Chapter 27 (First Heat)

6.5K 342 32
                                    

Adrian's POV

Nandito kami ngayon sa hallway magkakaibigan habang naglalakad papunta sa field ng Yunji University. Nauuna sami sina Jade, April at Francis sa paglalakad habang nakaakbay sa akin si Matthias. Nasa tabi naman niya si Lance, na kanina pa nito kadaldalan at nasa tabi ko si Nicole na busy sa pagkalikot ng phone niya.

Katext atah ang Fated Pair niya. Magkakaroon kasi kami ngayon ng activity sa field kaya heto kami papunta roon. Habang naglalakad, nakasalubong pa namin ang Student Council. Hindi ko binigyang pansin ang nauunang maglakad sa kanila.

    "Hello Adrian, ang tagal ka naming hindi nakita ah" bungad sa akin ng isang myembro ng Student Council. Dati kasi palagi akong pumupunta sa Student Council, at nagbabakasakaling makausap ko si Pres. Yuichiro. Simula sa ginawang pag-iwas sa akin ni President, hindi na ako dumadaan doon.

    "Naging abala lang po kasi, sige po mauna na kami" nakangiting sabi ko at hinawakan ang bewang ni Matthias bago mabilis na naglakad. Hindi ko na nga nabati sina Ate Sam at Kuya Ken dahil sa pagmamadali para lang makaalis na kung saan nandoon siya.

Kahit nakatalikod man ako, ramdam ko ang pagtitig niya sa akin. Pero binalewala ko iyon, ayaw ko munang masaktan lalo na't nasa tabi niya ang babaeng palagi niyang kasama.

    "Ayos ka lang?" Tanong ni Matthias, kaya ngumiti ako at magsasalita na sana nang sumabat siya.

    "Don't you dare say that you're okay, even if you're not" banta niya kaya wala sa oras naman akong napairap sa kaniya.

    "Kung alam mo naman pala, bat nagtanong ka pa?" Inis kong sabi, inalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin at nagdadabog na nagpatiunang maglakad sa kanila.

Ramdam ko naman ang pagsunod nila sa akin. At alam ko sa sarili ko na may nagbago sa akin, hindi na ako ang dating palangiti na Adrian. Lungkot at sakit na ang natira sa akin, kaya nga naninibago na ang mga kaibigan ko.

Namimiss na raw nila ang dating ako, iyong palangiti at palatawa nilang kaibigan. Kahit man ako gusto ko nang bumalik sa dating ako but it takes time for me to heal this wound he left in my heart.

Palihim kong inalis ang nagbabadyang luha na papatak sa mga mata ko at mapait na napangiti.

    "Hah" sabay tingala para patigilin ito. Ramdam ko na nakamasid lang sila sa akin. Nakangiti ko silang tinignan.

    "Tara na at baka pagalitan tayo ng istrikto nating guro" aya ko sa kanila. Nagsitakbuhan na kami papunta sa Field, naabutan namin na nandoon na ang lahat at kami nalang ang hinihintay.

Natapos din agad ang activity namin, paalis na sana kami nang bigla akong tawagin ng isang guro.

    "Hijo" tawag nito at lumapit sa akin.

    "Ano pong kailangan niyo?" Tanong ko habang nakatingin sa babaeng guro.

    "Pasuyo naman nito sa Student Council's Office oh, pakibigay kay Kaito" pasuyo sa akin nito. Nanigas saglit ang katawan ko nang marinig ang pangalan niya.

    "Sige po" sabi ko at kinuha na ang bitbit niya. Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko, bakas sa mukha nila ang pag-aalala.

    "Do you want me to come with you?" Tanong ni Matthias sa akin pero inilingan ko lang siya.

    "Don't worry, I can manage. So mauna na ako sa inyo" sabi ko at nagsimula nang lumakad palayo sa kanila para makapunta sa building ng Student Council.

Omegaverse Series I: His Omega (BL) ✔Where stories live. Discover now