Kabanata 6: Alaala

163 26 102
                                    

|| Erika's POV ||

[Taong 2020]

Nagising ako sa ilang beses na pag-ring ng cellphone ko. Kanina pa tumatawag si Rhys at fourteen missed calls na ang nagawa nya.

"Anong nangyari sa'yo? Bakit ka hinimatay?" agad nyang tanong pagkasagot ko ng tawag.

Hindi ako makasagot. Napatitig na lang ako sa kisame habang inaalala ang nangyari. Dapat ko kayang sabihin sa kanya ang nakita ko? Pumikit ako at huminga ng malalim. Kailangan nyang malaman.

"M-May... naging vision ako."

"Ha? Anong vision?"

"Bigla akong nahilo tapos may pumasok sa isip ko. H-Hindi ko alam kung pangitain 'yon. Baka nagbabala si Ysabella. Bakit naman nya ipapakita sa'kin 'yon in the first place kung walang ibig sabihin?"

"Hindi kita maintindihan. Ano ba yung nakita mo?"

"Ano kasi... n-nakita kong... n-nira-rape si Ysabella."

"S-Sigurado ka ba? Nino?"

"H-Hindi ko nakita ang mukha ng lalaki. Basta... takot na takot sya."

Napakagat ako sa hinlalaki at parang maiiyak na. Nangyari kaya 'yon kay Ysabella at pwedeng mangyari ulit sa akin? Kasi inuulit lang naman namin ang nakaraan at alam na nya ang magiging takbo nito. Ibig sabihin ay pwede akong ma-rape katulad ng sinapit nya.

"Rhys, paano kung... paano kung totoong mangyari 'yon?"

"Hindi! Hindi natin hahayaan. Aalamin natin kung sino ang taong 'yon, okay?"

Hindi ko na napigil ang sunud-sunod na pagtulo ng luha ko. Kaya ba kailangan naming magtagumpay sa misyon? Ano pa bang hindi namin alam?

"Erika?"

Kumakatok si Tita Tani. Agad kong pinunasan ang luha ko at pinakalma ang sarili.

"T-Teka lang po, Tita," sabi ko sabay lagay ng cellphone sa tainga. "Mamaya na lang. Bye."

Tumayo na ako at humarap sa salamin. Pinaypayan ko ang mga mata ko para mawala ang pamumula dahil sa pag-iyak. Mabuti na lang dahil hindi gaanong halata. Pagkatapos ay binuksan ko na yung pinto.

"Bakit po?"

"N-Nandyan yung... papa mo. Gusto kang makausap." Napasinghap ako. Ano namang ginagawa niyon dito?

"Ayaw ko. Paalisin mo na po sya."

"Ano ka ba? Pagbigyan mo na." Ngumiti sya at hinimas ang braso ko.

Huminga ako ng malalim at tumango na lang. Nauna nang bumaba si Tita. Nanatili lang akong nakatayo at hindi alam kung bababa o hindi. Bakit ba sya nandito? Kainis.

Sa huli ay nag-decide na akong harapin si Papa. Huli ko syang nakita noong libing ni Mama. Wala akong ganang makinig sa mga paliwanag nya that time at ayaw kong masilayan ni anino nya. Dahil kahit ano pang sabihin nya, kasalanan nya ang nangyari.

"Erika. Anak."

Sinalubong nya ako ng yakap pero dedma lang ako. Ayokong umiyak at magalit. Masakit pa rin ang ginawa nya sa'min. Sobra kaming close noon pero bigla na lang nagbago. Ang taas ng respeto ko sa kanya pero sinira nya.

"Bakit ka po nandito?" seryoso kong tanong.

"Ahh, upo muna kayo," pagsingit ni Tita saka sya umalis at pumuntang kusina. Kami na lang ang naiwan ni Papa rito sa salas.

Umupo na ako at sumunod naman sya. Ang laki ng pinagbago ng mukha at katawan nya. Payat na sya noon pero mas pumayat pa sya ngayon.

"Umm, n-nakakausap ko pala ang nobyo mo, si Rhys. Mabait syang bata. Masaya ako para sa inyo."

A Vivir Mi Vida ContigoWhere stories live. Discover now