Chapter 39

237K 11.6K 13.2K
                                    

#RTG39 Chapter 39

Naka-ayos na lahat ng kailangan namin para sa pag-alis namin. Nasa hotel kami ngayon dahil tanghali ang flight namin at marami kaming dala. Mas pinili nila Mama na sa Maynila na kami magstay para hindi kami ma-late. Masyado raw traffic sa Maynila.

Nagsisimula na iyong hearing, pero hindi ako umattend. Sina Sean na lang daw ang bahala roon. Sasabihan na lang daw nila ako kapag final na iyong desisyon. Wala akong sinabi... kasi parang wala naman akong choice pa. Kahit ano ang gawin ko, may sinasabi sila.

Hindi ako maka-tulog.

Tahimik akong lumabas.

"San ka pupunta, Ate?" tanong ni Irina nang makita ko siyang naka-upo sa upuan sa gilid ng elevator.

"Magpapa-hangin lang."

"Sigurado ka, Ate? Baka kung saan ka pumunta."

"Galit ka ba sa 'kin?" diretso kong tanong sa kanya.

"Ayokong magalit sa 'yo, Ate, kasi iniintindi ko naman kung bakit ka nagkaka-ganyan... Pero ang hirap hindi magalit sa mga nakikita ko. Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin na makita si Mama na nagmamakaawa? Si Papa? Alam mong sobrang proud na tao ni Papa..." Huminto siya. "Sobrang sakit sa 'kin na makita silang naka-luhod... Para sa 'yo... Tapos ni hindi ko man lang makita na nagsisisi ka sa ginawa mo."

Mapakla akong napa-tawa.

"Hindi ako nagsisisi? Kailangan ba lumuhod din ako sa harap niyo, ha, Irina? Akala mo ba hindi ako nahihirapan?"

"Bakit kasi hindi mo ginagamit 'yang utak mo, Ate? Lagi mo sa akin dating sinasabi na utak bago puso... Naaksidente ka lang, naging bobo ka na ba? Ha? Mahal mo si Kuya Sancho? E 'di sige. Pero bakit hindi na lang kayo naghintay ng annulment? Bakit kailangan mong magkaroon ng kabit? Ng anak sa labas? 'Wag mong idahilan sa 'kin na mahal mo kasi may utak ka naman. 'Di ka naman bobo."

Unti-unting sumisikip iyong dibdib ko sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

"Ngayon, kailangan nating umalis... Iwan lahat ng pinaghirapan natin dito... Iyong mga kaibigan... Kamag-anak... Iyong farm na binili nila Papa para sana doon na sila magstay nila Mama kasi gusto nilang mag-alaga ng mga halaman at manok... Wala na lahat 'yun... Dahil sa 'yo... Pero okay lang... Pamilya ka naman, e... Pero bakit ni hindi ka man lang magsorry sa amin?

"Sorry, Mama... Sorry, Papa... Sorry, Irina... Lahat ng plano niyo nabago dahil sa akin... Iyon lang naman... Para kasing ang hirap naman nito... Ni hindi ka man lang sorry sa mga gulong ginawa mo... Para kang bata..."

Mabilis siyang tumayo.

"Kung pupunta ka kay Kuya Sancho ngayon, 'wag ka ng bumalik. Magsama kayong dalawa."

Naiwan akong naka-tulala roon.

Mabilis na pumatak ang luha sa mga mata.

* * *

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko, pero sumakay ako ng taxi at nagpa-hatid sa ospital nila Sean. Hindi ko pa siya nakikita ulit... Ang huling pagkikita namin, nung na-ospital pa si Mama. Ang dami ng nangyari.

Aalis na ako.

Tama si Irina.

Gusto kong humingi ng tawad bago ako umalis.

Tahimik akong naglakad sa hallway ng ospital nila. Napapa-tingin sa akin iyong ibang nurse. Kilala siguro nila ako. Mawawala na rin naman ako... Gusto ko lang umalis ng nasabi ko lahat.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na naglalakad bago ko nakita iyong pangalan ni Sean sa isang pinto. Nakita ko na may ilaw sa loob. Nandun siguro siya. Pero hindi agad ako maka-katok sa pinto. Ilang beses akong humugot ng malalim na hininga bago ako naka-hanap ng sapat na lakas ng loob para kumatok.

Reclaim The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon