CHAPTER 18

4.3K 181 17
                                    

Dedicated to nurselovesyou


LAVENDER




Ang daming abala ngayon dito sa palasyo dahil ngayong araw ay kasal at magiging ganap na reyna na ako. Nakakalungkot lang isipin na wala ang pamilya ko dito para saksihan nila ang okasyon na dadaan sa buhay ko ngayon. Nung bata ako pinangarap kong maikasal sa Prince Charming ko at ihahatid ako nina Mama at Papa sa altar ng simbahan.





Hindi naman prinsipe ang natagpuan ko kundi Hari naman at mas lalong hindi sa simbahan ang tuloy ko kundi dito sa loob ng palasyo. Dito sa palasyo gaganapin ang lahat at pupunta ang mga nasasakupan ng kaharian maliban lang sa mga nasa Tartarus. Mag-aabang lang ang mga bisita sa labas ng palasyo.





Kasama ko sina Hecate dito sa loob ng kwarto namin at bihis na bihis sila with their long gown in the shade of black. Kaya lumilitaw ang pagiging maputi nila at kulay pulang lipstick. “Pinapanindigan niyo talaga ang pagiging bampira niyo ‘no?” tanong ko sa kaniya and she just flipped her hair. May natutunan na sa akin ang isang ‘to.





May nag-aayos sa akin at hindi ko alam na halos parehas pala ang mundo ng mga tao dito dahil may mga hairstylist chu-chu rin sila. “Tunay nga na napaka-ganda ang bagong reyna.” sabi nung babaeng nag-aayos sa mukha ko.





“Hindi na niya kailangan pang ayusan ng todo dahil napaka-natural ang ganda niya.” dagdag niya kaya naman parang nabubusog ang tenga ko sa mga narinig kong papuri.






Ilang sandali pa ay inilabas nila ang susuotin kong gown para sa kasal ko. Mauuna muna kaming ikasal at susunod ay installation ko as the Queen. Red fitted lace bodice gown with deep plunging neckline, open back and leg slit. Napahawak ako sa ulo ko at bigla itong sumakit dahil sa nakita kong susuotin ko. “Kasal ko mismo ang dadaluhan ko hindi party.” sabi ko sa kanila and Hecate just rolled her eyes.


“The King chose it for you.” she answered kaya napanganga ako.


Hades! You! Pinapainit nito ang ulo ko!



Huminga ako ng malalim saka bumuga ng hangin. “Ano ang nirereklamo diyan? Maganda ang hugis ng katawan mo kahit medyo malaman ka. Saka ganda ng hugis ng pwet mo ha at sakto sa laki ang dibdib mo. Kaya bagay na bagay ang gown mo.” sabi ni Hecate pero sinimangutan ko lang siya. Halata naman na jinudge niya ang katawan ko.






“Pero hindi ako sanay na magsuot ng mga ganitong uri ng damit.” sabi ko sa kaniya and I just rolled my eyes on her.



“Panigurado daring ang suot ni Persephone mamaya. Huwag kang papatalo du’n!” sabi ni Hecate at tila bumalik sa ala-ala ko ang pag-uusap namin ni Persephone kahapon and it fueled my determination.









Taas-noo akong tumingin sa kaniya. “Oo nga pala. Hindi pwedeng manalo ang babaeng ‘yon.” sabi ko sa kaniya. Nabasa ko na uso pa man din ang polygamy dito sa mundo nila. Pero Hades is the exception of that thing.





“Yes. Kaya kung ako sayo, suotin mo ito.” sabi niya sa akin at ako naman na uto-uto ay isinuot ko na ‘yon syempre with the help of them.

My medium ash blonde hair color gives really justice to my double dutch braids pero hindi inabot sa dulo ng buhok ko dahil ginawang curly ito.



Isa lang masasabi ko, napa-cute ng hairstyle ko, mas lalo akong bumata at nagpapatunay na matanda na talaga si Hades. Baka ka-edad na niya ang mga ninuno ko. Napahagikgik naman ako sa naisip ko.




Queen of Underworld (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin