Chapter 37

244K 11.4K 12.7K
                                    

#RTG37 Chapter 37

"What? Isobel, hija... What is he saying? He's the father? Paano si Sean?" sunud-sunod na tanong niya. Bigla akong napa-tingin kay Kelsey na walang kahit na anong reaksyon sa mukha. At nang magtama ang mga mata namin, agad siyang nag-iwas.

"Tita, let's just leave—"

"No," Tita Shirley replied, cutting Kelsey off. Nanatiling sa akin ang mga mata niya. "Isobel, ano'ng sinasabi niya na siya ang ama ng anak mo? How did that happen? Paano si Sean? Ano'ng nangyayari?"

Hindi ako maka-galaw.

Hindi ako maka-sagot.

"Isobel? Are you just gonna stay silent? Ano'ng nangyayari?! Alam ba ni Sean 'to?!"

I felt the air getting knocked out of my chest. Nakita kong naka-tingin sa akin si Sancho.

"I respectfully ask you to discuss this with your son," mabilis niyang sagot bago abutin ang kamay ko at magsimulang maglakad palayo roon.

Hindi ako maka-hinga.

I felt like this was just the beginning...

Hanggang sa maka-rating kami sa condo ay hindi ako mapa-kali. Pakiramdam ko ay anumang oras ay kokontakin ako ni Sean. Para akong masisiraan ng ulo. Para akong masusuka sa sobrang kaba.

"Can you please leave?" tanong ko kay Sancho nang sundan niya ako sa loob ng condo. I just wanted to be alone... I needed to gather my thoughts. Parang nakikita ko na ang magiging reaction ni Sean kapag nalaman niya iyong tungkol sa pagbubuntis ko.

"Lyana—"

"I'm not mad, okay? I just want to be alone and think," I replied, cutting him off.

Ayokong magalit dahil inunahan niya akong sabihin.

I didn't want to be mad because of the little things.

I had bigger problems that needed to be addressed.

Tumango si Sancho. "If you need anything—"

"I'll call you," mabilis kong sagot.

Ni hindi ako lumingon sa kanya. Tanging narinig ko lang ang pagsara ng pinto. Mabilis kong niyakap ang mga binti ko at sinandal ang ulo ko sa tuhod ko.

"Magiging okay din tayo..." mahina kong bulong sa kawalan. "Hindi naman nagpa-practice sina Cha at Katherine, pero mukhang masaya sila... Magiging okay din ako..."

Hindi ko alam kung ilang beses kong paulit-ulit na sinabi iyon na parang kinukumbinsi ko ang sarili ko na maniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig ko.

Nang magising ako ay agad kong naramdaman ang sakit sa katawan ko dahil naka-tulog ako na ganoon ang posisyon. Agad akong naghanda para pumasok sa trabaho. Nang maka-tapos ako ay nakita ko na may text galing kay Sancho.

"Good morning," bati niya nang pagbuksan ko siya ng pinto.

Tipid akong ngumiti. "Good morning."

Tinanggap ko iyong dala niyang paper bag. Kumuha ako ng mga plato at naghain. Ramdam ko na pinapanood niya ang bawat paggalaw ko.

"I'm sorry for butting in—"

"It's okay," sagot ko.

I didn't want to dwell on the bad parts... I was starting to practice looking at the positive side of the things. Dahil sinabi na ni Sancho, at least, hindi ko na po-problemahin pa kung paano sasabihin kay Sean. Iyon na lang ang iisipin ko.

"What's the plan, Lyana?" tanong niya.

"Disbarment. Annulment. Move to Isabela."

Hindi siya nagsalita.

Reclaim The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon