Chapter 22

263K 13K 15.4K
                                    

#RTG22 Chapter 22

Napa-tigil ako sa paglalakad ko nang makita kong kausap ni Sancho si Nanay. Gusto kong lumapit kaya lang ay mas lumamang ang pagtataka ko... Magkakilala nga kaya kami? Siguro? Kasi bakit naman siya mapupunta rito? At bakit niya kakausapin si Nanay?

Ang seryoso naman nilang mag-usap...

"Hey," biglang sabi ni Sancho nang makita niya akong naka-tingin sa kanila. Ngumiti ako sandali. Tumingin ako kay Nanay na mukhang tinakasan ng kulay ang mukha.

Nako, ha! Sinabi ba ni Sancho na binabawi niya na iyong sinabi niya na aayusin niya iyong sa lupa?! Hindi niya na pwedeng bawiin kasi nasabi ko na kina Nanay! Kaya wala na akong pakielam nung pinagalitan ako nung hapon na ako naka-uwi kahit sabi ko sa kapitbahay lang ako pupunta... Ang mahalaga, naipaglaban ko iyong karapatan namin!

"Bakit ka nandito?" agad na tanong ko. Napansin ko na naka-tingin sa akin si Nanay. Maputla pa rin iyong mukha niya. "Nay, ayos lang ba kayo?"

Imbes na sa akin tumingin ay kay Sancho siya tumingin. Walangya talagang mayaman! Talaga bang pumunta siya rito para bawiin iyong sinabi niya?! Walang isang salita! Nagtiwala pa naman ako!

"Hey, let's talk," muling sabi sa 'kin ni Sancho.

"Talk mo mukha mo! Pumunta ka pa rito para bawiin iyong sa lupa?" galit na tanong ko. Kung tutuusin, wala lang naman sa kanila kung babayaran nila kami ng tama! Talagang sakim lang sa pera! Mayaman na nga, gusto pa lalong magpayaman! Kaya walang natitira para sa mga mahihirap na gaya namin!

"What? No," sagot niya. "Inaayos na iyong sa lupa niyo."

"Talaga?"

"Yeah... So, can we now talk?"

Tumingin ako kay Nanay. Si Nanay, tumingin kay Sancho. Si Sancho, naka-tingin lang kay Nanay.

"S-Sige... Ako'y magluluto muna..." sabi ni Nanay kaya naman napa-kunot ako dahil masyado pang maaga para magluto ng tanghalian. Kakatapos lang namin mag-umagahan, e...

Ibinalik ko na lang iyong atensyon ko kay Sancho.

"Ano'ng kailangan mo?" tanong ko sa kanya.

"I just wanna talk."

"Ano'ng gusto mong pag-usapan?"

Nagkibit-balikat siya. "What do you usually do around here?" tanong niya sabay palibot ng tingin sa lugar namin. Iyong kapitbahay namin, medyo malayo pa talaga... Nasa gitna nga kami ng kawalan, e. Minsan, pakiramdam ko mababaliw na ako. Minsan nga kinakausap ko na iyong mga alaga naming kambing, e.

"Tumutulong lang kina Nanay..." sagot ko.

"Wala ka talagang maalala?"

"Wala. Kaya nga kung kaibigan talaga kita gaya ng sabi mo, kwentuhan mo na lang ako."

Hindi nagsalita si Sancho. Naupo siya roon sa naka-tumbang kahoy. Ayoko namang maupo sa tabi niya. Para kasing... parang ang taas niyang masyadong tao. Galing siya sa pamilya ng mga Cantavieja—iyong pinaka-mayaman dito sa Isabela sabi nila Nanay... Tapos iyan pang mukha niya, ang gwapo-gwapo.

Kahit nagbabasa ako ng pocketbook, ayoko naman mag-ilusyon.

"Pano pala tayo naging magkaibigan?" tanong ko sa kanya. "Mayaman ka, e... Paano tayo nagka-kilala?"

Pareho ba kami ng school nung nasa Maynila ako? Pero sigurado ako sa mamahaling school siya nag-aral... Scholar ba ako roon? Ibig sabihin matalino talaga ako? Mahirap maging scholar, e.

Ang dami kong gustong malaman. Sana sagutin niya lahat.

"Same school," sagot niya.

"Talaga?! Saan akong school nag-aral?"

Reclaim The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon