Chapter 7 (Kiss💋)

7.7K 468 43
                                    

Jade's POV

   Hello mga wattpader, ako nga pala si Mary Jade Villamor, 17 years old at isang beta. Nandito ako ngayon sa dance floor kasayaw ang lalaking nag-aya sa akin kanina para maiwanang mag-isa si Adrian doon sa table namin.

   Hanggang sa may natanaw ang mata ko na pamilyar na bulto ng isang taona hila-hila ng isang nakablack coat na lalaki. At nang makalagpas na ito sa amin, nanlaki nalang ang mga mata ko dahil si Adrian ang hila hila ng lalaki. At sa direksyon na nilalakad nila parang sa gitna ng dance floor hinihila si Adrian at doon balak isayaw.

   Hindi nga ako nagkamali dahil kitang kita ng mga mata ko na huminto sila sa mismong gitna kaya ang ibang mga nagsasayaw ay huminto at tinignan sila.

   Nilahad ng lalaking humila kay Adrian ang kamay nito sa harap ng kaibigan namin at yumuko na parang prinsipe. Yung parang inaaya siyang sumayaw. Bakas sa mukha ni Adrian ang hiya at tumingin sa paligid. Nakita kong huminga muna ito bago inabot ang kamay niya sa lalaki.

   Nang mahawakan na ito ng lalaki, napatili nalang ako at ang ibang mga babae na nanonood dahil hinila siya ng lalaki palapit dahilan para magdikit ang katawan nilang dalawa at magkatinginan.

   Inilagay ng lalaki ang kaliwang kamay ni Adrian sa balikat niya habang ang isa naman ay hawak nito at gumalaw ang kanilang mga katawan para sabayan ang saliw ng musika.

   "Kyaaaaaahh, ang romantic naman" tili ni April ng makalapit sa tabi ko.

   "Sana all" ani ni Francis, binalik kong muli ang tingin ko sa dalawang tao na nagsasayaw sa gitna ng dance floor.

   At syempre dahil sa gitna sila nagsasayaw, nasa kanila rin ang atensyon ng mga estudyante.

"Kyaaaaahhh, grabe naman si kuyang nanghila kay cute boy, talagang sa gitna pa"

"Sana all, ganyan din ang nag-aya sa akin"

"Grabe kahit parehas silang lalaki hindi ko mapigilang hindi kiligin sa kanila"

"Sinabi mo pa, grabe iyong feeling ko na bagay sila"

"Gusto ko malaman kung sino ang dalawang lalaking nakasuot ng maskara"

"It is like a BoyxBoy version of a fairytale love story"

   Rinig ko ang bulungan ng mga tao dahil sa pagkamangha. Napangiti nalang ako habang tinitignan ang pagsayaw ng lalaki at ni Adrian. Hanggang sa ayain muli ako ng lalaki kasayaw ko kanina na muling sumayaw. Kaya sumayaw muli ang lahat na nakisabay sa dalawang tao na nagsasayaw sa gitna.

Adrian's POV

   Nakayuko lang ako habang hila-hila ng lalaking nag-aya sa akin na magsayaw. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalin dahil nakayuko ako. Nahihiya kasi ako dahil sa tuwing may madadaanan kaming mga magkakapareha na nagsasayaw natutuon ang atensiyon nila sa amin.

   Hanggang sa huminto siya, at dahil sa nakayuko ako nakita ko ang kinatatayuan ko. Nakatayo kami sa isang maalaking bilog na kulay ginto.

   May naglahad muli ng kamay sa harapan ko kaya napaangat ako ng tingin. Nakita ko siya nakayuko na para bang isang prinsipe na nag-aayang isayaw ang isang prinsesa.

Omegaverse Series I: His Omega (BL) ✔Where stories live. Discover now