CHAPTER 32

4.8K 179 25
                                    

LAVENDER



Naka-alalay sa akin si Hades habang naglalakad kami sa daang mabato papunta sa may fresh water spring. Gaya ng una kong pagpunta dito ay maraming bata ang naglalaro at napangiti ako dahil bilang na ang ilang buwan ay masisilayan na namin ang batang nasa loob ko.




“I can’t wait the day you will give birth to our baby, babe.” Hades sincerely said when I look at him he’s looking to the children who are playing so I smiled. At least he wants our child and that’s matter the most for now.



Ayos na sana ang simula ng araw ko nung makasalubong namin si Persephone at galing ito sa kabilang daan at may hawak na isang bata. Umiiyak ito.



“Tumahimik ka! Naririndi ako sa iyak mo!” singhal ni Persephone sa bata at ang bata ay namumula na sa kakaiyak. Bigla akong naawa sa kalagayan nito. “Don’t treat your child like that, Persephone.” Hades said kaya nanlaki ang mga mata ko. Anak niya? Hindi ako makapaniwala na bata pa pala ang anak nito akala ko pa naman kung malaki na.




“Isa rin siyang mang-mang gaya ng kaniyang ama!” sabi ni Persephone at napunta sa akin ang tingin niya. Napahigpit naman ang kapit ni Hades sa bewang ko. “You are here, Lavender.” she said and she sounds like disgusted with the mention of my name. What a bitch.




“Pasalamat ka at buntis ako dahil kung hindi nasapak na kita diyan sa kinatatayuan mo.” saad ko sa kaniya at bumalik ang tingin ko sa batang hawak niya. Napaka-ganda niya. She will grow up into a beautiful lady someday. Anak nga ng diyosa.



“Huwag mong itrato na ganiyan ang anak mo, Persephone. Nanay ka at intindihin mo dapat ang kalagayan ng anak mo hindi iyong hinihila mo pa siya pababa.” sabi ko at umaasa ako na sana lumiwanag ang utak niya.



“Ano ang karapatan mo para turuan ako sa pagdidisiplina sa aking anak? Hintayin mo ring lumaki ang anak mo at magiging ganito siya kasuwail.” sabi niya sa akin at ngumiti ako.



“Parte ng paglaki ng isang bata ang pagiging suwail pero nasa sa iyo na magulang kung paano mo disiplinahin ang anak mo. Pero sa tingin mo, malupit ka kung magdisiplina sa anak mo mas lalo mo lang pinapalala ang pagiging suwail ng anak mo sa ginagawa mo ngayon, Persephone.” mahaba kong litanya.
Nagsalubong ang kaniyang mga kilay.





“Huwag kang magmarunong at hindi pa tayo tapos, Lavender.” saad niya at marahas na hinila ang kamay ng bata na naging sanhi para madapa ito sa mabatong daan. “Mama, nag-blebleed po.” sabi nung batang babae. Kaya di na ako naka-tiis ay dinukot ko ang panyo ko mula sa bulsa ng bestida ko saka pinunasan ang sugat ng bata sa kaniyang tuhod.





Pinapanood lang ako nina Persephone at Hades. “Give her to us, Persephone if you can’t act your duty well as her mother.” malamig na saad ni Hades kaya naman napatingin ako sa kaniya. “Do you want to adopt her, babe?” Hades asked. Napalunok naman ako dahil ayaw ko naman na kunin kay Persephone ang tungkulin niya bilang isang Ina sa bata. “Lahat na lang ng pag-aari ko kinukuha mo, Lavender?” she asked.




“H-hindi naman sa ganon, Persephone.” saad ko but she shook her head. “Kunin niyo na siya sa akin dahil hindi ko kayang magampanan ang pagiging Nanay sa kaniya. Isa lang siyang bunga ng panggagahasa sa akin ng isang lalaking di ko kilala.” saad ni Persephone at napayuko naman ang bata.




“Pinamimigay mo na ba ako, Mama? Di mo na ba ako love? Pero Mama love na love po kita.” nagmamakaawang sabi nung bata na ikinabasag ng puso ko. She’s too young to feel hurt and pain ang masama pa ay manggagaling pa sa taong dapat magmahal sa kaniya ng walang kapantay at mag-aaruga ng walang hinihinging kapalit.



Queen of Underworld (COMPLETED)Where stories live. Discover now