Kabanata 14: Hukuman

85 23 20
                                    

|| Erika's POV ||

Bigla akong napabangon sa kama nang makarinig ng sigawan mula sa labas. Rinig ko ang galit na boses ni Don Joaquin. Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Sumalubong sa akin si Ate Estella sa hagdanan at hinihingal sya.

"Anong nangyayari?"

"N-Nasa labas si Lorenzo!"

Para akong aatakihin sa puso. Agad akong tumakbo pababa at narinig kong sumunod na rin sya. Paglabas ng mansyon ay natanaw ko sila sa gate. Nakaluhod si Lorenzo sa harap ni Ama at nasa medyo malayo naman si Ina. Oh, no. Baka masaktan sya. Dali-dali akong tumakbo palapit.

"Dyan ka lang, Ysabella!" suway sa akin ni Ama.

"Y-Ysabella," sinubukang tumayo ni Lorenzo at lapitan ako pero bigla syang tinulak ni Ama at napahiga sya sa lupa.

"Tama na po!"

Pinigilan ako nila Ina at Ate Estella na lumapit pero hindi ako nagpaawat. Kumalas ako. Rinig ko ang pagtawag nila nang bigla akong tumakbo palapit kay Lorenzo at lumuhod sa tabi nya.

"Ysabella, umalis ka dyan!"

"H-Hayaan mo po akong makausap sya. P-Pakiusap, A-Ama."

Hinila ako ni Don Joaquin pero hindi ako nagpatinag. Sa huli ay binitawan na nya ako at tumingin sa akin ng seryoso.

Paglingon ko kay Lorenzo ay nakabangon na sya at nakabalik na sa pagkakaluhod. Hinawakan ko sya sa balikat. Umubo sya ng maraming beses dahil sa malakas na pagtama ng likod sa sahig. Nakakaawa syang tignan. Sobrang nakakadurog ng puso ang makita syang umiiyak.

Nagtama ang mga mata namin. Kita ko ang namuong saya sa mga ito pagkatapos ay gumuhit ang matipid na ngiti sa kanyang mga labi. Hindi dapat sya ang nakaluhod at nahihirapan. Wala syang kasalanan sa amin pero sya ang nagmamakaawa dahil sa ginawa ng kanyang ama.

"Tapusin mo na ang ugnayan sa lalaking iyan," madiing sabi ni Don Joaquin tyaka tumalikod sa amin.

Dismayado syang naglakad papunta sa mansyon. Nakatingin lang sa'kin sila Ina at Ate Estella. Mayamaya ay sumunod na rin sila kay Ama. Tumayo na ako at inilahad ang kamay kay Lorenzo.

Tumingala sya sa'kin habang patuloy pa rin sa pag-agos ang luha. Yumuko na ako para tulungan syang tumayo pero nagulat ako nang bigla nyang hawakan ang kamay ko at idikit sa kanyang mukha.

"Patawad, Ysabella. Nalaman ko ang g-ginawa sa'yo nila Ama at Marco. H-Hindi ko alam ang plano nila. Bigyan mo pa ako ng pagkakataon. Hindi ko kayang mawala ka. Mahal na mahal kita. P-Pakiusap," pagtangis nya.

Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha ko. Lumuhod ulit ako at niyakap sya. Ayaw ko syang saktan. Marami syang pangarap para sa kanila ni Ysabella pero wala na akong dahilan para ituloy pa ang kasal.

"Makinig ka sa akin, Lorenzo." Kumalas na ako sa yakap at hinarap sya. "Alam ko na mabuti kang tao at hindi mo ako magagawang saktan pati ang pamilya ko. Masaya ako dahil nakilala kita. At salamat dahil minahal mo ako. Mahal din kita... p-pero... h-hindi lang siguro talaga tayo para sa isa't isa."

Bigla nyang ipinulupot sa baywang ko ang mga braso nya at nakasubsob na umiyak sa tiyan ko. Ramdam ko ang unti-unting pagkabasa ng damit ko dahil sa luha nya.

Tumingin ako sa paligid at nanlaki ang mga mata ko nang makitang naglalakad si Alberto palapit sa lugar namin. Nagkatitigan kami. Hindi ko napansin kanina na nakaparada pala ang kalesa nya sa gilid. Marahil ay sya ang nagkwento kay Lorenzo tungkol sa nangyari.

"Halika na po, Ginoong Lorenzo." Sinubukan nyang patigilin si Lorenzo sa pangyayapos sa akin pero mas lalo lang nitong hinigpitan ang kapit.

"Pakasalan mo ako. Sabihin mo na gusto mo pa rin akong makasama. Pakiusap, Ysabella," sumamo nya habang nakasubsob pa rin ang mukha sa tyan ko.

A Vivir Mi Vida ContigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon