Chapter 8 (Embarrased)

7.7K 419 28
                                    

Jade's POV

   Hello wattpaders, I am back. Grabe ang nangyari kanina, kahit nakikipagsabayan kami sa sayaw nila hindi ko talaga magawang alisin ang tingin ko sa kanila.

   Nang panandaliang tumigil ang tugtog, nakita kong hinila siyang muli ng lalaki palabas ng hall.

   Nang matapos na ang tugtog, mapagpasyahan naming magpaalam na sa kasayaw namin at bumalik sa table.

   "Grabe guys, kinikilig ako doon sa lalaki at kay Adrian" kinikilig na basag ni Francis sa katahimikan ng tropa namin.

   "Sinabi mo pa, sana ganun ang lahat ng lalaki, wattpadan slash fairytale ang datingan" Sang-ayon ni April na parang nagdedaydream pa.

   "Nakita ko ngang hinila siya nung lalaki eh, saan kaya sila pupunta?" Tanong ni Nicole pero nagkibit balikat nalang kami dahil hindi rin namin alam kung saan.

   Bumalik na si Lance sa table namin habang may malaking ngiti na nakapaskil sa labi niya.

   "Ang saya natin ah" puna ko habang nakapalumbaba sa lamesa at nakatingin sa kaniya.

   Ngumiti pa ito lalo, "Syempre nakasayaw ko si Secretary Samantha"

   Napailing-iling nalang ako, inlababo ang kambal ko.

   "Nasaan si Adrian?" Tanong niya habang lumilinga-linga sa paligid.

   "Hinila nung lalaking kasayaw niya kung saan" sagot ni April sa tanong nitong kambal ko.

   "Woah iyong lalaki bang nasa gitna ng sayawan?" Tanong niya at tumango lang kami bilang tugon.

   "Oh, Speaking of the devil, here he is" pagsasalita ni Francis habang nakaturo kung saan kaya napalingon kami.

   Naglalakad si Adrian papunta sa table namin, at nang makarating na ito sa table, umupo ito.
Nagtaka ako dahil parang malalim ang iniisip nito at tulala.

   Hindi rin namin siya makausap ng matino, sa tuwing magtatanong kami about doon sa lalaking kasayaw niya binabago niya ang topic at kung minsan naman ay napapahawak siya sa labi niya at bigla nalang mamumula.

   Habang kami naman naguguluhang nakatingin sa kaniya na nakaub-ob ngayon ang mukha sa lamesa.

   "Sa tingin mo may nangyari kaya, kung bakit ganiyan siya" biglang bulong sa akin ni Nicole kaya napalingon ako sa kaniya.

   "Yeah, I think so 'cause he is acting weird right now" ganting bulong ko at napatango-tango siya.

   "U-um guys, mauna na ako sa inyo ah babalik na ako sa dorm" biglang tayo ni Adrian.

    "Huh?! Ang aga pa Adrian" ani Francis habang kausap ang lalaking nagyaya sa kaniyang magsayaw. Takte ngayon lang namin napansin na nandito pala si Kuyang waiter.

   Nahihiyang ngumiti si Adrian, "Pagod na kasi ako eh, sige guys kita nalang tayo bukas sa room"

   At nagsimula na siyang maglakad palayo hanggang sa mawala na siya sa paningin namin.

Omegaverse Series I: His Omega (BL) ✔Where stories live. Discover now