Chapter 03

349K 14.3K 6.3K
                                    

#RTG03 Chapter 03

Sean's sem ended earlier than mine kahit na mas maaga namang nagstart ang sem ng College of Law. Sobrang unfair. Kaya naman wala na siyang ginagawa ngayon at nandito siya sa college ko habang pinapanood akong magcram ng last minute digests. 'Di ko nga alam bakit kailangan pang magpasa nito, e! Akala ko tapos na ako dito last year since review year na lang naman dapat ang 4th year.

"Stop watching me," I told him dahil naiilang ako. I didn't even have any makeup on dahil sobrang nagmamadali akong pumunta sa school kanina. Halos wala pa akong tulog dahil ang dami kong kailangang habuling idigest.

"Sob," narinig kong pagtawag sa akin. Napa-tingin agad ako sa harap at nakita ko si Clary na naka-ngisi sa akin. She was with our other sisters na hindi ko kilala—most probably iyong mga lower years. 'Di na ako masyadong nakaka-sama sa kanila dahil sa sobrang busy sa class tapos lumalandi pa ako kay Sean. No time for sorority muna ako.

I rolled my eyes.

"Sean, Clary," I said and then introduced them vice versa.

I let Clary make Sean's ears bleed sa dami ng sinasabi niya. Basta ako, focused lang sa pagsusulat. Sampu na lang naman at matatapos na ako rito! Ni hindi ko na nga maintindihan iyong siunusulat ko, e! Basta mahalaga, maka-tapos ako!

I couldn't wait for freedom!

While I was writing, I still heard how Clary was trying to invite Sean in one of our sorority parties. Narinig ko rin kung paano umoo si Sean. I didn't know if he's just really nice o kung mahilig ba talaga siyang pumarty. Kasi sa mahigit dalawang buwan na nakasama ko siya, not once niya naman ako inayang pumarty... O baka naman 'di niya lang ako inaaya since palagi kong sinasabi sa kanya na priority ko mag-aral?

Anyway, bahala pa rin siya.

Nakatatak na sa utak ko na whatever this was, it's just for fun.

"Oh, bye," I said when I felt Clary kissing my cheek. She reminded me pa na umattend ako sa meeting mamayang gabi. As if. Antok na antok na kaya ako! Palibasa sila nagbabayad lang para sa digest, e. Ang mahal kaya. 30 pesos per digest e nasa 300 iyong digest sa CivRev. Sayang pera. Ito namang mga tiga-Brent sige lang sa paglabas ng pera kaya kumikitang kabuhayan iyong mga nasa labas, e.

"What food do you want?" Sean asked.

"What? Matatapos na ko," I said. "Last 3 digest."

"That's gonna take at least 30 minutes," he replied. "I'm gonna go to the caf first. What do you want?"

My eyes were still on my paper as I shrugged. "Just water," I replied and even if I wasn't looking at him, it's as if I could see the disapproval on his face. Ano'ng magagawa ko e nauuhaw lang ako?

And I was pretty sure na babalik si Sean dito na may dalang kung ano'ng pagkain. Ganon lagi ganap namin sa coffee shop, e. Coffee lang order ko tapos dadating sa akin na may kasamang cake, bread, or pasta.

Thankfully, maigsi na lang pala iyong last 2 digests ko kaya mabilis na rin akong natapos. I quickly compiled them and then counted the digests again just to be sure na kumpleto 'yun. Malaki talaga ang paniniwala ko na hindi naman 'to chine-check and most probably, binibilang lang ng assistant ng prof kung complete iyong digest. Asa namang babasahin nila! Mas tumibay ang paniniwala ko nung gago si Nikolai, nagpasa ba naman ng digest pero ang nakalagay lyrics ng kanta! So far, pasado pa rin si gago.

Kaya bakit ba ako mag-e-effort nang todo?

When I was finished counting, sakto na nakita kong napadaan si Sancho.

"Sancho!" I loudly called dahil may headphone na nakalagay sa tenga niya. He's always walking around with a headphone on his head. Iyon yata ang sikreto niya sa verbatim recitations niya sa class.

Reclaim The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon