CHAPTER 17

4.3K 177 34
                                    

LAVENDER




Bukas na gaganapin ang seremonya at tila na-sstress ako lalo. At nagsimula ng dumating ang mga panauhin dito sa palasyo kasama na du’n ang mag-ina.





Hanggang sa abot ng makakaya ko ay iniiwasan ko ang mga ‘yon dahil baka masira lang talaga ang buong araw ko.
“Mahal na reyna!” tawag sa akin ni Bisoy na may dalang isang tangkay ng sun flower. Saan naman kayo nito pinitas? Itong batang ‘to talaga. “Salamat!” masayang sabi ko saka ginulo ang buhok niya.





“Mahal na hari! Salamat daw!” sabi ni Bisoy kay Hades na naka-tayo kasama ang ilang mga kalahi niya. Nanlalaki naman ang mga mata neto pero naningkit ang mga mata ko sa kaniya. “Akala ko ba naman kung galing sayo ‘to.” saad ko.






“Pero ako po mismo ang kumuha, Mahal na reyna. Inutos lang po sa akin ng Hari. Huwag ka na po malungkot. Ako naman po ang nag-bigay sayo eh. Inutos lang naman.” sabi niya nang naka-nguso.





Kaya di ko natiis ang ka-cute’tan ng bata ay pinisil ko ang pisngi niya. “Binibiro lang kita.” sabi ko at binitawan ang pisngi niya, namula ang mga ito kaya nakadagdag sa pagiging cute nito. “Ah ehehehe sige po, alis na po ako!” sabi niya saka patakbong umalis para makipaglaro sa mga batang anak ng alipin ng palasyo.







Multo man ang mga ‘yon at iba’t ibang uri ng mga nilalang ay nagkakapamilya rin sila. Napangiti na lang ako sa naisip ko. Pinutol ko ang tangkay nung sun flower gamit ang gunting saka nag-iwan ng maliit na tangkay saka inilagay ko sa aking tenga. Ewan ko ba at natutuwa ako kapag alam kong may bulaklak na naka-kabit sa tenga ko.







“Queen, amin na ‘yang cellphone mo. Pipicturan kita.” sabi ni Damon sa akin kaya naka-ngiti kong binigay sa kaniya. Kung paanong di na-lolow batt ang cellphone ko, may kuryenteng ginagawa si Hades para makapag-charge ako.

Nothing is impossible to the God of Death.



Nag-pose ako ng ilang beses at panay naman ang picture ni Damon sa akin. “Walang kupas! Pangit pa rin!” pang-aasar ni Damon sa akin.






Ngumiti ako ng hilaw sa kaniya. “Inggit ka lang sa ganda ko eh.” sabi ko kaya napanganga ito at walang masabi. “Maaari bang magdala dito ng kagamitan galing sa mundong ibabaw?”  tanong ng isang babae na tumubo na lang sa tabi ko. Palihim akong napairap at kitang-kita ko naman na naka-bantay sina Hecate sa akin.





“Syempre naman.” casual kong sagot sa kaniya. Nameywang siya, “Hindi ko alam na may pagka-bobo pala ang magiging reyna ng kaharian na ‘to.” sabi ni Persephone sa akin kaya napataas ang isang kilay ko.





“Alam ko naman na di gagana ang bagay na ‘to dito sa kaharian pero magagamit ko naman sa ibang bagay ang cellphone ko. Hindi lang naman pantawag at pantext ito eh. Gaya kanina, ginamit ko ito para kuhanan ng litrato at kung nag-aaalala kang maisiwalat ang kaharian at iba pang nilalang na nandito, sa oras na dalhin ko ang cellphone ko sa mundo ng mga tao ay mabubura ang mga litrato at video. Gets?” sabi ko sa kaniya at di naka-ligtas ang pagtiim bagang niya sa akin. Did I hit her nerve?







“Hindi ka naman mayaman para makayanan mong bumili ng maraming ganiyang bagay.” sabi niya kaya naman napaikot ako ng aking mga mata. “Darling, I think you’re insulting me and my family in terms of finance.” sabi ko sa kaniya saka napailing na lang sa kaniya saka umalis na sa tabi niya pero kaagad niya akong hinigit pabalik sa pwesto ko.





“Ano ba.” sabi ko saka marahas kong binawi ang braso ko.
Kitang-kita ko naman ang markang nasa braso ko. Dumapo ang mga mata ko kina Hades na sa amin na naka-tutok.






Queen of Underworld (COMPLETED)Where stories live. Discover now