CHAPTER 1

16.6K 349 48
                                    


LAVENDER

“Pakawalan mo ako!” sigaw ko sa lalaking naka-hawak lang sa akin at kahit anong pagpupumigalas ko ay hindi ako makawala sa kaniya he’s 10 times stronger than me. “Tulungan niyo ako! Help!” I shouted at the top of my lungs.

“Manahimik ka, binibini! Kung ayaw mong itapon kita sa Tartarus!” he shouted and parang may lumabas na kung anong sungay at namumula ang mga mata nito kaya napalunok ako ng wala sa oras. Nakakatakot ang itsura niya, para siyang demonyo! Pagkalipas ng ilang segundo ay agad din siyang nagbalik sa anyong tao niya.

Kinaladkad niya ako papasok sa isang cavern. Wait, cavern?! Damn nasa kakahuyan lang kami kanina at nasa loob ng aming subdivision!

“W-wala man lang ilaw diyan?” tanong ko sa kaniya. “Manahimik ka pwede ba?!” singhal na naman nito sa akin kaya napanguso ako. “Makawala lang ako sayo sinasabi ko, humanda ka sa akin.” banta ko kaya napahalakhak siya and it echoed.

It’s not music to my ears instead it sends a creepy feeling to me. His laugh is similar to a demon’s laugh.

“Kaharian namin ang iyong pupuntahan, binibini.” sabi niya sa akin kaya napatitig ako sa kaniya. Napatigil ako sa paglalakad kaya nahila rin siya sa akin. “Ano ba?! Kanina pa tayo hinihintay ni Hermes du’n.” sabi niya sa akin kaya napataas ang isang kilay ko.

Sino naman ‘yon? Hermes? Lol. Brand ng bag ko lang ‘yon eh. Pero seryoso sino ba kasi ‘yon? Ilang minuto lang kaming naglakad ay bumungad na sa akin ang isang napakadilim na lugar. Isang itim na ilog ang aking nakikita.

“Maligayang pagdating, Binibini.” isang lalaki ang nagsalita sa kanan ko kaya napalingon ako sa kaniya at halos mapalaway ako dahil sa angking kagwapuhan na taglay niya! Parang may kung anong ilaw at nakita ko siya. “S-sino ka?” tanong ko sa kaniya. Damn it, Lavender!

“Hermes.” tanging sagot niya sa akin kaya napatango ako sa kaniya. Baka isa lang itong malaking joke at nananaginip ako kaya nandito ako sa lugar na ito. Kanina pa ako natatakot dahil sa itim na ilog at tila bumibigat ang pakiramdam ko tuwing tumitingin ako du’n.

“Nandito na pala si Charos.” he stated at itinuro ang papalapit na bangka na may maliit na lamparang nakasabit. Hindi ko maaninag ng maayos kung sino ang naka-sakay nu’n. “Sumakay na kayo du’n.” utos niya saka kinaladkad naman ako ng lalaking kanina pang naka-hawak sa akin.

“Segurista ka rin, ano? Alangan naman tatakas ako dito eh hindi ko alam kung nasaan na ako.” sabi ko sa kaniya at umirap pa. Sumakay na ako sa bangka. “Hi!” sabi ko sa bangkero pero hindi siya sumagot.

Naka-suot ito ng itim na cape. Ay dinedma niya ang kagandahan ko. Hindi ko mapigilan na tumingin talaga sa tubig at isang iglap ay tumutulo na pala ang luha ko. “Isa kang tao.” biglang sabi nung bangkero kaya napalingon ako sa kaniya.

Pilit kong inaaninag ang kaniyang mukha pero hindi ko makagawa dahil hindi siya natatamaan ng ilaw. “Oo, tao ako.” segunda ko pero wala ng salita ang lumabas sa kaniya. “Ah, nasaan na tayo?” tanong ko sa kumaladkad sa akin.

Una sa lahat hindi ko alam ang pangalan niya kaya ganon ang tawag ko sa kaniya. “Amaros ang aking pangalan.” sabi niya kaya napangiti ako. “I’m Lavender.” sabi ko sa kaniya. “Hindi ko tinatanong ang pangalan mo.” pambabara niya sa akin.

Kaya napatitig ako sa kaniya. “Huwag mo akong ginagago.” inis kong pahayag at ngumisi siya na parang isang demonyo. “I repeat, nasaan tayo?” tanong ko sa kaniya. “Underworld.” he answered at tumitig ako sa kaniya baka sakaling nagjojoke siya.

“Seryoso?” tanong ko sa kaniya. “Mukha ba akong nagbibiro?” balik tanong niya sa akin kaya du’n ko lang napagtanto na seryoso pala siya. “P-paanong…underworld? So, totoo nga ang mga Gods and Goddeses.” usal ko.

Underworld where the king of dead resides and it’s the place where dead people go according to Greek Mythology.

“Hindi pa ako patay para dito ako mapunta!” singhal ko sa kaniya. “Tumahimik ka! Itatapon kita dito sa Acheron at tignan natin kung saan ka pupulutin.” malamig na pahayag nito sa akin. “Napakasungit mo!” sigaw ko sa kaniya at humalukipkip.

I’m still alive and kicking kaya ano ang gagawin ko dito sa mundong ito? “Kausapin mo ako ng maayos, Amaros. Ano ang ginagawa ko dito sa mundo ng mga patay?” tanong ko sa kaniya at nagkibit-balikat lang siya. Bumalik na naman siya sa pagiging kalmado niya samantalang kanina handa na siyang bugahan ako ng apoy.

“Mas mabuti pang kausapin mo ang mahal na hari, binibini. Isa lamang kaming taga-sunod at walang karapatan na tanongin o kontrahin ang inuutos ng hari.” sagot ng bangkero sa akin kaya nanlumo ako. Tumulo ang mga luha ko hindi dahil sa ilog kundi dahil sa kaisipan na marahil ay patay na ako kaya nandito ako.

Hindi ko lang siguro matanggap na patay na ako kaya ganito pero syempre hindi ako magpapaniwala kay Amaros dahil malakas ang kutob ko na isa siyang demonyo and demons are deceitful. Hindi ko namalayan nasa harap na kami ng isang malaking gate na may mga torch bilang isang ilaw.

Underworld was a chill and shadowy place; it was damn right dahil hindi ko rin matanawan ang palasyo dahil napapalibutan ito ng makakapal na fogs.

“Ika’y bumaba na, binibini.” sabi ng bangkero sa akin kaya ganon din ang ginawa ko. “S-salamat.” sabi ko at walang salita na siyang umalis at iniwan na ako sa demonyong kasama ko. “Sabay tayong papasok sa gate at kung ano man ang marinig o makita mo ay huwag kang tatakbo.” sabi niya sa akin at tumango naman ako.

Huminga ako ng malalim. “Tara na.” sabi ko sa kaniya, the gate automatically open. As soon as we entered the gate ay naglakad na kami at isang malalakas na kahol ng mga aso ang narinig ko kaya napakapit ako sa ma-muscle niyang braso.

Napalunok ako, hindi ako nanantsing. Natatakot talaga ako, habang naglalakad kami ay sumalubong sa amin ang tatlong aso na may mapupulang mga mata. “Bugawin mo.” utos ko kay Amaros. Napanganga ako nung makita ko na ang kabuuan nila. Iisang katawan pero tatlong ulo!

What the hell?! “Tandaan mo, huwag na huwag kang tatakbo.” sabi niya sa akin kaya tumango ako sa kaniya habang ramdam na ramdam ko ang panginginig ng aking katawan. Natawa siya ng mahina. “Ngayon mo pala ilabas ang tapang mo.” sabi niya sa akin.

Hindi ako umimik dahil baka iwanan ako nito at ipakain sa monster dog na ito. Hanggang sa makalampas kami ay bumitaw ako sa pagkakapit-tuko ko sa kaniya at napahinga ako ng maluwang. “That was close.” I stated.

Bumungad naman sa aking paningin ang isang palasyo na gawa sa mga maiitim na bato. “Ito na ba ang palasyo?” tanong ko sa kaniya at tumango siya. Pinagbuksan kami ng dalawang kabalyero at kinilabutan ako nung umilaw ang mga mata nila saka kulay pula ito kaya naman nakakatakot.

It’s like I’m going to deal with the demon.

DYOSANIHADES69
2020

Queen of Underworld (COMPLETED)Where stories live. Discover now