Chapter 17 (Heartbeat)

6.1K 348 25
                                    

   (A/N: Hi guys, I am backkkkk. Pasensiya na sa pambibitin ko sa inyo ere hehehe, kagaya ng pag-iwan niya sa akin sa ere HAHAHA. So for me to make it up to all of you. Heto na ang kasunod)

Adrian's POV

   Hindi pa rin ako makakilos sa kinauupuan ko dahil sa narinig ko sa bata. Nagdadalawang isip ako, kung gagawin ko ba ang hinihiling nito o hindi?.

   Tumingin ako sa mga kaibigan ko para sana humingi ng tulong, pero ganun nalang ang pagbagsak ng mga balikat ko dahil parang wala silang balak na tulungan ako.

   Kanina pa pala sila nakatingin sa akin at parang hinhintay din ang gagawin ko. Kita ko pa ang pagkislapan ng mga mata ng tatlong makukulit, alam ko namang kilala niyo na sila pero itago nalang natin sila sa pangalang Jade, April, at Francis.

   Halatang halata sa mukha ng tatlo ang excitement para sa gagawin ko. Tapos parang pinahihiwatig ng mga mata nila na "Bilis! Pagbigyan mo na ang bata" look.

   Kaya laglag ang balikat na kinuha ko ang kutsara at nilagyan ito ng cake na kinakain ko. Tumingin ako kay President Yuichiro, na kanina pa titig na titig sa akin.

   Habang inilalapit ko ang kutsara sa kaniya, hindi ko mapigilan ang panginginig ng kamay kung may hawak ng kutsara. Arggghhh! Bakit ba ako nanginginig?!, susubuan mo lang ang tao. Wala kang dapat ikakaba Adrian!.

       "You're shaking" nakaramdam naman ako ng hiya dahil sa isinatinig niya at ilang sa mga titig niya.

        "U-um" Argghh, bat ba ako nauutal. Promise naiilang talaga ako!, Pres. Please stop looking at me!.

   Umusod siya ng unti palapit sa akin at hinawakan ang nanginginig kong kamay. Napakislot pa nga ako dahil parang may kuryenteng dumaloy sa akin matapos niya akong hawakan. Kasabay nun ang biglaang pagtibok ng puso ko, alam kung normal lang na tumibok ang puso natin dahil buhay tayo. Pero iba ang pagtibok nito dahil sa sobrang lakas na maaari nang marinig ng mga kasama ko.

   Bumalik ako sa katinuan ng makita kong palapit ng palapit ang mukha ni President Yuichiro sa hawak kong kutsara. Pero habang ginagawa niya iyon titig na titig pa rin siya sa akin, at ako namang si tanga hindi rin maalis ang tingin sa kaniya.

   Parang nagslow motion ang paligid habang titig na titig kami sa isa't isa hanggang sa unti unti niya nang binuka ang bibig niya at dahan dahang sinubo ang laman ng kutsara.

   Hindi ko na narinig ang pagtititili ng tatlo dahil hindi iyon maikukumpara sa lalong pag lakas ng tibok ng puso ko. Lumayo na siya sa akin ng unti at marahang nginuya ang cake.

   "Aiko's right, it's delicious" Sambit nito habang nakatingin sa akin. Napaiwas ako ng tingin at lihim na napakagat sa ibabang labi ko habang ramdam ko ang pag-iinit ng mga pisngi ko.

   H-he just lick his lower lip seductively while looking at me and smile. And I hate to admit it, but i find him so sexy and hot at the same time while doing it.

   Pakiramdam ko, mas dumoble ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa pinagsasasabi ko sa isipan ko. Hanggang ngayon hindi pa rin tumitigil ang puso ko sa pagtibok ng kay lakas.

   "Told you Kaito-nii" masayang ani ni Aiko. Binaling ko nalang ang tingin sa bata at iwas ang tingin sa kuya nito.

   Tiningala ako ni Aiko, "Can I have it?" Tanong nito sa akin habang nakaturo doon sa natitirang cake ko.

Omegaverse Series I: His Omega (BL) ✔Where stories live. Discover now