Chapter 30 (Jade's POV)

5.9K 339 26
                                    

Jade's POV

Mula kahapon pa namin hinahanap si Adrian, kasi hindi na namin ito nakita sa klase matapos siyang utusan ng isang guro na ibigay ang mga dala nito sa Student Council's Office.

Kaya ngayon heto kami, nag-aalala na sa kaniya. Napag-alaman din namin kay Auditor Kentaro na hindi siya umuwi sa dorm kagabi. Naghiwa-hiwalay na nga kami para mapadali ang paghahanap sa kaniya.

Hanggang sa nagsama-sama ulit kami at nakita si Matthias sa bandang hallway na parang may kayakap. Napahinga nalang kami ng maluwag nang malamang si Adrian pala iyon. Ngunit napatakbo kami sa kinaroroonan nila nang makita naming nawalan ng malay si Adrian sa mga bisig ni Matthias.

    "W-what happened?" Bungad ko nang makalapit na kami sa kanila. Pero hindi ako sinagot ni Matthias, dahil agarang binuhat nito si Adrian at nagtatakbo. Sumunod nalang kami hanggang sa makarating na kami sa University Clinic.

Dinaluhan naman ng school doctor si Adrian habang nasa gilid lang kaming mga kaibigan niya. May mga kinuha pang kung ano anong sample kay Adrian, at hindi namin alam kung para saan ang mga iyon.

    "Doc. Kamusta mo ang kaibigan namin?" Tanong ni April nang makalapit sa pwesto namin ang doktora.

    "He fainted because of tiredness, and based on the result. We found out that he recently experienced his first heat" sabi nito kaya napatulala nalang kami.

    "Sino ang Alpha sa inyong magkakaibigan?" Tanong nito sa amin, nakita ko namang nagtaas ng kamay sina Nicole at Matthias.

    "Hija, may napapansin ka ba sa kaibigan mo?" Tanong nito kay Nicole.

Napatingin naman kami sa kaniya, at isang tango ang isinagot nito.

    "Is he releasing a small amount of his pheromone right now?" Tanong ng doktora at tanging pagtango lang ang sinagot ni Nicole.

    "I can also smell a small amount of Alpha pheromone in him" rinig naming sabi ni Nicole, at parang biglang natahimik ang doktorang kaharap namin.

    "Is something the matter?" Tanong ni Lance habang nakatingin sa walang malay na si Adrian habang nakahiga sa kama ng clinic.

    "If you can smell an Alpha Pheromone in him, it just mean that when he is experiencing his heat. He had sex with an Alpha" siwalat nito kaya napatakip ako ng bibig. Who is that Alpha?!.

Nagpaalam na sa amin ang doktora dahil may appointment pa raw siya sa isang Ospital. Katahimikan ang bumalot sa aming magkakaibigan. Napatalon nalang ako sa gulat nang marinig ko ang malulutong na murang nagmumula kay Matthias at ang pagsuntok nito sa sementong pader bago kami iniwan at lumabas.

    "Guys, there is something on Adrian's neck" tawag pansin sa amin ni April habang nakaturo sa leeg ni Adrian.

Tinignan naman namin ito ng maigi at may itim na tinta ang unti unting lumilitaw sa leeg niya. Hanggang sa tuluyan nang lumitaw ang mga ito, napasandal ako sa upuang inuupuan ko nang makita na kung ano ang naroon.

Nagkatinginan kaming magkakaibigan at parang isa lang ang mga nasa isip namin. Nanlalaki rin ang mga mata nila katulad ko dahil sa nalaman.

He is President Yuichiro's FATED PAIR!.

Natuon ang atensiyon namin nang biglang bumukas ang pinto nang clinic. Bumungad sa amin si Vice President Kauro na buhat buhat ang walang malay na si Auditor Kentaro. Agad naman silang dinaluhan ng isang nurse at pinalapag si Auditor Kentaro sa isa pang kama na narito.

Omegaverse Series I: His Omega (BL) ✔Where stories live. Discover now