Chapter 44

266K 13K 5.2K
                                    

#RTG44 Chapter 44

"Sancho—"

"Mom!"

Agad na pinunasan niya iyong luha sa paligid ng mga mata niya at humarap sa anak niya na may ngiti sa labi. What the hell happened to him? He seemed so different from the Sancho I knew years ago...

"Why did you just leave me there?" tanong ni Sandro sa akin, pero hindi ako makapagsalita dahil sa pagka-bigla sa nangyari sa harapan ko. Sancho just cried in front of me... I didn't think I'd ever saw him cry before...

Ano'ng nangyari sa sampung taon na hindi kami nagkita?

Why did he feel so broken?

"Tapos niyo ng pakainin iyong mga kabayo?" tanong ni Sancho sa anak niya.

"Yes. Did you cry?"

"What? No."

"Liar."

Agad na umawang ang labi ni Sancho dahil sa sinabi ng anak niya. I immediately pulled Sandro's arm and told him to apologize.

"Sorry," labag sa loob na sabi niya. "I just hate it when people lie to me."

Pilit na ngumiti si Sancho. "Okay," sabi niya. "There was water in my eyes."

"Whatever," sabi ni Sandro. "Can I ride the horse? They said I should ask for your permission first."

Sancho looked at me. I just nodded. Alam ko naman na hindi siya papayag kung hindi safe iyong pagsakay... Isa pa, kailangan pa naming tapusin iyong pinag-uusapan namin.

Pinanood ko lang sila habang sabay silang naglakad pabalik ng kwadra. Sandro wasn't asking questions kagaya ng kanina. He was just quietly walking beside his father.

They really needed to talk.

And Sancho needed to tell him everything. Ayaw ni Sandro ng nagsisinungaling sa kanya. Kaya nga hindi ako nagsisinungaling sa kanya. I was really going to tell him everything, pero naunahan niya ako nang basahin niya iyong administrative case tungkol sa disbarment ko. Hindi ko alam kung paano niya naintindihan 'yun. Iba na talaga ang mga bata ngayon.

I quietly watched as Sancho helped Sandro mount the horse. Naka-hawak siya roon sa tali. Sinasabihan niya si Sandro ng mga kailangan niyang gawin.

I quietly walked behind them.

This was nice.

Naglakad-lakad lang sila at sinagot lang ni Sancho iyong mga tanong ni Sandro tungkol sa mga nakikita niya sa hacienda. He was really amazed with all the crops planted at sa mga trabahador. I felt like he was starting to see Sancho as a real person and not just as someone he knew as his father but never really heard anything from him.

Nang maka-balik kami sa kwadra, balak ko na sanang sabihin kay Sancho na kailangan naming mag-usap, kaya lang ay naunahan ako ni Sandro na na-excite nang makita na mayroong veterinarian doon at mukhang manganganak iyong isang kabayo.

"Mom..." sabi niya habang naka-tingin sa akin. "Can we stay? I just really wanna see this..."

I looked at Sancho.

"Okay," sabi ko. I didn't want him to know na gusto ko pa talagang magstay dahil kailangan ko pang maka-usap si Sancho. But the way Sandro wanted to pretend that he wasn't enjoying his stay here made it worth my while.

Sandro ran back and asked the veterinarian a million question. Napa-tingin akong muli kay Sancho.

"Hindi ka pa kumakain," sabi niya.

Reclaim The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon