Kabanata 12: Panganib

95 23 28
                                    

|| Erika's POV ||

Agad kong iniwas ang tingin sa kanya. Hindi pwede na pati sya ay mahuli.

"Katulad ka rin ni Joaquin. Mga mayayabang!"

Hindi na ako nagsalita. Ramdam na ramdam ko ngayon ang hapdi sa pisngi ko dahil sa sampal ni Kapitan Felipe. Hindi ko akalain na mararanasan ko ito, kung ano ang mga nasusulat at pinag-aaralan patungkol sa kasaysayan. Sobra ang paghahari-harian ng ibang dayuhan sa bansang hindi kanila.

"Mukhang hindi na pala kita mapakikinabangan. Wala nang kasalang magaganap... ngunit hindi pa rin ako tapos," seryoso nyang sabi pagkatapos ay tumingin sa mga tauhan. "Kayo na ang bahala sa kanya. Siguraduhin ninyo na walang ebidensya na magtuturo sa akin. Kailangan ko nang makapag-isip ng panibagong plano."

Nanlaki ang mga mata ko. Tumalikod na sya at naglakad palayo. Sumunod na tumindig sa harap ko ang pamangkin nya. Nakangisi ito at malagkit na nakatitig sa akin. Ibinalik ko ang tingin kay Kapitan Felipe. Gusto kong sumigaw at humingi ng tawad pero halos kinain na ng kaba ang dibdib ko at kinakapos na ako ng hininga para makapagsalita.

"Huwag kang mag-alala, Binibini. Mabilis lang naming tatapusin ang iyong paghihirap," wika ng lalaki sa harapan ko o ni Marco at nagsenyas sa mga tauhan nya.

Dali-dali akong hinawakan sa magkabilang braso ng dalawang gwardya. Itinayo nila ako. Pilit akong nagpupumiglas pero higit na mas malalakas sila at mas lalo lang akong nasasaktan sa mahigpit nilang hawak. Lumapit sa akin si Marco at hinaplos ang mukha ko ng may pagnanasa. Napapikit ako kasabay ng mabilis na pagtulo ng luha ko.

"Bitawan nyo sya!"

Pagdilat ko ay nakatutok ang baril ng mga gwardya kay Rhys at sa bihag nyang kutsero. May hawak syang kutsilyo at may magkahalong galit at takot sa kanyang mga mata. Gusto kong tumakbo palapit sa kanya pero hawak pa rin nila ako.

"Umalis ka na!" sigaw ko.

Hindi nya ako pinakinggan. Patuloy syang nagmamatigas at naghihintay na pakawalan ako ng dalawang gwardya. Mayamaya ay biglang may nagpaputok ng baril. Tinamaan sa tyan ang bihag ni Rhys at mabilis itong bumagsak sa lupa. Gulat akong napatingin sa taong bumaril dito.

"Hindi mo naman sinabi na mayroon ka palang kasama, Ysabella," natatawang wika ni Kapitan Felipe.

Hindi ako makapaniwala na nagawa nyang patayin ang tauhan nya. Takot na takot ang mukha ni Alberto habang pinanunuod ang paghihingalo ng kanyang kasama. Agad na lumapit kay Rhys ang tatlong lalaki at ipinukpok sa ulo nya ang hawak na baril.

"'Wag!"

Napaluhod sya sa lupa. Binitawan na ako ng mga gwardya at hinayaang tumakbo papunta sa kanya. Hindi sya makatingin sa akin at nakapikit lang. Nakahawak sya sa noo at para akong aatakihin sa puso nang makitang may tumulong dugo rito.

"P-Pakawalan nyo na sya. A-Ako na lang." Isa-isa akong nakiusap sa mga lalaking nakapalibot sa amin habang nakayakap sa kanya.

"Hindi," nanghihinang sabi ni Rhys at hinawakan ang kamay ko.

"Mahalaga sa'yo ang lalaking 'yan. Sino sya? Kalaguyo mo?"

Nilingon ko si Kapitan Felipe na nakalapit na pala. Walang awa sa mga mata nya habang pinagmamasdan kami. Hindi pwedeng madamay si Rhys dito. Dali-dali akong lumuhod sa harap nya at ibinaba ang ulo ko sa lupa.

"P-Pakiusap. Pakawalan nyo sya. Itutuloy ko ang kasal kay Lorenzo. Mangyayari kung ano man ang gusto mong mangyari. Pakawalan nyo lang sya."

"'Wag mong g-gawin 'yan." Napadapa na si Rhys para abutin ako at pigilan.

A Vivir Mi Vida ContigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon