Kabanata 9: Kapalaran

135 26 93
                                    

|| Erika's POV ||

"Ako si Erika Flores at sya naman si Rhys Mabini. Mula kami sa taong 2020, higit isang siglo mula sa panahong ito. Napunta kami sa katauhan nila noong araw na nagpaalam si Ysabella na dadalawin nya si Carolina pero ang totoo ay... para talaga rito, sa misyon namin na baguhin ang kapalaran nila."

Kasama namin ngayon si Ate Estella sa kwarto. Nag-decide kami na sabihin na sa kanya ang lahat. Naiilang pa rin sya sa presence ni Rhys pero mas nananaig sa kanya ang kagustuhan na malaman ang katotohanan.

"Kapalaran? Ang maikasal kay Lorenzo Suarez?" tanong nya at tumango na lang ako.

"Pero hindi namin magawang pigilan ang kasal dahil kapag hindi sila nagkatuluyan, mawawala sa hinaharap si Rhys. Mula si Rhys sa salinlahi nila. A-Apo sya nina Lorenzo at Ysabella."

Hindi na maitago ni Ate Estella ang pagkagulat sa mga nalaman. Kahit papaano ay maluwag sa pakiramdam dahil hindi na namin kailangang magpanggap sa harap nya.

"Pero... kahit na hindi namin magawa ang misyon, may isang bagay pa kami na pwedeng gawin."

"Ang pigilan ang pagkamatay namin," seryoso nyang sabi.

Yumuko na lang ako. Narinig pala talaga nya ang tungkol doon. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin ang mahigpit na pagsara ng kamao nya at mayamaya ay may tumulong tubig dito. Agad akong napatingin sa kanya. Parang biglang nadurog ang puso ko nang makita syang umiiyak.

"Bakit hindi nagsabi sa akin si Ysabella? Bakit hindi nya sinabi na sobra na pala syang nahihirapan?"

Dali-dali ko syang nilapitan at niyakap. Hindi ko alam kung anong mga salita ang makakatulong para lumuwag ang nararamdaman nya. Ito lang ang tanging paraan na alam ko. Tumayo at lumipat naman ng kinauupuan si Rhys sa aking bandang likuran.

"Alam mo ba, nasasakop namin ang ilan sa mga alaala nila. At... mayroong sinabi si Ysabella kay Alejandro tungkol sa iyo," wika ni Rhys at pareho kaming napatingin sa kanya. "Ang sabi nya, Si Ate Estella, bata pa lang kami ay lagi na syang nakasuporta sa akin. Kahit na kagalitan din sya ni Ama, kinakampihan nya ako. May mga bagay tuloy na naisasakripisyo na nya. Ayaw ko na syang madamay sa problema. Ayaw ko na pati sya ay madamay sa galit ni Ama at ikasira pa ng aming pamilya."

Naaalala ko 'yon. Nagkita sila ilang araw matapos ang pagkakasundo kay Lorenzo. Gusto nang makipaghiwalay ni Ysabella upang tanggapin na lang ang kanyang kapalaran. Bukod doon ay may iba pa syang sinabi.

"Kapag pinilit nating labanan 'to, alam kong kasama syang lalaban. Naulinigan ko ang pag-uusap nina ama at ina na mayroong isang pamilya sa Maynila ang nais ipagkasundo ang kanilang anak kay Ate. Matagal na silang may pagtingin sa isa't isa ni Ginoong Crisostomo na hindi nila magawang aminin.

"Kung hindi ko susundin ang nais ni ama ay baka hindi na sya magdalawang-isip na gawin iyon dahil nakasalalay din doon ang paglawak ng aming negosyo. Mahal kita, Alejandro. Ngunit simula pa lang ay talo na tayo. Kailanman ay hindi matatanggap ni Ama ang ating relasyon. Mas lalo lamang tayong mahihirapan. Mas lalo lamang lulubha ang sitwasyon kung pilit natin itong ipagpapatuloy."

Kapalit ng pagtanggap ni Ysabella sa pakikipag-isang dibdib kay Lorenzo ay ang pakikiusap nya na huwag nang ituloy ang pagkakasundo kay Ate Estella sa pamilyang taga-Maynila. Tinulungan nya ang dalawa na umamin sa kanilang sekretong pag-iibigan na nagawa namang tanggapin ni Don Joaquin.

Walang nagawa si Alejandro para mabago ang isip ni Ysabella. Kahit pa handa syang ipaglaban ito, batid nya na hindi sya nito sasamahan. Alam at ramdam man nya na nagmamahalan sila, mas naging matimbang ang pagmamahal nito sa pamilya.

A Vivir Mi Vida ContigoWhere stories live. Discover now