Chapter 4 (Sign)

8.6K 452 51
                                    

Adrian's POV

   Nang matapos na ang huli naming klase, nabigla nalang ako nang si Jade at Nicole na mismo ang nag-ayos ng mga gamit ko. At nagmamadali nila akong hinila palabas, at dinala kung saang lugar na hindi ko alam.

   "U-uy, saan tayo pupunta?" Naguguluhang tanong ko habang lulan kami ng kotse ni Lance. Kaya nakangising humarap sa kinaroroonan ko si Jade na katabi ni Lance sa driver's seat.

   "You will know, once we get there" sagot nito at bumaling nang muli sa harapan.

   Makalipas ang ilang minutong pagbibiyahe, huminto ang kotse ni Lance sa tapat ng isang botique. Naunang lumabas sina Nicole, Jade, April, Francis, Lance at ako ang huling lumabas.

   Mula sa labas ng botique kita ang iba't ibang uri ng damit mula sa loob. Hinila ako ni Jade papasok na sinundan naman ng apat.

   "Hi Auntie" pagbati ni Jade sa babaeng lumabas sa isang pintuan.

   "Oh Hija, anong sadya niyo at naparito kayo sa shop ko?" Tanong nito at umupo sa counter.

   "We are here to buy our clothes para sa welcome party na gaganapin for the new students like us" she answered and her Auntie smiled before she turned her gaze at me.

   "Mind if you introduce your friend" she said.

   "Ay Auntie, si Adrian po pala, bago naming kaibigan" pakilala nito sa akin sa Auntie niya. Nilahad ng babae ang kamay niya sa harap ko.

   "I am happy to meet my niece and nephew's new friend, I am Amanda and just call me Auntie Amie" Pakilala niya, kaya tinanggap ko ang nakalahad niya kamay nang nakangiti at nakipagkamay.

   "I am happy to meet you rin po, Auntie Amie" nakangiting ani ko.

   "So sino ang unang susukatan?" Baling nito sa kambal, at sabay sabay tumingin sa akin ang lima kaya napalingon din si Auntie Amie.

   "So si Adrian muna, hintayin niyo muna ako at kukunin ko lang sa stock room ang mga suit na babagay sa kaniya" pagpapaalam nito at umalis saglit.

   Nang bumalik ito, may bitbit itong mga supot na nasa lima mahigit. Pagkalapit niya sa kinauupuan namin, inabot nito sa akin ang isang supot na may hanger.

   "Pasok ka sa isang dressing room na meron kami dito at isukat mo ito, titignan natin kung babagay sa iyo itong mga inilabas ko" Ani nito kaya tumango ako at kinuha ang inaabot niya sakin na supot, bago pumasok sa isang dressing room.

   Sinukat ko ito at lumabas, tinignan nila ako lalo na si Auntie Amie, nakita ko siyang umiling at iniabot uli sa akin ang isa pang supot na dala niya habang si Lance naman tinulak uli ako papasok sa dressing room.

   Kaya wala akong nagawa kundi isukat uli ang iniabot sa akin. Lumabas ako pero tanging iling lang ang sinagot ni Auntie at muling inabot ang isang supot. Kaya napabuntong hininga ako at nagpalit muli.

   Iling parin ang sinagot nila hanggang sa panglimang sukat ko ng coat. Kaya inabot sa akin ni Auntie ang huling supot na nilabas niya kanina. Pumasok muli ako at sinukat iyon, nagpunas muna ako ng pawis bago lumabas ng dressing room.

   Lahat sila ay nakatingin sa akin. Hanggang sa pumalakpak si Auntie Amie kaya napatingin ako sa kaniya.

   "Perfect, It suits you more, lumalabas ang pagkapure at inosente mo" puri nito habang pumapalakpak parin. Nagsisang-ayunan naman ang mga kasama ko, by giving me thumbs up.

Omegaverse Series I: His Omega (BL) ✔Where stories live. Discover now