Kabanata 4: Paglayo

180 26 109
                                    

|| Erika's POV ||

Nakaupo kami ngayon sa salas ng bahay ng mga Tangonan. Hindi nila maialis ang tingin sa mukha ko. Ilang minuto kaming tahimik. Para namang hindi sila galit pero hindi rin sila nasisiyahan.

"Maaari nyo bang sabihin kung bakit magkasama kayong dalawa?" Sa wakas ay nagsalita na si Tita Laura.

"Umm, may kailangan lang po kaming pag-usapan."

"Alam ba ng iyong mga magulang na nandito ka?"

"Umm..." Dahan-dahan akong umiling. "P-Pero alam po nila ang pag-alis ko."

"Ysabella." Hinawakan ni Tita Laura ang kamay ko at pinatungan ng isa nya pang kamay. "Alam namin na nagmamahalan kayo ni Alejandro. Pero iba na ang sitwasyon ngayon. Nakatakda ka nang ikasal, hindi ba? Hindi na kayo maaring makitang magkasama katulad nito. Maintindihan mo sana, Ysabella. Ayaw kong umabot sa punto na mapapahamak ang aming anak. Siya lamang ang mayroon kami."

Nagkatinginan kami ni Rhys na nakaupo sa tapat ko. Mukhang hindi na nga dapat kami magkita pa sa panahong ito para hindi na magulo ang lahat.

"Nauunawaan ko po. Nandito po ako... para magpaalam."

* * *

Mag-isa akong bumalik ng Ciudad Sagrada. As expected, lahat sila ay nakaabang sa pagbabalik ko. Unang nakakita sa akin si Ate Estella dahil nasa labas sya ng mansyon. Tumakbo agad sya para salubungin ako.

"Saan ka ba nanggaling, Ysabella? Wala kang sinabi kung saan ka pupunta."

"Ysabella!" biglang sigaw ni Don Joaquin, nasa likod nya si Ina at mga Suarez.

Lahat sila ay papunta na rito. Pagkalapit nila ay akma akong sasampalin ni Don Joaquin pero biglang pumagitna si Lorenzo at pinigilan ang kamay nya.

"Tama na po."

"Lorenzo!" suway sa kanya ni Kapitan Felipe.

Yumuko sya at dahan-dahan nang umalis sa pagitan namin ni Don Joaquin. Hindi na nagbanta pang manampal si Ama at inayos na lang ang coat nya.

"Sabihin mo kung saan ka nagpunta," kalmado nyang sabi pero halata ang tensyon sa loob.

Napatingin ako kay Lorenzo. Nag-aalala ang mukha nya at nakatitig sa akin. Siguradong nahirapan syang sabihin sa kanila nang umalis ako.

"M-May nakalimutan lang po akong bilhin sa pamilihan kahapon." Ipinakita ko sa kanila ang bayong na hawak ko na may lamang mga okra na ibinigay sa akin ni Tita Laura.

"Ano namang gagawin mo sa mga gulay na iyan?"

Tumingin ako kay Ate Estella. Balak ko syang idawit sa palusot ko at alam ko namang sasakyan nya ako.

"Napag-usapan po kasi namin ni Ate na m-magluluto kami ng sinigang. Mas masarap po iyon kapag may... okra." Pinagtaklob ko ang mga labi.

Napahawak sa dibdib si Ate sa gulat. Lumingon silang lahat sa kanya kaya sya naman ang nasasakdal. Ilang segundo kaming nagtitigan ng makahulugan.

"Ahh, o-opo. Magluluto kami. Mabuti na lamang at bumili ka, Ysabella."

Gusto kong matawa pero hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako. Mabuti na lang talaga dahil naisip ito ni Rhys.

"O sya. Mamayang hapunan ay kayo ang magluluto ng putahe." Pinaglipat ni Don Joaquin ang tingin sa amin ni Ate Estella bago tumalikod at naglakad na pabalik sa mansyon. Sumunod naman sa kanya ang mag-asawang Suarez.

"Halika na, Ysabella. Huwag mo nang uulitin ang iyong ginawa. Nag-alala kami," itirada ni Donya Eleanor sabay kapit sa braso ko.

"P-Patawad po, Ina."

A Vivir Mi Vida ContigoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon