CHAPTER 24

3.9K 167 28
                                    

LAVENDER





Inihatid muna kami ni Hades sa palasyo ni Zeus at sabay-sabay silang magtungo sa Tartarus. “Take care, okay? Don’t worry too much about me or us, we are not Gods for nothing.” bilin ni Hades sa akin at tumango naman ako na parang bata. “See you, babe.” sabi niya at hinalikan ako sa labi. I saw his brothers rolled their eyes on us.





Kumaway ako sa kanila at pinanood na maglaho sila sa kani-kanilang mga usok. “Queen, nandito sina Demeter at Persephone.” pahayag ni Hecate. Napaikot naman ako ng aking mga mata si Selene naman ay naging alerto.






“Isang utos mo lang na sapakin ko sila, Queen. Gagawin ko ora mismo!” gigil na sabi ni Selene kaya naman natawa ako.
“Chill lang tayo. Tandaan mo, teritoryo nila ito.” sabi ko kay Selene naman na umirap sa pwesto ng mag-ina. “Nasaan ba ang asawa’t anak ni Persephone?” tanong ko habang papasok kami sa gate ng palasyo ni Zeus. Nasa loob ng bakuran ang mag-ina. Nagkibit-balikat ang dalawang kasama ko. “Mabuti naman at nagawi kayo dito.” malditang sabi ni Demeter sa amin.






Nilampasan lang namin sila pero nahigit ako pabalik ni Persephone sa aking siko. “Huwag mong tatalikuran ang aking ina, pinalampas ko lang nung tinalikuran mo ako pero di ako papayag na gawin mo iyon sa aking ina.” sabi ni Persephone. Sina Hecate at Selene naman ay lumapit sa amin. “Hayaan niyo kami.” pahayag ko sa dalawa.




Marahas kong binawi ang aking siko. “Don’t lay your dirty hand on me.” sabi ko sa kaniya at nagtitigan kami sa isa’t isa. “Ito ang ipasok mo sa kukute mo, Lavender. Asawa at Reyna ka lang sa kaharian ni Hades pero tao ka pa rin! Walang-wala sa kalingkingan ko bilang isang anak ng diyosa at dyosa mismo!” she hissed.
I closed my eyes tightly at napabuga ng hangin.




“I didn’t ask you who you are, Persephone. I don’t give a fuck if you are a goddess. Ang mahalaga asawa at reyna ako ni Hades, iyon ang importante at wala ka non.” maanghang kong sabi sa kaniya at akma niya ako sasampalin nung hinawakan kaagad ni Hecate ang kamay niyang nasa ere.





“Now, you brought your peasants with you at para ipagtanggol ka, you’re a cheap!” Persephone angrily said. “Bitch please.” Selene said. “Oo, tama ka, Persephone. We are here to secure the security of our queen. Since she’s a queen, she needs bodyguards.” Hecate said and smirked on Persephone.





“Do you feel any bitterness, Persephone? As far as I know, Hades didn’t give you bodyguards or alalay when you were his queen and wife. You’re a goddess but you can’t always fight for yourself, Persephone. But look at me, who’s you always insult for being a human, he give me so much important than you.” I backfired and they are all went shocked with what I have said. I arc my eye brow.





Hindi ko ugali ang manlamang ng ibang tao o kung sino man pero hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil di rin niya kayang pigilan ang sarili niya.
Di ko rin namamalayan na marami palang nakikinig sa amin pero di ko iyon pinansin.




“You! Inagaw mo ang lahat sa akin!” she yelled at sinabunutan ako na iyon ang di namalayan nina Hecate. Hinawakan ko ang kamay niya at saka siya sinipa sa paa na naging dahilan para mapaluhod siya at mabitawan ako.
“Anak!”





Huminga ako ng malalim. “Diyan ka nababagay! Ang lumuhod sa harapan ko dahil sa mga mata mo isa akong reyna na dapat mong galangin.” mahinahon ngunit madiin kong sabi sa kaniya. “Makakarating ito sa mga hari! Isang kalapastanganan ang manakit ng isang dyosa!” sabi ni Demeter. “Hindi ba’t kalaspatanganan din ang manakit sa reyna?” balik kong tanong sa kaniya at tila natahimik ito.






Kaya napailing ako sa kaniya. “Kung tutuusin, mas mabigat ang parusa na ipapataw sa kung sino mang magtatangkang manakit sa reyna, hindi ba?” tanong ko ulit kay Demeter at napalunok naman ito. “Gusto mong malaman ito ng mga hari? Okay, fine. Edi sabihin mo tignan natin kung saan pupulutin ang anak mo.” sabi ko sa kaniya at itinuro pa si Persephone na nasa lupa.



“Tumayo ka na, huwag kang overacting diyan.” mataray kong sabi kay Persephone at saka tumalikod na. Tahimik naman na sumunod sa akin sin Hecate. “Ang ganda ng ayos ng buhok ko ginulo ng babaeng iyon!” inis kong sabi habang naglalakad papunta sa kama ko para umupo.




“Hail to the Queen!” Hecate and Selene said at saka yumuko pa ito na parang sinasamba nila ako. “Excuse me?” pahayag ko. “That’s what she got from messing with the Queen of Hades.” Hecate said with a smirked on her face. Bumuntong hininga naman ako.





Saan ba ako humuhugot ng ganong lakas ng loob? Inaaral ko naman ang maging mabait sa mga kaaway pero napupuno rin ako.
Sumampa si Selene sa kama at pumunta sa likuran ko. “Aayusin natin ang iyong buhok, Queen. Dahil hindi pa huli ang lahat para mamasyal tayo dito.” sabi ni Selene kaya tumango ako sa kaniya. “Edi supalpal si Persephone.” natatawang sabi ni Hecate.




“Hindi ko rin inaasahan na lumabas ang ganong ugali ko.” sabi ko sa kanila. Actually I felt some guilt pero mas nangingibabaw ‘yung inis ko para sa kaniya.





“Saan pala tayo mamamasyal?” tanong ko sa kanila. “Magtungo tayo sa hardin ng lugar na ito.” masayang pahayag ni Hecate. “Sige, sige du’n tayo!” sang-ayon ko rin. Pero nung maalala ko na si Demeter pala ang taga-pangalaga ng mga bulaklak ay napairap ako saka ngumuso. “Huwag na pala. Baka nakakalimutan niyo sakop ni Demeter ang mga halaman.” sabi ko at nalungkot naman silang dalawa.







Kaya napagpasyahan na lang namin na mamasyal sa mga kabahayan sa ibaba ng bundok ng Mt. Olympus. Isa lang masasabi ko, magaganda at gwapo ang mga ito. Kaya naman pinagtitinginan kami ng mga nandito. Kaya si Hecate ay humawak sa palapulsuhan ko habang nagiging alerto sa paligid.






“Queen, kaharian man ito ni Zeus at reyna ka ni Hades, hindi pa rin sila matatakot na saktan ka nila lalo na’t nandidito si Persephone.” sabi ni Hecate sa akin kaya napatango ako.
“Siya ang bagong reyna ng kaharian ni Haring Hades. Isa siyang tao!” rinig ko na bulungan ng mga nandidito sa aming paligid. Kaya napatungo ako at pinanood ko na lang ang mabatong nilalakaran namin.






“Mahal na reyna!” isang masayahing tawag ng boses ng isang batang babae. Kaya hinanap ko kung nasaan iyon.





“Mahal na reyna, maaari mo po ba itong isuot sa iyong tenga ang isang pirasong bulaklak na ito? Pakiramdam ko bagay po ito sa inyo.” the little girl requested so I get it from her hand. “Wow. Napakaganda naman ito.” masayang sabi ko. Isa itong white daisy.




“Huwag po kayong mag-aalala wala po iyang lason.” saad niya kaya napatingin ako dito. Naka-tingin ang bata kay Hecate.




“Bata iyan, Hecate.” bulong ko sa kaniya na umismid muna ito at bumuntong-hininga. Kaya naman inilagay ko ito sa aking tenga. “Maganda na ba ako?” tanong ko sa kaniya. Nagtatalon at pumalakpak naman ang bata. “Napakaganda niyo po, Mahal na Reyna!” masayang sabi niya kaya napatawa naman ako.






Umupo ako ng pa-squat para mapantayan ko ang kaniyang height. “Mahal na Reyna, huwag po kayong umupo ng ganiyan, maiipit mo po ang iyong anak.” nag-aalalang sabi niya kaya napanganga ako. Tila natigil ang aking paghinga maski sina Hecate at Selene ay natulala saglit.




“Tayo po kayo, Mahal na Reyna.” sabi niya sa akin at hinawakan ng maliliit niyang kamay ang kamay ko.
I absent-mindedly stood up. Humawak si Hecate sa palapulsuhan ko. “H-hindi nga ako dinadaya ng aking pakiramdam.” nabubulol na sabi niya.





“T-talaga ba?” sabi naman ni Selene at humawak din sa isang palapulsuhan ko. “Totoo nga! Buntis ang mahal na reyna!” Selene happily broadcasted it.




Suminghap ang lahat ng mga nandidito habang ang bata naman sa harapan ko ay ngumiti ito ng malapad sa akin. Habang ako natulala at di makagalaw sa aking kinatatayuan.




VOTE

COMMENT


SHARE THE STORY & LOVE



DYOSANIHADES69
2020

Queen of Underworld (COMPLETED)Where stories live. Discover now