Chapter 13

249K 10.4K 5.7K
                                    

#RTG13 Chapter 13

"Someone seems to be in a good mood," Sean said nang maka-pasok ako sa condo namin. I placed my bag on the chair at agad akong lumapit sa kanya. I wrapped my arms around his neck and kissed him. "What happened today?" he asked.

Sean and I had been married for more than a year already... And it's been great so far. Our system worked—we could be as busy as we wanted during the weekdays, but during weekends? That's for us only. Wala dapat na trabaho...

"Atty. Gulmatico called me to his office today."

Sean frowned. "Why?"

I laughed. "He's a harmless old man," I told him. Kasi nga sumasama ako kay Sean kapag pumupunta siya sa Wack Wack kaya kilala niya na rin si Atty. Hindi siya big fan, to say the least. Tama nga kasi si Sancho na mahilig si Atty sa mga beauty queens... At sabihin na natin na pasok siguro ako sa requirements doon. Kasi nga second plan ko talaga 'yang modeling o pageant kung tinamad akong maglaw school.

"Still."

"Anyway," I said, not wanting to focus on that topic. "He asked me if I'm interested on being a midlevel associate," I continued. Naka-kunot ang noo ni Sean. "That means I'll handle my own team!"

Sean's face lightened up. "That's good!"

I vigorously nodded. "I know!" sabi ko kasi totoo naman na napagod talaga ako sa pagta-trabaho doon. Gabi na ako umuuwi palagi. Syempre, hindi lang naman ako nakikipagclose sa mga partners... Sinasamahan ko rin ng trabaho. Alam ko naman na maiissue ako sa office dahil mabilis iyong pagkaka-promote ko... I made sure na lang na sinasabayan ko ng trabaho para wala silang masabi.

"Does that mean you'll be able to go home earlier?" he asked.

"Why?" tanong ko. Ngayon lang kasi nabanggit sa akin ni Sean 'tong topic na 'to. Ang usual na uwi ko kasi ay 8pm na... Minsan umaabot ng 10pm pero madalang naman.

He shrugged. "It'd be nice to have dinner with my wife."

I nodded. "I think..." I said, although 'di ko rin talaga sure kasi si Atty. Yuchengco naman kahit medyo mataas na ang posisyon, parang late pa rin namang umuuwi... Para ngang mas mataas ang posisyon mo, mas late kang uuwi kasi mas managerial na iyong status mo. Unless partner ka na talaga sa firm.

Pero ayokong pag-usapan namin ngayon kasi masaya lang ako. I wanted to celebrate tonight.

"Let's go out?" I asked Sean.

"Now?" tanong niya. "It's 10 already."

"Pretty sure there are lots of places still open," sabi ko sa kanya sabay hatak patayo.

Sean groaned, but nonetheless complied. Nakapagpalit na si Sean, pero decent naman iyong suot niya. He was wearing a light brown cargo shorts and white shirt habang ako, naka-corporate attire pa. Naglakad lang kami sa Makati habang naghahanap ng makakainan. Para kaming nagthrowback bigla sa mga panahon nung nagde-date pa lang kami kasi ganito kami noon, e... Lakad lang sa Makati habang naghahanap ng resto... Tapos nag-uusap kami tungkol sa BAR exam ko o kaya sa duty niya sa hospital na hindi ko pa rin maintindihan hanggang ngayon.

Habang naglalakad kami, bigla kaming natigilan dahil nakita namin si Mommy Shirley—she insisted I call her that. She was with—ano nga'ng pangalan ulit nun?

"Mom!" Sean called kaya napa-tingin sa side namin si Mommy Shirley.

Her face lightened up. Agad siyang lumapit sa amin. Sobrang bait talaga ng nanay ni Sean. Siya pa nga ang nagpakilala sa akin kay Atty. Gulmatico, e. Maliit talaga ang mundo ng mayayaman... Magkaka-kilala silang lahat, e.

Reclaim The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon