Kabanata 8: Patawad

125 26 89
                                    

|| Rhys' POV ||

[Taong 2020]

(Musta, Binibini? May ipapakita ako sa'yo pagbalik natin. Miss you. I love you.)

Bumalik na ako sa burol pagka-send ng message kay Erika. Busy ngayong araw dahil dumating na ang iba pa naming kamag-anak. Gusto ko rin na maipakita sa kanya ang sulat at personal kaming makapag-usap.

(From: Panget Maloves

Simula na raw ng enrollment ngayon. Kami na ang mag-eenroll sa'yo. I love you too. Mwaps.)

Pinigil kong mapangiti saka lumingon kay Ate na nasa tabi ko lang. Nakatingin sya sa'kin ng nakakaloko. Halatang binasa nya yung convo namin.

"'Wag mong pigilan, mauutot ka lang," bulong nya saka tumawa ng walang sound.

Tiningnan ko sya ng masama. Siraulo talaga. Nasa burol kami, nagawa pang magbiro. Ano bang nagustuhan ni Kuya Vincent sa babaeng 'to? Hays.

"Sam, halika. Tulungan mo akong magpamigay ng pagkain," biglang pagtawag sya kanya ni Mama na nasa likuran namin.

"Pft!" Tinakpan ko ang bibig ko at kunwari ay pinagtatawanan sya. Karma!

Inirapan nya lang ako saka tumayo at sinundan si Mama. Natatawa akong umiling at tumingin sa harapan. Agad naman akong sumeryoso nang makita si Lola Rose habang nakatayo sa tapat ng kabaong at tinitignan ang yumao nyang kapatid.

Kaya ba ayaw nyang sabihin ang nangyari sa mga Madriñan ay dahil totoong ni-rape si Ysabella? Pero bakit hindi 'yon sinabi sa amin ni Lola Esperanza? Ibig sabihin ay walang ibang nakaaalam nito kundi ang pamilya nila.

Nagtungo ako sa mansyon para mag-practice. Mamayang gabi kasi ay mag-aalay kami ng kanta. Tanging yapak ng mga paa ko lang ang naririnig ko habang naglalakad sa corridor. Walang ibang tao rito at sobrang nakaka-relax ang katahimikan.

Huminto na ako sa tapat ng kwarto namin pero hindi ko maiwasan ang mapatingin sa sulok kung nasaan ang bodega. Parang may kung ano ang nag-uudyok sa'kin na pumasok doon.

Tumuloy ako sa paglakad hanggang sa makatapat dito. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Huminga ako ng malalim kasabay ng pagbukas ng pinto. Sa pangalawang pagkakataon ay namangha ulit ako sa laman ng silid. Lumapit ako sa shelves at bumuklat ng ilang mga libro.

Napanatili nilang maayos at buo ang mga gamit dito kahit luma na. Nilibot ko ang buong kwarto. Parang nagkaroon ako bigla ng bagong hilig bukod sa music. History.

"Ysabella."

Nakatapat ako ngayon sa portrait ni Ysabella na gawa ni Lorenzo. Ramdam ko sa obrang ito ang pagmamahal ni Lorenzo para kay Ysabella. Hindi ko alam kung ano ang naging takbo ng buhay nila. Sa pangalawang pagkakataon, sana ay matutunang mahalin ni Ysabella si Lorenzo dahil mukhang hindi na namin magagawa pa ang talagang purpose ng misyon.

"Patawad kung sa pangalawang pagkakataon ay mapagkaitan ka na makasama si Alejandro. Selfish na kung selfish pero... hindi ko kayang iwan si Erika."

Dahan-dahan kong itinaas ang kamay ko at inilapat ito sa larawan nya. Wala itong salamin kaya ramdam na ramdam ko ang texture ng painting. Bakit kaya ako pinigilan ni Lola Rose na hawakan ito? Pinadulas ko pababa ang palad ko at bigla na lang ay may naramdaman akong bagay na nakaipit sa likod ng tela.

* * *

|| Erika's POV ||

Kasama kong nag-enroll ang pinsan kong lalaki. Nasa bakasyon din kasi ang tropa namin. Pagbalik nila ay baka nasa Las Tierras na ako kaya hindi na kami magkakasabay.

A Vivir Mi Vida ContigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon