Chapter 22 (Invitation & Pairs)

5.5K 314 25
                                    

Adrian's POV

Nandito ako ngayon sa sala ng dorm namin ni Kuya Ken habang gumagawa ng homework ko.
Pagkadating na pagkadating ko rito sa dorm ito agad ang inuna ko at hindi pa ako nakakapagpalit ng pambahay.

    "Bunso, mamaya na yang homework mo at magpalit ka muna ng pambahay" utos ni Kuya Ken at hinila ako patayo kaya wala akong nagawa kundi pumunta sa kwarto ko at magpalit ng damit.

Pagkatapos makapagpalit, bumalik na ako sa sala at wala na si Kuya Ken doon. Siguro nasa kusina, dahil nakakarinig ako ng kalansing ng mga kagamitan sa kusina.

    "Bunso, sayo ba ang cake na nandito sa ref.?" Rinig kong medyo pasigaw na tanong ni Kuya Ken mula sa kusina.

    "Opo" sagot ko at nakita kong dumungaw sa akin siya mula sa kusina.

    "Binili mo?" Tanong niya. Napatingin naman ako sa kaniya.

    "Binigay po sa akin" sagot ko, nakita ko namang napakunot ang noo nito.

    "Sino?" Tanong niya ulit.

    "Si Kai po" tanging sagot ko pero nagtataka niya akong tinignan.

    "I mean si Pres. Yuichiro po, thank you gift niya raw po sa akin dahil sa pagsama sa kanila kahapon" paliwanag ko, tumango tango naman siya.

    "Sayo niya pala binigay yun" sabi niya pero hindi ko narinig dahil masiyadong mahina. Bumalik na siya sa kusina para ipagpatuloy ang ginagawa niya habang ako nagkibit balikat nalang at pinagpatuloy ang paggawa ng homework ko.

Napahinto lang ako nang maramdaman ko na nagvibrate ang cellphone ko. Kaya kinuha ko ito sa bulsa ko at binuksan. Bumungad agad sa akin ang isang text message ni Mom.

Mom: Son, birthday mo na sa saturday. Why don't you invite your friends and some of your classmates here in our house. Gagawa kami kahit maliit na celebration lang

Text ni Mom, napaisip ako bago nagtext sa kaniya  ng okay. Ibig sabihin pumapayag ako. Ang bilis talaga ng panahon, apat na araw nalang labing pitong taong gulang na ako.

Makalipas ang ilang oras, tinawag na ako ni Kuya Ken para kumain ng hapunan namin. Nang matapos, ako na ang nagprisenta na maghugas ng mga pinagkainan namin.

    "Kuya Ken, punta ka po pala sa bahay sa saturday. Just having a little celebration for my birthday" pag-iimbita ko kay Kuya Ken na kasalukuyang naglalagay ng inuming tubig sa ref.

    "Okay, asahan mong makakapunta ako" sabi niya at nginitian ako.

    "Baka magkaroon ng pool party" sabi kobat nagthumbs up si Kuya Ken.

Pagkatapos kong gawin ang homework ko, nagpaalam na ako kay Kuya Ken na mauna nang pumasok sa kwarto ko at matulog.

Humiga na ako sa kama pagkatapos kong patuyuin ang basa kong buhok dahil naligo muna ako. Bukas ko nalang sasabihin kina Jade.

Pinikit ko na ang mga mata ko at hinayaang magpatangay sa antok.

●——●

*Twit* *twit* *twit*

  "Bunso, gising na at baka malate kana" antok na napamulat ako ng mga mata dahil sa panggigising sa akin ni Kuya Ken.

Omegaverse Series I: His Omega (BL) ✔Where stories live. Discover now