Chapter 32 (Scent)

6K 327 10
                                    

Adrian's POV

Pagdating palang namin ni Matthias sa mall, kakababa ko palang mula sa pagkakaangkas sa motor ni Matthias, sinugod na agad ako ng yakap nina Jade, April, Nicole at Francis.

Tinanguan lang ako ni Lance habang nakangiti, na sinuklian ko rin ng pagtango.

    "Gosh, It's been a month since we had our last bonding" Nicole said emotionally, dinaluhan naman agad siya ng Fated Pair niya at inalo. Pagpasensyahan niyo na, buntis din kasi ang tahimik na Alpha naming kaibigan.

    "Yeah" nakangiti kong sabi. Napatakip nalang ng bibig si Jade bago ako sinugod ulit ng yakap.

    "Gosh!, I miss you" sabi niya, natatawa naman akong yumakap dito.

    "Tama na ang drama, at pumasok na tayo sa loob para makapamili na" singit ni Matthias, nakasimangot naman ang mukha na tumingin sa kaniya si Jade.

    "Panira ka!, wala lang dito si Sophie ganyan ka na" asar na sabi ni Jade pero si Matthias binelatan lang ang huli.

Kaya napuno kami ng tawanan at napagpasyahan nang pumasok sa loob ng mall para makabili na ng kailangan namin.

Habang naglalakad lakad kami sa mall, pansin ko ang pagtingin ng ibang tao sa amin ay hindi sa akin pala. Kaya naiilang na napaiwas nalang ako ng tingin. Hanggang sa may lumapit sa akin, dalawang babae sila na kasing edad ko lang atah.

At base sa naaamoy ko sa kanila, parehas silang omega.

    "Ikaw po diba si Adrian?, iyong sumayaw po rito at nagviral noong kumanta ka?" Tanong sa akin ng dalawa. Nahihiyang napatango ako sa kanila, at ganun nalang ang pagkagulat ko nang magtilian ang mga ito.

    "Gosh, Fan niyo po kami. Pwede po bang papicture?" Sabi nila. Napatango nalang ako at pinayagan sila na pagpapicture sa akin, noong kaming tatlo na ang kukuhanan, si Lance na ang nagpicture sa amin.

    "Thank you po" pagpapasalamat nila at nagtatakbo palayo habang kumakaway sa akin. Sinuklian ko rin sila sa pamamagitan ng pagkaway at pagngiti.

    "Naks" tukso sa akin ni Francis nang makalapit.

    "Hindi ko alam na kilala pa pala nila ako, akala ko makakalimutan na nila kasi ilang buwan na rin ang nakakalipas" sabi ko at tinawanan lang ako ni Francis bago akbayan.

    "Namiss ko ito, hindi ko na rin kasi kayo nakakasama dahil napakapossessive at protective ng jowa ko" nakasimangot niyang sabi.

Natawa nalang ako,

    "Ano kaba, natural lang sa kanila iyon kasi ang mga Alpha ay Teritorial, gagawin nila ang lahat para hindi maagaw ang Fated Pair nila. Buti ka pa nga eh" sabi ko, binigyan naman ako nito ng nag-aalalang tingin dahil sa huli kong sinabi.

    "Ano ka ba, don't give me that sad look. Okay lang ako" natatawa kong sabi, kita kong pinilit nitong maging masaya para sa akin.

Nasa tapat na kami ng isang Play Station nang hilahin ako ni Francis sa tapat ng isang Dance Machine. At naalala ko, ito ang Dance Machine na ginamit namin noong una naming magkakaibigan na punta rito.

    "Sayaw tayo, It's been a while and I miss dancing with you" aya nito sa akin, ngumiti naman ako at pumayag.

Sumayaw kami hanggang sa unti unting dumami ang taong nanonood sa amin. Nakita ko rin sa kumpulan ng mga tao ang dalawang babaeng omega na nakakilala at nagpapicture sa akin kanina.

Omegaverse Series I: His Omega (BL) ✔Where stories live. Discover now