Chapter 2 (Encounter)

10.2K 546 46
                                    

Adrian's POV

   Nagising ako sa pamamagitan ng pagyuguog sakin. Kaya minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Ken-nii na nakangiti.

   "Lunch is already prepared, come join me" panggigising nito sa akin at lumabas na ng kwarto ko.

   Kaya bumangon na ako at inayos ang kamang hinigaan ko bago lumabas at sumunod kay Ken-nii.

   Naabutan ko siyang nakaupo na, ako nalang atah ang hinihintay kaya umupo na ako sa kaharap niyang upuan.

   "Pasensya ka na sa pagkain, hindi kasi ako makalabas dito sa dorm dahil heat cycle ko" paumanhin nito at nagsimula nang kumain.

   Nagsimula na rin ako, "Ayos lang po, naiintindihan ko"

   "As thank you sa pagtulong mo sa akin kanina, ililibot kita sa buong Campus" nakangiti niyang pahayag.

   Ngumiti din ako. "Salamat po Ken-nii"

   Pagkatapos namin kumain, pinaligo na ako ni Ken-nii para mailibot niya na ako sa buong Campus.

   Syempre dahil excited na akong maglibot, naligo na ako. Pagkatapos magbihis lumabas na ako sa kwarto ko at naabutan ko si Ken-nii na nakasandal sa hamba ng pinto.

   "So Let's go" aya niya kaya umalis na kami sa dorm building.

   Inilibot niya ako, itinuro niya sa akin ang building ng mga senior at college students. Pinakita ang garden, cafeteria at hall ng Campus.

   "Kuya, yung building na yon, ano po yun?" Tanong ko habang nakaturo sa isang building na hindi niya pa nasasabi sa akin.

   "Building yan ng part ng Student Counsil" sagot niya kaya tumango tango ako.

   Naglakad pa kami hanggang sa mapadpad kami sa isang malaking puno. Nang tignan ko ang paligid medyo malayo na pala kami sa building ng university.

   "Oh look at what we have here, little omegas" biglang pagsasalita ng kung sino. Kaya napalingon ako at nakita ang limang kalalakihan sa likuran namin ni Kuya Ken. Sa hindi malamang dahilan biglang nanginig ang binti ko at napaupo ako sa damuhan.

   Kita kong itinago ako ni Kuya Ken sa likod niya sa pamamagitan ng pagpunta niya sa harapan ko kahit nanghihina din siya.

   "What are you doing?! Stop releasing your pheromones right now!" Sigaw ni Kuya Ken pero bigla nalang siyang napahiga sa damuhan kaya napasigaw ako dahil sa impact.

   "K-kuya K-ken" utal kong tawag sa kaniya, nakakaramdam na ako ng takot dahil sa presensiya ng mga lalaki sa harapan namin.

   Lumapit sila sa amim at akmang hahawakan na ako ng humarang ulit si kuya ken sa harap ko.

   "DON'T TOUCH HIM" galit na sigaw ni kuya ken habang patuloy na pinaprotektahan ako kahit nanghihina siya dahil sa pheromones na nilalabas ng lalaki.

   "Palaban ang isang omegang toh pre, I like that" nakangising turan nito at dinilaan ang ibabang labi niya habang nakatingin kay kuya ken.

   Napahawak ang naginginig kong mga kamay sa damit ni kuya ken dahil sa takot at unti unting bumuhos ang luha sa mga mata ko. Ramdam ko rin ang panginginig ng katawan ko kasabay ng panginginig din ni kuya ken.

Omegaverse Series I: His Omega (BL) ✔Where stories live. Discover now