Chapter 13 (Comments & Viral)

6.3K 387 52
                                    

Adrian's POV

   Maaga akong gumising kinabukasan dahil araw ng sabado. Ito rin ang araw na pwede kaming umuwi sa bahay naman para makasama ang aming mga pamilya hanggang linggo.

   Pagkagising ko, wala pa rin akong nakitang Kuya Ken. Siguro sa kapatid na niya ito umuwi kagabi.

   Nagdala ako ng isang pares ng uniporme ko, dahil balak kong manatili sa bahay hanggang linggo at babalik nalang ako sa lunes. Pagkatapos maisara ang backpack na dala ko, maayos kung isinara ang cabinet at pinto pagkalabas ko ng kwarto.

   Nilibot ko muna ang mata ko sa buong paligid ng dorm. At nang masigurado ko nang malinis ang paligi, isinukbit ko na ang bag ko sa likod ko. Lumabas na ako ng dorm at inilock ito.

   Pagkalabas ko ng elevator, naabutan ko sina Jade at Lance na nag-aantay sa labas ng kotse. Nakalimutan ko palang sabihin na isasabay nila ako at ihahatid muna sa bahay bago sila bumiyahe pauwi sa kanila.

   And also said that they want to meet my family.

   "Oh nandito ka na pala, shall we?" Bungad sa akin ni Jade, tumango naman ako kaya pumasok na ako sa backseat ng sasakyan habang nasa harapan sina Jade at Lance.

   Habang nagbibiyahe kami, hindi mawawala ang biruan at ingay sa loob ng sasakyan. Lalo na pag nakikijamming ka sa tugtog mula sa stereo ng sasakyan.

Tulala lang sa'king kwarto

At nagmumuni muni

Sobra sobra ang parusa

'Di alam kung kaya pa

   Hanggang sa sinabayan ko na ang kanta.

Bakit sa iyo pa nagkagusto oh?

Parang bula ika'y naglaho

Bakit ikaw pa ang napili?

Ngayon ang puso ko ay sawi

Kay simple lang ng aking hiling

Na madama mo rin ang pait at pighati

   Napahinto lang ako sa pagkanta, nang mapansin ko na para atang nanahimik ang dalawang kasama ko. Kaya binalingan ko sila nang tingin, at ayon nakita kong nakatulala sa akin si Jade habang kita ko naman ang pasulyap sulyap ni Lance sa nakakabit na maliit na salamin sa bandang uluhan niya.

   "Hmmm, Bakit?" Tanong ko sa kanila, nakita ko namang napailing si Lance. Pero tulala pa rin si Jade.

   "My ears has been blessed" ang tanging naisatinig ni Jade at ngayon ay may ngiti na sa labi.

   "Ang ganda ng boses mo, Adi" puri niya sa akin, namula naman ako at nahihiyang napakamot sa batok ko.

   "Hindi mo naman sinabi na marunong ka palang kumanta" Ani niya, napangisi naman ako dahil sa sinabi niya.

   "Eh sa hindi ka naman nagtatanong, bakit sasabihin ng tao?" Magsasalita na sana ako nang unahan ako ni Lance dahilan para tignan siya ng kambal ng masama.

Omegaverse Series I: His Omega (BL) ✔Where stories live. Discover now