si Papa. Sumalubong sya sa amin sa loob at katulad ni Mama ay nagulat sya nang makita ang itsura ko. Niyakap ko rin sya at kumawalang muli ang traydor kong luha. Alam ko na wala nang saysay ang paghingi ko ng tawad dahil wala na syang alaala sa nangyari sa aming relasyon. Gusto ko na ring limutin ang nangyari noon.

Muntik na akong mapatalon at masipa ang biglaang yumakap sa mga binti ko. Pagtingin ko ay isa pa lang batang babae na wari'y nasa dalawang taong gulang lang. Nanlaki ang mga mata ko nang ilayo sya ni Papa at buhatin.

"Steph, no. Basa si Ate."

Pilit nitong inaabot ang aking mukha. Nagugulantang ako. Hindi ko napansin na kasama ito ni Papa kanina. Kung gayon ay... kapatid ko ang bata.

Nakahiga ako ngayon sa kama ko at sa parehong kwarto namin ni Ate Sam. Sa naging bagong takbo ng panahon, pamilya ko ang naging kasama ko rito sa Ilocos. Naaalala ko na hiniling ko ito. Kahit ang pagkakaroon ng kapatid kung kaya't naryan si Steph. Tuluyan nang nagbago ang takbo ng buhay ko.

A Vivir Mi Vida ContigoWhere stories live. Discover now