Chapter 3 (First Day of School)

9.6K 503 64
                                    

Adrian's POV

   Nagising ako dahil sa sinag ng araw na sumisilip sa nakasaradong bintana ng kwarto ko. Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at nag unat-unat, tumayo na ako at kinuha ang tuwalya bago pumasok sa palikuran para maligo.

   Makalipas ang ilang minuto na pagligo, lumabas na ako habang tapis ang tuwalya sa may bandang bewang ko. Tinungo ko ang kabinet para kunin ang uniform ko at inilagay sa ibabaw ng kama. Matapos kong suotin ang brief at boxer ko, sinunod ko sinuot ang school uniform ko. Pagkatapos mag-ayos, hinarap ako sa whole body mirror para tignan ang ayos ko.

   I am wearing a pair of black polo with the school logo imprinted on the left side of the polo's chest part and pants. I am also wearing an eyeglass.

   Kinuha ko na ang black back pack ko na nakalagay sa ibabaw nang kama bago lumabas sa kwarto ko at magtungo sa kusina. Naabutan ko doon si Kuya Ken na naghahain, suot ang uniporme niya habang may nakapatong dito na apron.

   Nakasuot siyang ng puting polo na may logo din ng school kagaya ng akin, itim na pants at blackwhite stripe tie.

   "Good morning" bati ko dito ng makita niya ako, nagtungo ako sa pwesto niya at inilagay sa isang bakanteng upuan ang bag ko bago umupo sa katabing upuan nito.

   "Good morning, I was about to wake you up after preparing our breakfast, but I don't need to do it because you are already here and wearing your uniform" nakangiting tugon nito at umupo na rin.

   "Let's eat" aya nito at nagsimula na kaming kumain. Nang matapos kumain, magpipresenta sana ako na ako nalang ang maghuhugas.

   "Ako nang bahala dito" he insist kaya tumango nalang ako, kinuha ko nalang ang itim kong sapatos sa shoe rack at isinuot ito. Inantay ko muna si Kuya Ken magsuot ng sapatos niya bago sabay na lumabas sa dorm namin at nilock ito.

   "Ihahatid na kita sa room mo, baka mapagtripan ka ng ibang estudyante dito" Ani Kuya Ken, pagkalabas namin ng elevator.

   "'Wag na po kuya, nakakahiya na po sa inyo eh" pagtanggi ko at napakamot sa batok ko. I saw him smile.

   "I insist" he said kaya di na ako nakipagtalo pa sa kaniya at nilakad na namin ang unting distansya papunta sa building ko.

   Huminto kami ng nasa tapat na kami ng room na papasukan ko.

   "Ingat ka dito at mag-aral ng mabuti okay?, una na ako" paalam nito sa akin at ginulo ang buhok bago lumakad paalis. Yumuko nalang ako hanggang sa mawala na siya sa paningin ko at humarap sa pinto ng silid-aralan.

   Tinignan ko ang relo na suot ko. "7:00 am, so hindi pa ako late"

   "Yes young man, you are just on time" pagsasalita ng isang tao sa likuran ko kaya gulat akong napatingin dito.

   "Shall we head inside?" Tanong nito sa akin, gumilid ako para paunahin siya na pumasok at tumango. Ngumiti siya bago binuksan ang pinto at pumasok sa loob na sinundan ko naman.

   Sumalubong agad sa akin ang mga estudyanteng napatigil atah sa mga ginagawa nang pumasok kami ng guro sa loob. At nailang ako ng napunta sa akin ang lahat ng atensyon nila.

"May dumi ba ako sa mukha?" Iwas tingin na bulong ko sa sarili.

*ehem*

Omegaverse Series I: His Omega (BL) ✔Where stories live. Discover now