Chapter 42

252K 12.2K 11.7K
                                    

#RTG42 Chapter 42

"Atty. Laurel!" Rory shouted—excitement was very evident in her voice. Hindi ako naka-galaw agad ko nakapagsalita. They're all here... and it looked like nadagdagan pa sila.

"Hi..." bati ko sa kanila. "Bakit kayo nandito?"

"Anniv ng firm," Cha replied. She, then, looked at Sandro who looked so clueless beside me. But even then, he was holding my arm na para bang sinasabi niya na kung aawayin ako ng mga nasa harap ko, backup ko siya.

Sirang-sira talaga ang Pilipinas para sa kanya.

"Sandro, say hi," sabi ko sa anak ko.

"Hi," tipid niyang sabi. Ang suplado talaga.

Tumingin ako sa kanila. Nakita kong naka-tingin lang sa amin sina Jax, Yago, Rory, Cha, Katherine, at may iba pa silang kasama. Mukhang lumalaki na talaga ang firm... I never doubted them. They're really good at what they're doing. And they're very passionate about it.

May steady supply na kaya sila ng papel? Nakaka-tuwang isipin. Ang tagal na rin pala talaga. Nasa mas malaking lugar na kaya sila? Hindi na siguro sila kasya sa office dati... Mas marami na sila, e.

"Are you back for good?" Rory asked.

Humigpit ang hawak ni Sandro sa braso ko. I smiled at Rory. "No... May kailangan lang kaming asikasuhin."

If my son didn't want to live in the Philippines, hindi kami titira dito. I just wanted him to live a quiet life. Kung sa Seattle nga na hindi pa namin kilala lahat ng naka-tira, nasasabihan ang anak ko ng kung anu-ano, paano pa rito sa Pilipinas? They'd forever look at my son like he's the one who committed the sin kahit wala naman siyang kasalanan.

"Until when are you here? Let's have lunch or dinner," Katherine offered.

"Sure," mabilis kong sagot na naging dahilan para humigpit ang hawak sa akin ni Sandro. But I really wanted to catch up with them. We lost communication over the years. I felt bad for not being able to reply... Nangangamusta sila dati, pero hindi ako nakaka-sagot. It was such a chaotic time back then. May alaga akong baby tapos namatay si Papa... Tapos si Mama... Tapos umalis si Irina... Kinailangan kong magtrabaho... Wala na akong oras para mag-isip pa ng kung ano. My mind was only focused on survival and nothing more.

"Do you have a number so I can text you the address?" Katherine asked.

"Ah... Wala pa, e," sagot ko. "Doon pa rin ba sa dating bahay niyo?"

"No... We moved to a different house," she answered. "Dito ba sa hotel kayo? Papa-sundo ko na lang kayo."

Tumango na lang ako kahit si Sandro nagpaparamdam na na umalis kami. Katherine made plans already. Hindi pa rin nagbabago. When she learned na aalis na rin kami sa isang araw para pumunta sa Isabela, she said na bukas na agad iyong lunch sa kanila.

"See you tomorrow, ha!" she said, smiling at me and Sandro. "So gwapo..." sabi niya habang naka-ngiti kay Sandro na naka-kunot lang ang noo.

Nang maka-alis sila, nakita ko na naka-simangot si Sandro sa akin.

"What?"

"Are we really going?"

"Yes. And please don't frown tomorrow. They're my friends."

"Really?"

I pinched his cheek. "Yes, your Highness. It's surprising, but I have friends here in the Philippines," sabi ko sa kanya. Mabuti na siguro talaga na pumunta kami bukas para naman mabawasan na ang pagdududa ng anak ko. Pakiramdam niya ata e impyerno 'tong Pilipinas... Lahat na lang pinagdududahan.

Reclaim The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon