Chapter 29

242K 11K 6.8K
                                    

#RTG29 Chapter 29

"Join us!" Katherine said, pulling me with her.

Pumunta ako sa birthday ng anak ni Katherine at Jax. Dapat ay kasama ko ngayon si Sean kaya lang ay napag-alaman ko na ngayon din pala ang binyag ni Sammie... Tinanong naman ako ni Sean kung gusto kong pumunta roon, kaya lang ay naisip ko na baka maka-gulo lang ako roon...

Kaya naman nandito ako sa bahay nila Katherine...

Parang OP pa rin ako. Puro sila mag-asawa.

Nagsimula silang magkantahan. Sina Rory, Katherine, Anj, at Joey lang ang kumakanta. Si Cha lang iyong tahimik sa tabi ko. Pareho kaming nanonood lang sa lahat ng nangyayari sa paligid namin.

"Atty. Laurel, kanta ka!" Rory called.

Atty. Laurel talaga ang tawag niya sa akin kahit na ilang beses kong sabihin sa kanya na Lyana na lang. Sabi niya ay nasanay na raw siya na ganoon ang tawag niya sa akin. Nakaka-hiya nga dahil kahit pa sabihin niya na boss niya ako noon, mas mataas naman na ang posisyon niya sa akin ngayon. Sabi sa akin ni Yago, si Rory daw ang pumalit sa posisyon ko nung mawala ako sa firm.

Ayokong mainggit dahil masama iyon... pero hindi ko maiwasang isipin na baka iyon sana ang buhay ko kung hindi ako nawala...

"Next song, ikaw na, ha!" Rory said, smiling at me nang umiling ako nang iabot niya sa akin iyong mic.

Tumayo muna ako at saka pumunta sa labas. Parang mali rin na dito ako pumunta. Siguro dapat ay pinuntahan ko na lang si Irina—kaso ay baka tanungin niya naman ako tungkol kay Sancho. Ayoko munang isipin si Sancho habang may problema pa ako kay Sean.

"Are you okay?"

Agad akong napa-tingin. "Ah... Okay lang," sagot ko kay Cha.

"If you wanna talk... Jax is actually a great listener."

Bahagya akong natawa. Si Jax talaga ang vinolunteer.

"I know we're not really close, pero sa firm ka na rin naman nagta-trabaho, so might as well be friends," sabi niya habang nagkikibit-balikat.

Ngumiti ako. "Thank you. Kinu-kwento ka ni Iñigo palagi."

Tipid siyang ngumiti. Ang tahimik naman nito. Kabaliktaran siya ng asawa niya.

Tahimik lang kaming dalawa nang bigla kaming mapa-tingin sa labas. Parang bigla silang naglaro doon tapos magkaka-partner iyong mga mag-asawa.

Ang saya...

Gusto ko ring maging masaya...

Sasaya ba ako sa trabaho lang?

"You look like you really wanna talk. Gusto mo bang tawagin ko si Jax?" tanong niya sa akin.

Umiling ako. "Ha? 'Wag na. Baka umalis na rin ako..."

Baka kailangan kong pumunta kay Sean. Asawa ko pa rin naman siya. I really needed to try to work things out with him... Ang hirap pero kailangan talaga naming subukan...

Pero kung hindi talaga...

Kailangan ding tapusin.

* * *

Nagpaalam muna ako sa kanila bago ako umalis. Ang saya talaga nilang tignan habang magkakasama silang mag-aasawa... Hindi kasi kami ganoon ni Sean. Ang layu-layo namin sa ganoon...

"Pano ka aalis?" Yago asked.

"Kukuha na lang ako ng Grab."

"Saan ka ba? Hatid na lang kita," he offered.

Reclaim The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon