Chapter 5 (Kentaro's Revelation)

7.8K 429 17
                                    

Adrian's POV

   Nagising ako dahil sa sunod-sunod na pagkatok mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Kaya nagmamadali ako bumangon at tinungo ang pintuan.

   Pagkabukas na pagkabukas ko nito, bumungad sa akin ang mga nakataas-kilay na sina Francis, Jade, Lance, April, at Nicole. Kaya nagtataka ko silang binigyan ng tingin.

   "Anong ginagawa niyo rito?" Ang tanong ko at bumalik sa kama ko bago umupo. Pumasok naman sila at tumayo sa harapan ko.

   "Good Morning, Princess" asar ni Nicole kaya napatingin ako sa kaniya.

   "Seriously?!" Naibulalas ko nalang at napatingin sa kaniya ng masama.

   "Well, 9 na po ng umaga, maswerte ka't walang klase dahil pinaghahanda tayo para sa gaganapin na kasiyahan mamayang alas-syete ng gabi" Ani naman ni Jade at umupo sa tabi ko.

   Napakamot ako ng batok dahil sa hiya, at nginitian sila. "Sorry po" sabay bigay sa kanila ng peace sign.

   "Ano pa bang magagawa namin?, bumangon ka na diyan at naghihintay sa atin si Auditor Kentaro sa kusina, grabe ang bait pala niya" ani ni April at parang kuminang kinang pa ang nga mata.

   "Mauna na kayo sa labas, maghihilamos lang ako" ani ko at pumasok sa banyo. Narinig ko naman ang mga yapak nila palabas ng kwarto ko at tunog ng pagsara ng pinto.

   Lumabas ako ng banyo pagkatapos maghilamos at nagpalit ng matinong damit. Lumabas sa kwarto at tinungo ang kusina kung saan malayo palang, rinig ko na ang kwentuhan ng mga ito.

   Ngumiti ng makita sila na hindi na nahihiya kay Kuya Ken, "Goodmorning po Kuya Ken"

   Kaya mapalingon ito sa akin at ngumiti dahilan para mapapikit ang singkit niyang mga mata.

   "Goodmorning bunso, come join us here" balik nito at niyaya akong maupo, naupo ako sa tabi niya at nagsimulang maglagay ng pagkain sa plato ko.

   "Here, drink this" sabay abot ng baso ng gatas kaya ngumiti ako at tumango sa kaniya. Kinuha ko ang inabot niya at uminom.

   "Grabe, para po talaga kayong magkapatid dahil alagang alaga niyo si Adrian" Ani ni Jade habang nakangiting nakatingin sa amin. Napatingin ako kay Kuya Ken at nakita ko itong nakangiti, pero bakit parang may lungkot ang mga mata niya.

   "Hindi ko kasi nagagawa sa mga kapatid ko ang mga ganito" Sagot niya at lalong lumungkot ang mata niya kasabay ng mukha niya.

   Nakita kong parang nahiya si Jade dahil parang may naungkat siya.

   "Sorry po" paumanhin niya, ngumiti sa kaniya ng unti si kuya ken at umiling.

   "No, you don't have to" ani niya at yumuko, narinig ko na bumuntong hininga siya. "Apat kaming magkakapatid at pangalawa ako, bata palang ako ginagawa na sa akin ng panganay kong kapatid ang mga bagay na ito kaya siya ang pinakaclose ko" huminga siya at tumingin sa amin ng malungkot.

   "At dumating ang ika-pitong kaarawan ko, kinabukasan dinala nila ako sa Ospital para magpatest to know my gender, matapos iyon pumunta kami ng mga kapatid ko sa mall para magkaroon ng aming bonding na minsan nalang namin na nagagawa dahil sa busy ang parents namin sa kompanya, ang saya saya pa namin ng araw na iyon hanggang mga sabado" huminto siya sa pagsasalita at napaluha.

   "H-hanggang sa dumating ang lunes, dineliver ng isa sa staff ng Ospital na pinagtestan namin ang resulta. Nagtipon tipon kaming pamilya sa sala, kinakabahan ako that time. Makalipas ang ilang minuto, nagulat nalang ako, lalo na ang mga kapatid ko nang makita ang binatong envelope ni Dad, nagkalat doon ang mga papel. Galit na galit si Dad noon habang nakatingin sa akin na hindi ko alam kung ano ang dahilan, hanggang sa kunin ni Kuya Hiroshi ang nakakalat na papel sa sahig at binasa ito, napaiyak ako ng marinig ang Omega. Matapos ang araw na iyon, pinadala ako ni Dad sa probinsiya kung nasaan ang Lola ko at doon din tumigil ang paggamit ko ng apelyidong Cawamura, walang nagawa sina Kuya at Mom para pigilan si Dad na ilayo ako sa kanila, ang apelyidong gamit noon hanggang ngayon ay ang kay lola. Itinakwil nila ako dahil isa ang Omega" at pagkatapos niya magkwento, ang kanina niya pang pinipigilan na iyak ay kumawala. Tumayo ako at niyakap ko siya.

   "My family are all Alpha even Mom, kaya hindi matanggap ni Dad na nagkaroon siya ng anak na Omega, kaya itinakwil niya ako. Sinabi rin ni Dad na baka anak ako ni Mom sa ibang babae, pero alam kung hindi magagawa ni Mom iyon dahil naging loyal siya kay Dad na fated pair niya, kaya sa tuwing mag-aaway sina Dad at Mom, bumibiyahe si Mom papunta kung nasaan ako at doon nilalabas ang lahat ng sakit. Sinisi ko ang sarili ko pero sinabi sa akin ni Mom na wala akong kasalanan, she said that even I am an omega, I will always be her child at hindi niya hahayaan si Dad na mailayo ako sa kaniya" He added.

   "Grabe naman po pala ang pamilya niyo" naiinis na ani ni Jade.

   "Hays tama na nga sorry kong nagdrama pa ako, pero sana walang makaalam nito, maaari ba?" Tanong ni Kuya Ken at pinunasan ang mga natitirang luha sa mata niya. Lahat naman kami ay tumango.

   "Let's continue eating" nakangiting aya ni Kuya kaya nagpatuloy na kami sa pagkain.

   Pinaligo ako nina Jade dahil may pupuntahan daw kami kaya pagkatapos maligo, sinuot ko ang damit na nasa ibabaw ng kama. Napailing nalang ako dahil naalala kong sina Jade pala ang pumili nun.

   "So tara na" bungad ko sa kanila pagbalik ko sa sala. Nandoon din si kuya ken. Bago lumabas ng dorm nagpaalam muna kami kay Kuya Ken.

   Sinabi nina Jade na pupunta daw kami ng mall. Pagdating namin doon, sa arcade muna kami pumunta at syempre naglibang muna. Sumunod ay manood ng sine. Nakalabas atah kami sa sinehan ng Alas-singko ng hapon. Huli naming pinuntahan ang isang salon, hindi sana kami papasok ng tinulak kami ng tatlong babaeng kasama namin. Pinaupo kaming lahat sa bakanteng upuan doon at nilapitan ng anim na staff atah ng salon. Si Jade ang nagdesisyon kung ano ang mga dapat naming ayos kaya sinimulan na ng mga taong nakaassign sa amin ang pag-aayos.

   "Wow, kyaaaahhhh ang cute mo Adrian" tili ni April habang nakatingin sa akin ang mga kaibigan ko.

   "Thank you" nahihiya kong pasasalamat. Grabe pinagtitinginan ako sa labas at loob ng mall.

   "Tara uwi na tayo para makapag-ayos at 6 pm na, we only have 1 hour to head home and prepare ourself" aya ni Lance kay nagsisang-ayunan kami. Kaya sumakay na kami ng kotse niya pagkalabas na pagkalabas ng mall at bumiyahe pauwi ng dorm.

   Pagkabalik, nagpaalam na kami sa isa't isa bago bumalik sa sari-sarili naming dorm.

   Inayos ko na ang susuotin ko bago pumumta sa banyo para magsipilyo. Paglabas sinuot ko na ang damit na nakahanda sa ibabaw ng kama ko.

   Tinignan ko ang sarili ko. Nagpapasalamat ako dahil dinala ako nila Jade sa salon at pinaayusan.
Napangiti ako na sinabayang ng repleksyon ko sa salamin.

"I'm Ready"

To be Continue

___________________________________________

Boyslove_04

___________________________________________

Just Comment for Updates

And Vote

Omegaverse Series I: His Omega (BL) ✔Where stories live. Discover now