Chapter 14 (Home)

6K 368 30
                                    

Adrian's POV

   Buti nalang talaga, dumating na kami sa bahay.
Grabe gustong gusto ko na magkulong sa kwarto ko at magpahinga. Hayaan ang sarili ko na iproseso ang mga nangyare sa araw na ito.

   Sino ang hindi makakaget over sa million views at half a million reacts?!.

   Gaya nga ng kagustuhan ng dalawang kasama ko na makilala ang pamilya ko. Pinakilala ko sila kina Mom, Dad at Daniel.

   Noong nakipagkilalahan na sila, nagpaalam na rin ang dalawa para umalis at bumiyahe pauwi sa kanila.

   "Ehem" pagtikhim ni Mommy kaya mula sa pagkakatingin sa pinto napalingon ako sa kaniya.

   At nakita ko silang tatlo na nakaupo sa sofa, mga nakataas pa ang kilay.

   "Ikaw ha, simula nang mag-aral ka sa Yunji University marami na kaming hindi alam sa iyo" paninimula ni Mom, nagtataka naman akong napatingin sa kaniya.

   "Well, nag open ako ng Facebook Account ko kahapon, At isang video ang agad na bumungad sa Newsfeed ko, at noong plinay ko ang video ikaw ang nakita ko na may kasamang sumasayaw sa mall" Paliwanag niya, napakamot nalang ako ng batok dahil sa narinig.

   "Ano pong connect nun?" Tanong ko naman. At ngayon si Dad naman ang nagsalita.

   "Connect nun, kaming mga magulang mo na walang kaalam alam na sikat na pala ang anak namin" Si Dad habang nakataas ang kilay sa akin.

   "Unexpected lang naman iyan eh, hindi ko naman alam na sisikat kami ng kaibigan ko dahil sa isang beses lang na pagsasayaw" pagrarason ko at umupo na sa tabi ng kapatid ko.

   "At ito pa Mommy, may napanood ako na video ni Kuya habang kumakanta, iyong si Ate Jade atah ang nagpost. 2 hours palang ang nakakalipas bago ito mapost, pero nagviral na po agad ito dahil umabot ng milyon ang views at 500k ang reacts" sabay pakita ni Daniel ng cellphone niya habang nakaplay ang video ko na kumakanta.

   Rinig ko rin, na nangingibabaw ang boses ko roon sa boses noong singer talaga ng *Pagdating Ng Panahon*.

   "Shocks, hindi namin alam. May Artista na pala kaming anak, Grabe" reaksiyon ni Mom, napangiwi ako ng palihim dahil may pahawak hawak pa si Mom ng bibig niya parang gulat na gulat. OA lang po

   "Saka grabe, may mga Agency na nagcomment para kunin ka nilang talent" manghang sambit ni Mom. Kaya ako nacurious naman at nakisilip na rin sa cellphone ng kapatid ko.

   At tama nga ang sinabi ni Mom, marami rami ring Agency ang nagcomment sa video ko.

   "Hay tigilan niyo na nga iyan" saway ko sa kanila, kaya ayon sabay sabay silang tumingin sa akin.

   "Hoy ikaw na bata ka!, ano ang sinasabi ng kaibigan mo na may nagnakaw daw sayo ng halik noong Welcome Party niyo" taas kilay na tanong ni Mom. Pinagpawisan naman ako ng malamig.
Paktay!!!

   "A-anong halik?" Kabado kong pagmamaang maangan habang iwas ang tingin sa pamilya ko.

   "At magmamaangmaangan ka pang bata ka, sino ang humalik sa iyo?" Nakapamewang na tanong ni Mom.

Omegaverse Series I: His Omega (BL) ✔Where stories live. Discover now